Part II

12 0 0
                                    

After three years ay ngayon lang ulit sya nakatuntong ng Pilipinas. And it feels good. Kahit ayaw nya ay sinunod nya ang gusto ng Mamu nya na ipagpatuloy nya sa Paris ang kanyang propesyon bilang isang Fashion Designer. Kabi-kabila ang offer sa kanya subalit tinanggihan nya. isa lang naman ang gusto nya ang palaging makasama at makapiling ang Lola nya. Ito na ang kinalakhan nyang Pamilya. Sobrang pasalamat sya sa matandang nakapulot sa kanya at inalagaan sya hanggang sa hindi na nga ito tuluyang nakapag-asawa para sa kanya. mahal na mahal nya ito at hanggat kaya nyang ibigay ang hiling nito ay binibigay nya para lang sumaya ito.

Inilibot nya ang kanyang paningin. Napabuntong-hininga sya ng makita nya ang assistant at driver ng Lola nya. Maya-maya pa ay kumaway na sa kanya ang mga ito.

“Where’s Mamu? I thought sya ang unang taong sasalubong sa’ken kasi miss na miss na nya ko?” nakangiting tanong nya sa mga ito. Bigla naman syang nakaramdam ng kaba ng magkatinginan ang mga ito. “Something wrong?” kunot-noong tanong nya.

“E kasi Ms. Eira, nasa hospital sya nga—“

“W-what?! Gosh! Bakit ‘di mo agad sinabi! What are you waiting for? Let’s go!” nauna na syang naglakad sa mga ito palabas. At halos paliparin na nya sa driver ang sasakyan makarating lang kaagad. Kung mayroon man syang gustong hilingin sa buhay ay ang bigyan ito ng mahabang buhay habang sya ay nabubuhay.

Pagdating sa hospital ay ang sama ng tingin nya rito.

“At nakakangiti ka pa!” umiiyak syang yumakap dito. Natawa naman ang matanda sa reaksyon nya. “Mamu, why didn’t you tell me agad ng tumawag ako kagabi?” kumalas sya ng pagkayakap dito.

“I’m okay na Hija, I’m always healthy. What for pauwi ka na naman ngayon.” Nakangiting sagot nito sa kanya.

“I miss you, Mamu. ‘Wag mo na ulit ako ipadadala ‘dun. Ayokong mag-isa lagi kitang namimiss, Mamu.” Nang-hihinampong sabi nya rito.

“Of course, that would be the last.” Nakangiting sabi nito at hinaplos ang mukha nya. “Madi-discharge na rin ako mamaya. I have something to tell you, baby.”

“Mamu, ‘di ba pwedeng ipagpabukas ‘yan? Parang ganyan ka rin ng time na gusto mo ko papag-aralin sa Paris. I feel nervous now.” Honest nyang sabi rito. Nakita nyang bumuntong hininga ito bago nagsalita.

“Alam kong sasama ang loob mo pero gusto kong isipin mo na para sa’yo ‘tong gagawin ko. Ayoko naming maiwan ka mag-isa ‘pag dumating ang time na ‘yon gusto ko may aalalay sa’yo.” Malungkot na sabi nito. Napakunot-noo sya.

“What are you saying, Mamu? Gosh, let’s talk later. I must be tired, may Jet lag pa ko.” Pag-iiba nya ng usapan. Ayaw man nyang isipin pero kasi mukhang naghahabilin na ito and she really hate the idea baka ‘di pa ‘to masyadong okay.

“Listen Eira, nakipagkasundo ako sa dati kong nobyo na ipakasal ka sa apo nya.” sabi nito.

“W-what? Are you serious? Mamu, I’m too young para dyan, I’m just twenty-three for Pete’s sake, ipinamimigay mo na ba agad ako? Kararating ko lang nagsasawa ka na agad?” Hindi sya makapaniwala sa narinig halos magpantay na ang kilay nya sa sobrang kunot ng noo nya.

“I’m serious Hija. This is for your own good.” malungkot pa rin ito. Ayaw nyang makita ito sa ganung ayos feeling nya magkakasakit din sya. ‘Di nya mapigilan ang bumuntong hininga. Kahit gusto nyang sumama ang loob dito ay hindi naman nya maramdaman. Manhid sya ‘pag Lola na nya ang pinag-uusapan.

“Okay, who’s the guy?” nakita nyang sumigla ang expression ng mukha nito.

“Kiro Angeles.” Napakunot-noo sya.

“The Grandson of Don Celestino of Angeles Corporation?” paniniguro nya. Tumango ito.  “Is he the one you are talking about? Your first love?” tumango ulit ito. No wonder kung bakit madalas ang matandang Don sa Boutique ng Mamu nya. Kaya pala kahit sya ay close na close rito maging sa apo nitong si Klaire.

“You seems to know his Grandson.” Tumango sya rito. Sino ba namang hindi makakakilala rito. Sikat na sikat ito sa eskwelahang pinapasukan nila noon. Bago pa nya makilala ang matandang Don at si Klaire bilang kapatid nito ay marami na syang nalalaman dito. Sa gwapo at kisig nito marami ang nagkakandarapang mapansin nito maging sya ay nabihag din nito. Inakala pa nya dati na liligawan sya nito pero hindi pala kundi ang isa sa mga kaibigan nya na si Shiela. Hindi nya tuloy maiwasan alalahanin ang unang taon nya sa College. So sweet yet so sour.

My SanctuaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon