Part V

11 0 0
                                    

“Huh?” di nya talaga gets.

“Slow ka ba? Imposible naming bobo ka kasi antaas ng mga exams mo.” Nakakunot noong tanong nito sa kanya.

“Look, I really don’t understand what’s with you guys. I gotta go baka hinahanap na nila ako.” Manghang mangha pa rin ito sa kanya. Hindi makapaniwala.

“O baka naman tama sila, nagpapakipot ka, pa-cool ka lang para mapansin?” taas-kilay nitong tanong sa kanya. Biglang nag-init ang pisngi nya. Medyo na-ooffend sya sa sinabi nito pero pinakalma nya sarili nya.

“Please, ayokong ma-involve sa kahit na ano. Mind your own business at akong bahala sa’ken.” Akmang aalis na sya pero inipit lang sya lalo nito.

“You really have the guts to impress me huh.” Medyo nainsulto sya.

“Isipin mo na ang gusto mong isipin, I really don’t care.” Pinipilit nyang makaalis ayaw talaga nitong alisin ang kamay nito. “Ano bang gusto mo?” ansama ng tingin nya rito. Bigla ay ngumisi ito.

“Why babe? Kung sasabihin ko ba kung anong gusto ko, iga-grant mo ba?” bigla ay namula sya sa sobrang lapit nito. Mukhang nag-eenjoy pa’to na paglaruan pa sya.

“W-what do you mean?” pigil-hininga nyang tanong dito. At halos itukod na nya ang ang dalawang kamay nya sa dibdib nito ‘wag lang makalapit ang mukha nito sa mukha nya. Maya-maya’y tinawag sna ya ng coach.

“Hey Kiro, magstart na.”

“Okay Coach, I’ll be there.” Baling nito sa coach saka sya nakakita ng pagkakataon na makawala. Malapit na sya sa may pinto ng bigla ay halbutin ulit nito ang braso nya.

“Ano na--?” nanlaki ang mata nya ng bigla ay hinalikan sya nito at dahil napanganga sya sa ginawa nito ay agad naman nitong naipasok ang dila nito. Napasinghap pa sya sa kapangahasan nito. Halo-halong emosyon ang nararamdaman nya ng mga oras na iyon. Medyo tumagal pa ng kaunti ang halik nito at agad naman nyang naitulak ito. Sasampalin nya sana ito subalit nahawakan agad nito ang kamay nya saka nginisihan sya.

“Don’t you dare babe. I’m pretty sure na hindi mo lalo magugustuhan ang sunod na gagawin ko sa’yo.” Nanlaki lalo ang mata nya at halos umusok ang ilong nya sa inis dito. “Pag-usapan natin ‘to mamaya. I really need to go.” Bago sya umalis ay pinahabulan pa sya nito. “Thank you sa good luck kiss.” Bago kiniss sya nito sa may forehead. What does it mean? Bago tuluyan itong umalis.

Pagdating nya sa pwesto ng mga kasama nya ay nakita nyang sumulyap ulit sa kanya si Kiro at nag-smile. Napayuko nalang sya at ramdam na ramdam nya ang pag-iinit ng mukha nya. Nakakainis.

“Oh, hindi ba kayo nagkita ni Shiela? Sinundan ka nya ah antagal mo kasi ‘kala namin umuwi ka na.” si Jinky.

“Huh? Ah hindi e.”

“Oh andyan na pala sya e.” si Hanna. Napalingon naman sya rito. Nakita nya ang matiim na tingin nito sa kanya. Nakita nya ba? Bigla ay napaiwas sya ng tingin dito.

Maya-maya ay pumito na hudyat na mag-uumpisa na. Hanggang matapos ang game ay nandon lang sya at tahimik na nanonood. Maya’t maya din ang sulyap nito sa grupo nila. Medyo habulan din ang score pero sa huli ay sila ang nanalo.

Ina-announce palang ang nanalo ay umalis na sya. Narinig nyang tinanghal na MVP si Kiro. Napabuntong hininga sya. Ano ba tong nararamdaman nya. Hindi maalis sa sistema nya ang pangahas na labi ni Kiro.

Isang lingo na ang nakalipas pero hindi pa rin nagpaparamdam si Kiro sa kanya at lagi nitong kasama si Shiela. Sila ba? Binagabag din sya ng ginwa nito nung nakaraang lingo pero hindi nya alam kung bakit pakiramdam nya ay napaglaruan sya. Tuwing naiisip nya ang nangyari ay hindi nya mapigilang maiyak at isipin si Kiro.

Minsan ay napadaan sya sa may Science Lab at hindi nya naiwasang marinig ang pinag-uusapan ng mga tao sa loob.

“I thought type mo si Eira, ba’t si Shiela ata ang dinedate mo? What happened, Dude?” narinig nyang tanong ni Isaac.

My SanctuaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon