Part IV

12 0 0
                                    

“Pwede ba kaming maki-share?” tanong nung isang lalaki. Pang-apatang katao lang ang table nila at si Hanna lang ang nagkataon na kasama nya.

“Oo naman, Troy.” Sagot ni Hanna. Kelan pa sila naging close? Deresto lang sya ng pagkain.

“Hi Eira, nakita mo ba si Kiro?” tanong nito sa kanya. Napakunot noo sya, pa’no naman sya nakilala nitong bakulaw na’to?

“I thought you are guys friends bakit sa’ken mo tinatanong?” tamilmil sa kanya bigla ang kausap pati yung isa. May mali ba sa sinabi nya? Nagtanong sya sinagot nya naman.

“Naku, pasensya na kayo rito kay Eira, he-he ganito talaga ‘to.” Napamulagat sya ritong nakanguso. Weird.

“Hindi ka pa naming nakakasama gumimik Eira, gusto mong maki-join mamaya? Safe naman ‘dun sa bar?” sabi nung isa ‘di ko alam ang pangalan eh.

“Ah hindi kasi ako pumupunta sa ganyan.” Sabi nya nalang which is true naman.

“KJ talaga yang si Eira, Isaac “wag na wag mo aayain yan.” Nainis naman sya bigla kay Hanna.

“Sige, una na ‘ko may gagawin pa kasi ako.” Paalam nya sa mga ito. Paglabas nya ng cafeteria ay nakasalubong nya sina Kiro at dalawa pa nyang kaibigan.

“Hi, Eira.” Bati ng mga ito sa kanya. Nginitian nya lang ang mga ito at nilampasan na rin. Narinig nya pang nag-‘woaah’ ang mga ito ng sabay-sabay. What’s wrong with them?

One week later.

“Shie, ‘di ba ngayon ang Championship game nila Kiro vs. sa kabilang University?” narinig nyang tanong si Ellen.

“Ahm, yeah. Manonood nga kami nila Hanna eh.” Sagot nito.

“Sama kami.” Sigaw ni Jinky.

“No problem.” Sagot nito.

“Eira alam kong wala ka naming gagawin. Sama ka ha? ‘wag ka namang Kj, mag-enjoy ka naman sometimes.” Napailing nalang sya sa sinabi nito. Mukhang wala na syang malulusutan nahihiya na rin sya na kada mag-aaya ang mga ito ay panay tanggi sya. Tinext nya ang Mamu nya at P.A nya na hindi muna sya makakauwi ng maaga.

Pagdating nila ay mukhang mag-uumpisa na. Sinigawan ni Hanna ang grupo nila Kiro kaya napalingon ang mga ito. Nakita nyang nag-smile si Kiro. Sa kanya ba? Tumingin sya sa katabi, naka-smile din si Shiela. Ah baka may something sila ni Shiela.

Maya-maya’y nagpaalam syang pupunta saglit ng rest room. Nang makalabas ng rest room ay hindi nya sinasadyang mabangga ang isang lalaki.

“Sorry..” sabi nya bago tumalikod.

“Hey Miss..” napalingon sya ditto ng hawakan nito ang balikat nya. napatingala pa sya dahil sa tangkad nito.

“What?” medyo inis na tanong nya.

“Ahm, taga LX University ka?” she rolled her eyes.

“Isn’t it obvious? Naka-uniform pa ‘ko oh.” Bigla itong natawa sa kanya. Bakit?

“I like you. I’m Revo.” Pakilala nito sabay abot ng kamay. Tiningnan nya lang muna ito. Ayaw naman nyang maging bastos.

“Eira.” Akmang tatanggapin nya ang kamay nito ng biglang may humaltak sa kamay nya. Kunot noo na naman sya ng makita ang madilim na anyo ni Kiro.

“Back off, man! She’s mine.” Halos maningkit ang mga mata nito. What’s with him? Agad naman syang kinaladkad nito. Sa isang room sya dinala nito hula nya’y eto ang assigned room para sa team nila base sa mga nakakalat na gamit ng mga ‘to.

Basta nalang sya nito binalibag sa pader. Nakayuko ‘to at mukhang nagpapakalma. Bigla ay naguluhan sya. Nang magtama ang mga mata nila ay nakaramdam sya ng pagkailang.

“Ganyan ka ba talaga?” tanong nito.

“Huh?” mulagat nya rito. Napangisi ito saka bumuga ng hangin. Nakatitig lang sya rito. She really can’t understand the situation.

“Are you that innocent? O sadyang may pagka-naïve ka lang?” hindi makapaniwalang tanong nito.

My SanctuaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon