Sasampalin nya sana ako, sorry but I’m not sorry babe.
“Don’t you dare babe. I’m pretty sure na hindi mo lalo magugustuhan ang sunod na gagawin ko sa’yo.” Nanlaki lalo ang mata nito at halos umusok ang ilong nya sa inis sa’ken. “Pag-usapan natin ‘to mamaya. I really need to go.” Tsk wrong timing naman kasi ang game e. “Thank you sa good luck kiss.” Tapos kiniss ko sa forehead nya.
Nakita kong umupo sya sa tabi ng mga kasamahan nya. Nag-smile ako sa kanya. Deadma na naman ang kagwapuhan ko.
Maya-maya ay pumito na hudyat na mag-uumpisa na. Hanggang matapos ang game ay nandon lang ito at tahimik na nanonood. Maya’t maya din ang sulyap nya sa mga ito partikular na sa kanya. Ganadong-ganado sya. Medyo habulan din ang score pero sa huli ay sila ang nanalo. At syempre tinanghal na naman syang MVP of the year. Pero this time may isang reason kung bakit sya nanalo, inspired sya. Excited na sya mamaya. Susuyuin nya talaga ito. Maya-maya’y lumapit sa kanya sa Revo nakangisi, nakipagshake hands. Pero dahil masaya sya tinanggap nya yun ng walang pakundangan. Matapos magpalit ay dali-dali nyang hinanap ang grupo nila Eira pero wala na ang dalaga. Nakakadismaya, gusto nya pa naman magcelebrate kasama ito. Doon lumapit ang isang barkada nya. si Shiena ata ‘to? Ewan.
“If you’re looking for Eira, she’s with someone. Inaya sya ni Revo.” Sabi nito. Napakunot noo sya.
“Huh?” wait lang loading e.
“I said she’s with Revo.” Ulit nito. Napatiim bagang sya.
“San daw ang punta?” nagkibit-balikat ito.
“Crush nya yun e.” napaunat sya sa sinabi nito.
“Huh?” ‘di talaga mag sink-in sa utak nya ang sinasabi nito. Parang pinipira-piraso ang puso nya.
“Oo nga, sabi nya nagkita raw sila kanina e kaya lang bigla ka naman raw sumulpot.” So hindi ito nagsisinungaling ganun? Pero bakit parang ayaw pa rin maniwala ng puso nya. may part na gusto nya pa rin umasa.
“Ganun ba?” bago tuluyan na syang umalis. Nang gabing iyon ay uminom sya ng uminom. Aanhin nya naman ang trophy kung ang babaeng nagugustuhan naman nya ay ang trophy ng kaaway nya. He hates the idea. ‘Di nya matanggap. Ang sakit pala talaga ma-inlove.
Isang lingo na ang nakalipas pero hindi pa rin ramdam nya pa rin ang sakit lalo na sa tuwing makikita nya ito at mababalitaan nya kay Shiela na nagkakamabutihan na raw ito at si Revo. Sa katunayan daw ay may nangyayari na sa mga ito. Lagi daw nasa bar ang dalawa at gabi na kung umuwi. Unang beses sya nagpakatino at umiyak, humabol sa isang babae, di pa naging sila bigo na sya. Wala na rin syang pakiaalam sa rumor na girlfriend nya si Shiela para naman may mapaglibangan sya at baka sakaling maka-move on sya sa tulong nito.
Animo’y tinarak sya ng paulit-ulit ng mabalitaan nyang nag-transfer na ito nung second sem, graduating na sya, mas masakit pa ng malaman nyang sa University mismo nina Revo ito lumipat. Fuck! Bullsh*t.
“Mukhang durog na yung beef Hijo. Are you okay?” napaangat sya ng tingin sa mga ito. Nasalubong nya ang tingin ni Eira na may halong pagtataka. Kaharap nya kasi ito katabi ng Lola nya, ako naman katabi ni Lolo.
“Ah, yeah. Pagod lang po ‘to siguro.” Sagot ko nalang sabay subo ng beef.
BINABASA MO ANG
My Sanctuary
RomanceHindi maganda ang kinahinatnan ng unang pag-ibig ni Eira at Kiro para sa isat-isa. After seven (7) long years ay muli silang pagtatagpuin ng tadhana na parehong may kinikimkim na galit sa isat-isa. Magiging daan ba ang galit na ito para muling ibali...