Part III

9 0 0
                                    

First year College sya sa kursong Fashion Designer at Fourth year naman si Kiro sa kursong Business Administration. Lagi nya itong nakikitang dumadaan kasama ng mga tropa nito sa may Lobby na lagi may hawak na bola, minsan pang soccer minsan pang basketball at nakikita nya rin lagi itong sumusulyap sa kinaroroonan nila, kasama ng mga kaklase nya.

“Girls, nakatingin si Kiro oh.” Kinikilig na sabi ni Glenda, ka major nya. habang ako deretso lang ng pagbabasa. Ni hindi nya alam kung sinong Kiro ba ang tinutukoy ng mga ‘to dun, ang dami naman kasing kasama. Wala naman kasi syang panahon sa mga ganung bagay. Bata pa sya at gusto nyang makatapos para matuwa sa kanya ang Mamu nya.

“Ikaw ata tinitignan Shie.” Bago naghagikhikan ang mga ito. Medyo nainis na sya ‘di kasi sya makapg-concentrate.

“Girls, una na ‘ko ha. May ire-research pa kasi ako.” Paalam nya sa mga ito. Nagsitanguan lang ang mga ito. Ano ba naman kasing aasahan nya sa mga ito.

Kasalukuyan syang nasa may Library ang nagre-research ng biglang nyang narinig na nagsaway ana Librarian teacher nila. Hindi nya nalang pinansin dahil busy sya sa pag-abot ng isang libro na kahit anong tiyad nya ay hindi nya talaga maabot. Hanggang sa may naramdaman syang isang matangkad na lalaki sa likod nya at inabot ang libro sa kanya.

“Bakit kasi ang liit mo?” sabi nito sa kanya bago iabot ang libro.

“Thank you.” Ni hindi sya nag-abalang tignan ang mukha nito. Deretso lang sya sa upuan.

“Hey wait..” pigil nito sa kanya. Napatingin sya sa kamay nitong nakahawak sa braso nya. Bigla naman nitong inalis iyon saka lang sya tumingin dito. Nakita nyang napasinghap ito. Sa tangkad nito ay halos nakatingala na sya.

“What? Something wrong?” inosenteng tanong nya rito. Nakita nyang bumuntong hininga ito.

“I’m Kiro Angeles.” Nakangiting inabot nito ang kamay sa kanya. Napakunot-noo sya.

“So, you’re the popular Kiro?” inosenteng tanong nya pa rin. Bahagyang nagulat ito sa tanong nya. Animo’y hindi makapaniwala.

“Don’t you know me?” tanong nito.

“Dapat ba kilala kita?” balik-tanong nya rin. Nakita nyang nagulat na naman ito. Ano bang mali sa sinabi nya? “May kailangan ka ba?”

“What is your name?” tanong nito. Nang biglang lumapit sa kanila si Shiela.

“Eira, everyone is looking for you. Kanina ka pa di ma-reach. Coco Bar daw later. Do you want to join?” aya nito sa kanya saka bumaling kay Kiro. “Oh hi, Kiro..” ‘di na lingid sa kanya ang pagka-crush nito sa lalaki.

“Ah hindi ako makakasama eh, Mamu is expecting me after this.” Mukhang ‘di naman nito alintana ang presenya nya kaya nagpaalam nalang sya. “Sige una na’ko.” Ni hindi nya man lang sinulyapan ang dalawa.

Hanggang sa paglipas ng mga araw ay palaging ganun ang takbo ng buhay nya. Eskwelahan, bahay, simbahan lang lagi ang routine nya. Ni hindi nya nga alam na magkabarkada na pala ang mga barkada ni Kiro at mga kaklase nya.

Nang minsan kumakain sila sa cafeteria ay nagsiupuan din sa pwesto nila ang mga tropa ni Kiro. Bahagya pa syang nagulat dahil hindi sya sanay na may lalaking nakapaligd sa kanya maliban sa driver nila. Ang body guard naman nya ay babae rin at isang P.A na nakapaligid lang sa may labas ng University.

My SanctuaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon