Part X

8 0 0
                                    

“So, you’re the popular Kiro?” inosenteng tanong nito sa kanya. Laglag panga sya ito lang ata ang babaeng hindi nakakakilala sa kanya. O sige pagbigyan nalang kasi freshman ito pero sh*t lang ang ego nya.

 “Don’t you know me?” tanong nya. Obviously, anong klaseng tanong ba yun.

“Dapat ba kilala kita?” balik-tanong nito. Gulat na naman sya. Ouch. “May kailangan ka ba?” tanong pa nito. “Di ba’to marunong makaramdam? Usually yung iba kapag nilapitan nya feeling nila may something na agad pero etong ‘sang ‘to medyo mahirap espelengen.

“What is your name?” tanong nya na lang kahit alam naman nya kung anong pangalan nito. Andaya lang. Nang biglang may lumapit sa kanila. Napakunot noo syang tumingin dun sa babae. Istorbo e.

“Eira, everyone is looking for you. Kanina ka pa di ma-reach. Coco Bar daw later. Do you want to join?” aya nito kay Eira, saka bumaling sa kanya. “Oh hi, Kiro..” pssh, medyo turuan mo ng kaunting landi ‘tong kaibigan mo, pakisabi landiin ako. Ngumiti nalang sya, paporma muna magkakilala sila e.

 “Ah hindi ako makakasama eh, Mamu is expecting me after this.” “Sige una na’ko.” Ni hindi nya man lang sya sinulyapan ng crush nya. Deretso lang ‘to. May sinasabi sa kanya yung babae but he’s not interested, medyo nabasted sya ni di pa nga nya nililigawan.

Hanggang sa paglipas ng mga araw ay palaging ganun pasulyap-sulyap sya. Haggang sa napalapit ang mga barkada nya sa mga barkada nito, medyo pabor na yun sa kanya para mas makalapit pa sya rito. Habang tumatagal ay palala na sya ng palala. Mahal na nya ata ito.

Nang minsan makasalubong nila ito sa cafeteria, still deadma pa rin ang kagwapuhan nya. Ang saklap lang.

“Hi, Eira.” Bati ng mga barkada nya rito. Ngumiti lang ito at umalis na rin.

“Wooah.” Sabi ng mga ‘to. Napailing nalang sya. Pa’no nya ba ‘to susuyuin? Gustong gusto nya talaga ito. Desperado na sya.

One week later.

Championship ng basketball nila. Medyo naging busy sya nitong nakaraang araw. Bilang captain ball ay nakaatas sa kanya ang pinakamahirap na part at desperado talaga syang manalo lalo pat magaling din ang kabilang University. Hindi basta ang kalaban nila.

Malapit ng mag-start ang game ng biglang may sumigaw sa team nila. Halos mahulog ang puso nya ng makita si Eira. Sh*t ang ganda nya talaga. Seryosong-seryoso ang mahal nya. Nang matagpuan nya ang mata nito ay ngumit sya rito. Pero tumingin lang ito sa katabi nya. ‘di nya ba alam na para sa kanya talaga yun? Napailing nalang sya pero atleast may inspirasyon sya.

Maya-maya’y nakita nya itong tumayo, siguro ay magrerest room ito. ‘Pag sinuswerte ka nga naman. 

My SanctuaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon