EP1: Ang hiwaga ng Madag Forest

13.5K 314 4
                                    

---
Luna Syesha McCleen

"Mama! Papa! Alis na po kami!" paalam ni Leena sa mga magulang namin.

"Mag-iingat kayo mga anak! We love you both!" sabi naman nila mama at papa at hinalikan si Leena dahil hindi naman nila ako nakikita, ako nalang ang kusang humalik sa mga ito.

Binalingan naman ako ni Leena at ngumiti na tumingin sa akin.

"Tara?" tumango naman ako. "Malungkot ka pa rin ba? Hindi ka pa rin ba nasasanay?" nag-aalalang tanong nito sa akin.

"Hindi naman sa ganoon, Leena. Nakakalungkot lang dahil hindi nila ako naririnig. Hindi na nga nila ako makita pati ba naman ang marinig ako ay hindi din?" niyakap naman ako ni Leena. "Ssshh, tahan na okay? Ginagawan na ng paraan nina mama at papa yan. Kaya smile na diyan!" nakangiting ani nito sa akin kaya ngumiti din ako pabalik.

Pumasok na kami sa kotse at hinatid na kami sa school. Ang swerte ko talaga sa kambal ko dahil tanggap niya kung ano ako. Pero kahit mula pagkabata ko ay ganito na ako ay hindi pa rin ako nasasanay. I envy Leena for having the life I want. Napabuntong hininga nalang ako.

Minsan naiisip ko kung bakit pa ako ipinanganak gayong napaka useless naman dahil hindi din naman ako nakikita ng mga tao. Sabi ni mama, pagkapanganak sa akin ay narinig pa daw yung iyak ko at medyo nakikita pa nila ako kahit pawala-wala. Pero noong nag 1 year old ako ay tuluyan na ngang hindi nila ako nakikita at naririnig except Leena.

Am I cursed? I ask them If I am but they just said that I'm not. Wala daw silang maalalang isinumpa ako. Walang makakapag-explain kung ano talaga ang nangyare sa akin. Isang napakalaking question mark ito sa pagkatao ko.

But I have always this dream, that I am in a moon. I don't know but I have this urges that I wanna go there. Every night I found myself staring at the moon. It's calling out to me but I am scared to response.

"Hey! You ok? We're here!" nagulat naman ako nang magsalita si Leena. Nauna na itong bumaba ng kotse at ako naman ay bumaba na din.

Nakita ko naman si Leena na nakangiting naglalakad habang binabati siya ng mga students.

"Hi Princess Leena! Magandang Umaga po!"

"Ang ganda ganda talaga ni Princess, ano?"

"Maganda na mabait pa."

"She's really perfect!"

"Aye!" napalingon naman ako sa likod namin sa tumawag. Si Ameera pala. Nagbeso beso naman sila ni Leena.

"Nasaan sila Jasmine at Ella?" tanong ni Leena kay Ameera.

"Ewan ko sa dalawang iyon. Baka late na naman."

Nag-uusap lang silang dalawa habang ako ay nakasunod lang. Minsan nakakabagot din na sunod ng sunod kay Leena. Nang makakuha ako ng tiyempo ay tumakas ako kay Leena. Pumikit naman ako at pagmulat ng aking mga mata ay nandito na ako sa lawa na nasa likod ng school. Dito ako palaging natambay. Maganda kasi ang lugar na ito. Dito din ako naglalaro. Nilalaro laro ko ang tubig, gumagawa ako ng mga maliliit na mga ipo-ipo habang pinalakad lakad ko sa tubig. Payapa kasi dito at walang istorbo. But I was wrong...

"Sino yan? Show yourself or else!" napalingon ako sa taong umistorbo sa akin. Natigilan ako sandali at tinitigan siya. He has a clean cut brown hair, mesmerizing eyes, perfect set of eyebrows, long nose, and kissable lips. In short, perfect!

"Magsalita ka! I know you're there."

"Tsk. Eh hindi mo nga ako naririnig eh." may naisip naman akong idea kung paano makipagcommunicate sa kanya.

LUNA: The Invisible Princess (Book 1) (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon