EPILOGUE

7.7K 255 41
                                    

~~~~

Pagkatapos ng pagdanak ng dugo sa buong mundo ay napalitan naman ito ng kapayapaan.

Ngunit hanggang kailan kaya ang kapayapaang ito? Kung naglalaganap pa rin sa buong mundo ang masasamang nilalang?

Marami pa rin ang lumalabag sa mga utos. Lalong lalo na ang mga nilalang na masasama ang budhi.

Ngunit alam ng lahat na mananatili pa rin ang kasamaan dahil kaakibat ito ng kabutihan. Hindi magiging balanse ang mundo kung walang kasamaan at kabutihan.

Pero hindi naman hahayaan ng Goddess of Creation and Universe na maghari ang kasamaan. Nandito ito upang tumulong baguhin ang masasama at gawing payapa ang mundo. Dahil iyon ang misyon niya.

Ang kapayapaan sa buong mundo.

Naging payapa naman ang mundo at masaya ang lahat maliban na lamang sa mga taong may galit pa rin sa dibdib na kinikimkim at puno pa rin ng poot.

Sa mga lumipas na taon ay nanatiling naglalakbay si Luna sa iba't ibang mundo at minsan ay nakakasalamuha niya ang mga kaibigan. Walang nakakilala sa kanya dahil binago niya ang kanyang hitsura.

Ang kanyang pamilya ay suportado sa kanyang naging desisyon. Wala itong magagawa dahil ito ay kagustuhan ni Luna. At ipinangako naman ng kakambal na si Leena na pangangalagaan nito ang Moondrous World. Alam ni Luna na magiging isang mabuting pinuno balang araw ang kanyang kakambal.

Minsan naman ay dumadalaw siya sa galaxy upang ayusin at panatilihing malinis ang buong space.

Dahil sa mga taong scientist na naghahanap ng mga madidiskubre sa space ay hindi napansin ng mga ito na ng dahil sa pressure na nagmumula sa kanilang spaceship ay nagalaw ang mga asteroids at meteors.

Nagkagulo ang mga asteroids at meteors at hindi ito mapakali. Mas lumakas pa ang pressure at upang maprotektahan ang mga tao na nasa spaceship ay nagawa itong iteleport ni Luna pabalik sa Earth.

Hindi pa din natigil sa pagyanig ang buong space. At ngayon ay pabagsak na ang mga asteroids at meteors. Sa kasamaang palad ay patungo ito sa Earth. Kung lalapag ito sa Earth ay tiyak ni Luna na katapusan ng buong Earth. At matatamaan pa nito ang kalapit na planeta.

Nakita ni Luna ang paggalaw ng satellites na ginawa ng mga tao. Linagyan niya ito ng barrier upang hindi matamaan sa kanyang gagawin.

Pinikit niya ang kanyang mga mata at  lumiwanag ang kanyang buong katawan. Tila ba nag-uupaw na naman ito sa kapangyarihan.

Ang mga asteroids at meteors ay nahinto sa pagbulusok at ito'y paatras at nagpaikot ikot sa isang parte ng  kalawakan.

Pagkumpas ng mga kamay ni Luna ay nagkadikit dikit ang mga asteroids at meteors pati nadin ang mga alikabok.

Ngunit isang hindi maipaliwanag na kapangyarihan ang nagpaikot ikot sa kalawakan at ito ngayon ay patungo sa ginawang pinagtagpi-tagping asteroids at meteors ni Luna. Naramdaman ni Luna ang malakas na pwersa nito. Napangiti si Luna sapagkat ang nahanap na kakaibang kapangyarihan ay makakatulong sa kanyang planong gawin.

Nagpaikot ikot ang kakaibang kapangyarihan sa mga asteroids at meteors at medyo nahirapan si Luna sa pagcontrol nito dahil sa lakas ng kapangyarihan. Ang mga asteroids na malalaki ay naging abo ng matamaan ito ng kakaibang kapangyarihan. Ngunit hindi ito umatake kay Luna at mukhang kinakaen nito ang mga asteroids at meteors.

Nakita ni Luna kung paano at saan ito nagmula.

At nagulat naman siya ng nagmula ito sa isang black hole. Malaki ito at kasya ang buong planeta sa butas nito. At ito ay kailangan bigyan ng pansin dahil napakadelikado nito.

Ikinumpas ni Luna ang mga kamay at ang mga naging abo na mga asteroids at meteors ay pinalibutan ang kakaibang kapangyarihan. Mukha itong galit at napakalikot nito. Mas binigyan pa ng pwersa ni Luna ang pagkontrol dito at halos makita na ang litid sa kanyang buong mukha. Napakalakas nito at kung ordinaryong magic users lang si Luna ay tiyak na sasabog ito. At ilang sandali nga lang ay tuluyan na nitong nakontrol ang kakaibang kapangyarihan. Sumasabay na ito ngayon sa kanyang mga galaw.

Ang kakaibang kapangyarihan ay naging isang bola at umiilaw ito ng iba't ibang kulay at ang ganda nitong tignan.

Ang mga abong asteroids at meteors ay nagpaikot ikot sa bilog na kapangyarihan.

Lumipas ang kumulang dalawang oras ay biglang lumiwanag ang buong kalawakan.

Sa pagbukas ng mga mata ni Luna ay napangiti siya dahil naging tagumpay ang kanyang ginawa.

Ang kanyang bagong likha na planeta.  Hindi ito masyadong kalakihan at kasinlaki ito halos ng planet Venus.

Ang kanyang bagong nilikha na planeta na gawa sa mga abong asteroids at meteors ay isang napakaganda.

Isinunod niya ito sa planetang Earth ngunit ito ay itinago niya, ginawa niya itong invisible. Hindi ito makikita ng mga normal na tao. Tanging may magic lamang ang pahihintulutan ng planetang ito.

Patuloy pa rin siya sa paglikha sa loob ng planeta upang gumanda ito. Ng dahil sa kakaibang kapangyarihan ay mas madali ang kanyang paglikha.

Nalaman ni Luna na ang kakaibang kapangyarihan palang iyon ay may kakayahan na lumikha. Sa tulong nito ay halos katulad na ito ng earth pero malinis at preskong hangin ang nasa planetang ito.

Napangiti si Luna. Dahil napakapeaceful ng buong planeta.

This will be her home.

"I will name this planet, 'De Luna', meaning light. This planet will give light to each person who loses hopes. This will be the home of my people, those who have a pure heart. A true superhero." nakangiting sambit ni Luna.

Nag-iisip naman siya kung ano pa ang gagawin sa planeta.

Napangiti siya at naisip na gumawa ng isang struktura.

Isang malaking paaralan. Sinigurado niyang kompleto lahat ng mga kagamitan.

Dito sasanayin ang gusto pang matututo at ang magiging tagapagligtas ng mundo maliban sa kanya.

Napangiti siya. Ang mga tagapagligtas nalang ang kulang.

Nakikita na niya ang hinaharap ng planeta at hindi niya maiwasan ang mapangiti ng matamis.

At ngayon ay magsisimula na naman siya sa paglalakbay upang maghanap ng mga karapat dapat na magiging tagapagligtas ng sanlibutan.

Ang kanyang piniling puntahan ay ang mundo ng mga Mortal.



  
The end.
*********

        

A/N:

Salamat sa lahat na nagbabasa ng buong estorya. Pasensya sa maraming typos.

Also, you can read the English version now. It's edited and I made some changes in some scenes. 😉☺️

God bless!

    
-LorreignneScarr ❤️❤️❤️

©All Rights Reserved.

LUNA: The Invisible Princess (Book 1) (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon