EP13: Medusa

6.8K 193 5
                                    

~~~~~~
Third Person POV

Usap usapan sa buong bayan ng Agua ang nangyare sa mga taong naging bato. Walang nakakaalam kung paano ito nabuhay. Inilihim nila Marga at Leena ang nangyare dahil baka magtataka ang lahat kung paano niya ginawa iyon.

Si Marga ay hindi pa rin makapaniwala sa nangyare. Naguguluhan pa rin siya kung paano iyon nagawa ni Leena. May kapangyarihan ba ito tulad ni Medusa?

Si Leena ay napapabuntong hiningang nakatingin kay Marga na natulala dahil sa malalim na iniisip. Alam nitong nagtataka ito kung paano niya nagawa iyon. Pagkatapos kasi nilang nalaman na tuwing hahawakan ni Leena ang mga estatwa ay bumabalik ito sa dati. Kaya naman iyon ang ginawa ni Leena. Ngunit bago pa magising ang mga ito ay nakaalis na sila.

"Marga ok ka lang ba talaga?" tanong ni Leena sa babaeng hanggang ngayon ay tulala pa rin kahit ilang oras na ang nakakaraan.

"Marga...Marga..." napabuntong hininga naman si Leena dahil hindi pa rin siya naririnig ni Marga kaya naman ay nakaisip siya ng paraan.

"MARGAAAAA!" sigaw niya at napatawa nalang siya sa naging reaksyon ni Marga.

"Ay haliparot ka! Waahhhhh may sunog ba? Nasaan? Nasaan?"

Natawa naman si Leena sa naging reaksyon ni Marga. Napanguso naman si Marga ng marealize niya.

"Ano ba ang iniisip mo at kanina pa kita tinatawag ngunit nakatulala ka pa rin?"

"Kasi naman Leena, paano mo nagawang pabalikin sa dati ang mga taong naging bato?" nagdadalawang isip naman si Leena kung sasabihin niya kay Marga ang totoo. Na may kapangyarihan siya. Baka kasi magfreak out ito. Hindi pa rin siya masyadong nagtitiwala kay Marga dahil kakilala pa lang niya dito.

"Ahh, hindi ko din alam eh." pagsisinungaling ni Leena.

Dahil walang maisip si Marga ay nagpasya nalang itong matulog na.

Habang sa mundo naman ng Enchantreia ay usap usapan ang nangyareng laban ni Princess Alesia at Luna. Hindi makapaniwala ang lahat na natalo ni Luna si Princess Alesia. Wala pa ring malay ang prinsesa dahil nanghina ito masyado pagkatapos gamitin ang 50% na kapangyarihan nito. Nasa clinic naman ang magbabarkada habang binabantayan ang prinsesa kasama si Luna na hindi man lang napuruhan.

"Luna, totoo bang 5% lang ang ginamit mo na kapangyarihan?" tanong ni Venice na hindi pa rin makapaniwala sa narinig mismo kay Luna.

"Yeah"

"Weh? Are you sure? Sa pagkakaalam ko kasi ay kapag gumawa ka ng ganoong technique ay malaki ang mababawas sa kapangyarihan mo. Paanong nangyare iyon?" napabuntong hininga naman si Luna dahil nasa kanya na ang lahat ng atensyon.

"At alam mo Luna, nacucurious na kami sayo... saan ka ba talagang mundo galing?" tanong ni Leemin.

"Kung tinuturing mo kaming kaibigan dito ay sasabihin mo sa amin ang totoo." sabi naman ni Zenon na sinang-ayunan ng lahat.

Walang nagawa si Luna kundi ang sabihin sa kanila ang totoo.

"Ok pero gusto kong marinig din ni Alesia ang sasabihin ko para kaisahan lang ako magpapaliwanag." tumango naman lahat.

"Ngunit hindi pa nagigising si Princess eh"

Ngumiti lang sa kanila si Luna at pinuntahan ang kinahihigaan ng prinsesa. Hinawakan ni Luna ang noo ng prinsesa at ang kamay nito ay umiilaw. Pagkatapos niyang gawin iyon ay unti-unti ng nagising ang prinsesa. Ang mga kasama niya ay natulala sa nasaksihan dahil ang alam ng mga ito ay isang ice manipulator si Luna.

"Gising na ang prinsesa!" bulalas ni Nicole na siyang unang nakabawi.

"Anong nangyare?" tanong ng prinsesa.

LUNA: The Invisible Princess (Book 1) (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon