EP4: The war

8.7K 240 1
                                    

~~~~~
Luna POV

Tunog ng alarm clock ang nagpagising sa diwa ko. Bumangon naman ako at nag-unat unat. Panibagong araw na naman. Napangiti ako ng masulyapan ko si Regit na natutulog sa sofa. Ang cute.

Dali dali naman akong naligo at lumabas na ng kwarto. Nadatnan ko si Lola Mela na naghahanda ng makakain.

"Oh, hija. Pumarito ka na at maya maya lang ay kakaen na tayo."

"Opo." tinulungan ko naman si Lola at ako na ang naglagay ng mga pinggan sa mesa.

Maya maya pa ay kumaen na kami.

"Nasaan po si Mang Berting?" tanong ko ng mapansin na hindi namin ito kasalo sa hapag kainan.

"Maaga iyon umalis upang magsanay. Madaling araw pa lang ay nagsisimula na sa pagsasanay ang lahat. Ito ang pangalawang digmaan na magaganap sa buong Majika." nakinig naman akong mabuti sa kinwento ni Lola. "Ang unang digmaan ay naganap dalawang dekada na ang nakakaraan. Linusob ng mga black wizards ang buong Majika noon para tuluyan na silang maghari sa buong mundo pero hindi sila nagtagumpay dahil sa pagsasakripisyo ng panganay na anak ng hari ng Majika. Si Prinsesa Victoria. Hindi namin alam kung bakit pero biglang nahinto ang labanan at nawala nalang na parang bula ang prinsesa." ganoon pala ang nangyare.

Naalala ko ang dalawang taga black wizards na nakita ko. Sa pagkakaalam ko ay nanalaytay sa kanila ang isang dugo ng mga mage at isang dugo ng mga black wizards. Nararamdaman ko ang awra nila at magkahalong itim at puti iyon.

Pinagpatuloy na namin ang pagkaen at pagkatapos ay umalis ako ng bahay kasama si Regit na naka true form. Ewan kung ano ang trip niya.

Medyo natakot ang iba kay Regit pero sinabihan ko sila na mabait si Regit kaya napahinga ng maluwag ang mga tao at nagpatuloy na sa ginagawa. Dinala naman ako ng mga paa ko sa pinakadulo ng bayan kung saan ako dinala noon ni Mirai.

Nakita ko si Mirai. Seryoso itong nag-eensayo gamit ang mga kaalaman sa librong binigay ko. Napangiti ako dahil malapit na niya itong mamaster.

One day, Mirai will be the most powerful mage in Majika. Kahit puno ng galit ang puso niya ay hindi ito hadlang sa pagiging mabuti niyang tao. Ito ay may busilak na puso at alam kong kakayanin niyang labanan ang mga black wizards kahit wala ang tulong ko.

Oo, tutulong ako pero may limitasyon din ang paggamit ng kapangyarihan ko.

Nagulat naman ako ng biglang nawala si Regit sa tabi ko at napakibit balikat nalang ako. Saan na naman kaya iyon pupunta?

"Ate Luna!" nakangiting kumaway sa akin si Mirai at ginantihan ko naman ito. Lumapit naman ako sa kanya.

"Kanina ka pa ba?" umiling naman ako.

"Hindi, kararating ko lang. Nakita kong may nagbago sayo. Mas lumakas ka ng konti." nakangiting ani ko at ginulo ang buhok niya.

"Konti lang ate?" nakapout na ani nito.

"Haha ok. Mas lumakas ka na ngayon kaysa kahapon." ngumiti naman ito ng malawak.

"Dahil po iyon sa libro ate! Kaya nagpapasalamat ako sayo ng buong puso!" niyakap naman ako nito.

"Itigil mo muna ang pag-eensayo mo at may ipakilala ako sayo!" nakangiting ani ko.

"Talaga? Sino naman iyon?" excited na wika niya.

Hinila ko naman siya at ilang sandali lang ay nakarating na kami sa batis na pinuntahan ko noon.

"A-ate... anong ginagawa natin dito? Umalis na tayo ate dahil delikado ang lugar na ito..." nanginginig nitong ani. Alam ko kung bakit siya natatakot kaya ngumiti lang ako sa kanya.

LUNA: The Invisible Princess (Book 1) (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon