EP37: Reunion

5.6K 183 3
                                    

~~~~
Luna POV

Everyone knows I'm the new Goddess. Everytime they see me, they bow at me. I feel honored but at the same time feel shy.

Ngayong araw ay pupunta kami ni Leena sa Enchantreia World.

Magkasama kami ngayong maglilibot sa lahat ng dimensions. Nangako kami noon sa aming mga kaibigan na dadalaw kami kaya tutuparin namin ang aming pangako.

"Ready?" napatango naman si Leena at ngumiti.

At syempre, hindi nawawala ang pagkunyapit niya sa braso ko. Simula ng nakikita na nila ako at nahahawakan ay palagi ng nakakunyapit sa akin si Leena. But I don't mind at all.

"Heyyyyy! Hintay!" napalingon naman kami sa tumawag at nakita namin ang isang babae at tatlong lalaki na tumatakbo patungo sa amin.

Hinihingal ang mga ito sa kakatakbo.

I raised my eyebrow.

"Sama kami!!" sabi ni Aira habang nakapout.

Ughh, why so cute?

Guess what?

Simula ng makabalik ako ay naging magkaibigan kami nilang apat. Laking pasalamat namin sa kanila ni Leena dahil sa tulong nila sa amin. Noong una ay naiilang sila sa akin dahil nga nalaman nilang isa pala akong dyosa. Ay, haba ng hair ko! hehe

Pero pinilit ko silang tawagin akong Luna dahil kaibigan ko na sila.

"Waaahhhh sama rin kami!" napalingon naman kami ulit sa tumawag. Walang iba kundi sina Jasmine, Ameera at Ella. Sila ang mga kaibigan ni Leena na naging kaibigan na rin namin ngayon.

Napacrossed arms naman kami ni Leena.

"At paano niyo naman nalaman ang plano namin?" ani ko habang nakataas ang kilay.

"Ah hehe, we overhead you guys talking..." napapakamot ulong wika nh mga ito.

Napapailing na lamang kami ni Leena at wala kaming choice kundi ang payagan ang mga ito.

Mabuti nalang at pinayagan ako ni God Zeus na manatili ako dito sa Moondrous World. Ngunit babalik ako sa Olympus kapag kailangan nila ako at kung may meeting.

Gumawa ako ng portal at excited naman silang pumasok. Kami ni Leena ay magkahawak kamay na pumasok sa portal.

Pagkaapak namin sa pamilyar na lugar ay napangiti kami.

"Woah! Anong lugar ito?" ani nila.

Pinagtitinginan naman kami ng mga tao. Nagtataka ang mga ito sa biglaan naming pagsulpot.

"Ito ang Enchantreia World. We've been here before." sagot ni Leena.

"Look! There's a statue!" tumakbo naman sila papunta sa statue at napasinghap except Joaquin.

When we look closer, we gasps. It was Leena and I!

Hinawakan namin ni Leena ang statue at namangha. Ginawan nila kami ng statue.

Napansin namin na maraming tao ngayon dito sa bayan. Anong meron?

May narinig naman kaming hiyawan. Kaya naman ay naglakad kami papunta sa kaguluhan.

May nagaganap na duel sa gitna.

At nanlaki naman ang mga mata ko ng makilala ko ang isang kalahok.

"Zenon?" bulalas namin ni Leena kaya nagkatinginan kami. Ang kalaban nito ay may kapangyarihan na weapon summoner. Iba't ibang klase ng weapons ang sinusummon nito, ngalang ay mga basic weapon lang ang nasusummon nito.

LUNA: The Invisible Princess (Book 1) (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon