EP10: Fairy Land

7.7K 215 3
                                    

~~~~~
Luna POV

Gabi na at nandito ako ngayon sa garden. Dito ako nagteleport pagkauwi ko galing sa Fairy Land. Medyo natagalan ako doon dahil kay baby Shan, ang bagong silang na fairy. Ako ang nagpangalan kay baby at tuwang tuwa naman doon si baby Shan. Napangiti naman ako sa kakulitan ng batang iyon. Gusto ngang sumama sa akin pero mabuti nalang at nagawan ng paraan ni reyna Freya.

"Luna!"

Nagulat naman ako ng may dalawang tao ang tumawag sa akin kaya napalingon ako sa likod ko at nakita si Princess Alesia at Venice na nagkatinginan pa sa isa't isa. Sabay naman ang dalawa na lumapit sa akin.

"Hi..." awkward na anas ko. Si Venice ang sama ng tingin sa akin samantalang si Princess ay parang nakahinga ng maluwag na nakatingin sa akin.

Napatayo naman ako mula sa pagkakaupo at ngumiti ng alanganin.

Sinunggaban naman ako ng yakap ni Venice at humihikbi ito. Kaya naman ay hinahaplos haplos ko ang likod nito.

"Alalang-alala ako sayo. Akala ko hindi ka na babalik... huhuhu huwag mo ng gagawin iyon ha?" napangiti naman ako, kahit sa konting panahon na nagkakilala kami ay naging kaibigan ko siya.

"Sorry kung hindi ako nakapagpaalam... nagpapahinga lang ako napagod kasi ako kanina eh." kumalas naman ito sa yakap at kinurot ang pisngi ko kaya naman napapout ako.

"Kung hindi ka lang cute naku!"

"Hehe bati na tayo?"

"Tsk. Oo na." natawa nitong ani.

"Ehemm." napatingin naman kami ng may tumikhim.

"Ah Princess..." ngumiti naman ako sa kanya at nginitian din ako nito pabalik.

"Malalim na ang gabi kaya pumasok na tayo sa loob..." sabi nito at tumango naman kami.

Tahimik lang kaming naglalakad papuntang dorm. Unang nagpaalam si Venice dahil mas nauna ang dorm niya sa amin kaya naman kami nalang ni Princess ang magkasama.

"Bakit?" tanong ko kay Princess ng huminto ito at bumuntong hininga. Tumingin naman ito sa paligid at ng masigurong wala ng tao ay hinila ako nito papasok sa isang kwarto.

Hindi pa ako nakapagsalita ng bigla ako nitong niyakap ng mahigpit. Natameme ako sa ginawa niya. Pagkatapos ay tumingin ito sa mga mata ko.

Nagflashback naman sa akin ang nangyare noon sa garden kaya naman napaiwas ako ng tingin sa kanya. Instead ay inilibot ko nalang ang tingin sa buong kwarto.

"Kaninong kwarto ito?"

"It's mine. Uhm ano... kumain ka na ba? Gusto mo ipagluto kita?"

"Hmm tapos na kasi ako kumain eh." nalungkot naman ito pero bigla naman itong ngumiti. Pinaupo naman ako nito sa sofa.

"Ah ganun ba. Hmm, Luna..."

"Hmm?"

"Can you stay here tonight? Please?"

"Ahm... why?"

"I just..." bumuntong hininga naman ito. "I just miss you... I am looking for you everywhere but I didn't find you... I am so scared that something might bad happened to you..."

"You don't have to worry about me. Kaya ko naman ang sarili ko."

"Saan ka pala nagpunta?"

"Ahm hindi ko pwedeng sabihin eh... sorry pero hindi pa ito ang tamang panahon. Don't worry kapag pwede na ay sasabihin ko sayo..."

"Okay... hindi na kita pipilitin."

"Ahm Princess..."

"It's Alesia. Please call me Alesia..."

LUNA: The Invisible Princess (Book 1) (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon