EP35: Bagong Simula

5.4K 182 1
                                    

~~~~
Luna POV

Naaawa akong nakatingin kay Luvian na ngayon ay bumalik na sa dati ang hitsura nito. Hindi maitatangging may hitsura ito na minana sa ama, kamukhang kamukha ito ng ama nito, ang kaibahan lang ay may maliit itong sungay sa may noo. Mukhang lumalaki lang ito kapag nagtatransform ito into demon king. Masakit dito ang mawalan ng magulang na hindi man lang niya nasilayan. Alam ko ang sakit na nararamdaman niya.

I sighed. Lumapit ako dito at huminto sa harapan nito. Tinignan ako nito ng may pagtataka.

"Patayin mo na ako ngayon, Luna. Deserve ko ang mamatay dahil sa gulong ginawa ko at dahil sa akin ay nasira ang buong Moondrous at ang ibang mundo. Marami ang namatay ng dahil sa akin..." mapait na turan nito.

I can feel remorse in his voice.

Mukhang ng dahil sa nangyare ay nawalan na ito ng ganang mabuhay.

I heave a sighed.

"Hindi mo kasalanan, Luvian." gulat naman na napatingin sa kanya si Luvian. "Alam kong sa kaloob looban mo ay may tinatago ka pa rin na kabaitan. Ng dahil iyon sa may dugo kang Moondrousian. Kahit ikaw ang demon king ay hindi ibig sabihin niyon ay masamang masama ka na." bakas ang pagtataka sa mukha ni Luvian.

"Demon King?" bulalas nito.

"Oo, ikaw ang Demon King, Luvian. Dahil isang Evilandia ang iyong ina ay isa namang Moondrousian ang iyong ama na may kakayahan na Lava. Nakuha mo ang kanyang kakayahan samantalang nakuha mo naman ang kakayahan ng iyong ina na dark power. At ikaw ang unang nilalang na may halong demon at Moondrousian. At ang iyong kapangyarihan ang pinakamalakas sa lahat ng demon." mahabang paliwanag ko. Hindi naman ito makapagsalita.

"Kaya Luvian, tapusin na natin ang alitan sa pagitan ng Evilandia at Moondrousian. Ngayong wala na si Allamadin ay ikaw na ang bagong hari ng Evilandia. Kung anuman ang nangyare sa nakaraan ay ibabaon natin iyon sa nakaraan at mananataling sa nakaraan na lamang iyon at magsimula tayo ulit ng panibagong buhay. Walang patayan at magkaisa ang lahat...." seryosong wika ko at sana ay pakinggan ako ni Luvian.

Tumingin ito sa akin ng mataman, "Pagod na din ako sa labanan sa pagitan ng ating mga angkan. Marami na ang namatay at ayoko ng maulit itong muli. Ngayong naintindihan ko na ang lahat ay nangangako akong ibabaon ko sa nakaraan ang lahat ng mga nangyayare. Ibabaon ko ang lahat na ginawang gulo ng aking kinilalang ama. Ngunit.... may isa sana akong hiling, Luna..." ani nito.

"Ano iyon?"

"Gusto kong malaman kung.... kung buhay pa aking tunay na ama." nakayukong ani nito at napangiti naman ako. Umani ang katahimikan sa buong lugar at tanging ihip ng malamig na hangin lamang ang aming naririnig sa kailaliman ng gabi.

"Oo, buhay pa ang iyong ama..." ani ko at napasinghap ito habang nakatingin sa akin. Nakita ko ang pagkasabik sa mga mata nito.

Ang ama ni Luvian ay ang kapatid ng aking amang hari. Nagulat ako noong una pero natuwa ako dahil may kamag-anak pa pala kami. Si Tito Luka ay matagal na naming hindi nakikita ngunit alam kong hanggang ngayon ay hinahanap pa rin nito ang ina ni Luvian na si Aviana. Naalala ko pa noon ng kausap ito ni Leena at sinabi nitong namimiss na nito ang kanyang nobya na si Aviana. Dahil sa pagmamahal nito kay Aviana ay hindi ito nag-asawa.

Ang nakakapagtaka lang ay kung nasaan na ito ngayon dahil may sampung taon na ang nakakaraan ng huli namin itong nakita.

"N-nasaan siya?" may pag-alinlangang tanong nito.

Nalungkot naman ako bigla at bigla itong kinabahan sa aking reaksyon. Bago pa ito mag-isip ng kung ano ay sumagot na ako.

"Sampung taon na ang nakakalipas ng hindi na namin ito nakikita..." he gasps at what I said. Nakikita ko ang pagkabigo sa mukha nito na makita ang ama. "He went looking for Aviana, your mother..." I continued.

LUNA: The Invisible Princess (Book 1) (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon