EP24: Missing

6.2K 180 3
                                    

~~~~~
Third Person POV

Gulat at pagkamangha ang makikita sa mukha ng lahat sa nasaksihan nila.

Ng magyakap ang magkambal ay hindi nila napansin ang pagsasanib ng kanilang katawan.

Isang kakaibang nilalang ang nakita ng lahat. Mahabang buhok na kulay puti at pula, pakpak na kulay puti at itim, armored na damit na kulay puti at itim na may pula at ang mata nito ay kulay puti sa kanan at kulay pula ang sa kaliwa.

Everything about her screams danger.

Tila ba kamatayan ang iyong kahahantungan oras na makasalubong mo siya. Sa titig palang ay parang hindi ka na makahinga.

Kahit natatakot ang pinuno ng mga Drazona ay hindi nito pinahalata at umatake sa iisang katawan nina Luna at Leena.

"Scared?" Isang nakakapanindig balahibo ang narinig nilang tinig mula sa nagsanib na katawan ng dalawang dalaga. Ang boses nito ay nakakapanghina ng tuhod.

Napalunok ng laway ang dalawang halimaw. Unti-unti naman itong napaatras pero nagulat ang dalawa ng  bigla itong nawala at sabay silang napaigik ng bigla itong lumitaw sa kanilang harapan at inatake at napatalsik ito sa malayo. Hindi pa nakakabawi ang mga ito ng inatake na naman ito ng dalawang nagsanib na katawan.

Hindi makabangon ang dalawa dahil sa mga natamong sugat mula sa atake. Pero nagulat sila ng bigla itong nagchant sa kanilang harapan.

"We, the Princesses of Moondrous World, granddaughter of the Goddess of the Moon, Luna, please bring these two dark users King Roman and Prince Ezekiel into the underworld where sinners repent to their sins forever." pagkatapos ng chant ay bigla nalang lumiwanag ang mga mata nito ng kulay puti at pula.

Napasigaw naman ang dalawang halimaw na si King Roman at Prinsepe Ezekiel. Bumalik sa normal ang mga anyo nito bago tuluyang linamon ng ilaw patungo kung saan sila nararapat.

Pagkawala ng ilaw ay naghiwalay naman ang dalawang nagsanib na katawan nila Luna at Leena. Wala itong malay na nakahandusay sa lupa. Bigla naman nawala ang itim na tumakip sa buwan at napalitan ng liwanag ng buwan.

Napasigaw sa galak ang lahat ng tapos na ang labanan. Tumakbo ang magkakaibigan patungo sa dalawang prinsesa na walang malay tao.

"Luna! Leena!" sigaw nila at agad naman niyakap ni Alesia ang katawan ni Luna pagkalapit nito.

Sinubukan nilang gisingin ang dalawa pero hindi ito magising na ikinabahala nila.

Unti unti namang bumalik sa normal ang hitsura ng mga ito at napatitig sila sa dalawa dahil talagang magkamukhang magkamukha ang mga ito. Para itong pinagbiyak na bunga.

Ngunit bigla nalang lumutang ang katawan ng dalawa at lumiwanag. Namangha naman sila ng biglang bumalik sa dati ang lahat ng mga nasira. Naging maayos din ang kanilang pakiramdam at nabuhay ang mga namatay sa digmaan na ikinatuwa ng lahat.

Maging si Alyssa ay bigla nalang itong umilaw na ikinapagtataka ng magkakaibigan. Agad lumapit si Ereia sa katawan ni Alyssa ng mawala ang liwanag dito. Napatulala naman ito ng makitang wala ng mga ahas sa ulo nito at napalitan ng mahabang itim na buhok. Napangiti naman sila sa nakita. Pero nanlaki ang mga mata nila ng unti-unting naglalaho ang katawan nito.

"Anong nangyayare?!" nagpanik naman silang lahat sa pagkawala ng katawan ni Alyssa at naiyak na lamang. Kung saan ay nawala na ang sumpa nito ay saka naman ito nawala.

Napatingala naman sila ng makitang mas lumiwanag pa lalo ang katawan ng dalawang prinsesa. Napanganga sila at napatulala ng lumiwanag ang buwan patungo sa direksyon ng dalawang kaibigan na prinsesang kambal. At gayun na lamang ang iyak nila ng unti unti itong hinigop ng buwan. At nawala nalang na parang bula.

LUNA: The Invisible Princess (Book 1) (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon