Kabanata 9: PROBLEMA NA NAMAN

209 9 2
                                    

MARTES SANTO.

Maagang gumising sina Mang Mike at Mang Efren upang asikasuhin ang nawawalang maskara. Nang makalayo ang kotse ay bumalikwas sa kinahihigaan sina Gino, Boging at Kiko.

"Punta tayo sa bayan. Magmanman din tayo. Baka makakita tayo ng taong kahina-hinala ang kilos," sabi ni Gino sa dalawa.

Mabilis na nagbihis ang tatlo. Palabas na sila ng kuwarto nang magtanong si Boging. "Paano na si Jo?"

"Tulog pa siguro 'yon. 'Wag na nating isama at baka tanghaliin tayo," sagot ni Gino.

"Sino ang hindi n'yo isasama?" Nabigla ang mga binatilyo nang magsalita si Jo. Nakabihis na ang dalagita at kasalukuyang nasa hagdan.

"Jo! Kanina ka pa nga namin hinahanap eh. Nandiyan ka lang naman pala," palusot ni Boging.

Itinaas ni Jo ang kanang kamay kung saan ay hawak nito ang maliit na tape recorder. Pinisil ni Jo ang play button. Nahuli ng recorder ang tinig ni Gino: "Tulog pa siguro 'yon. 'Wag na nating isama sa bayan at baka tanghaliin tayo."

"Style n'yo, ha!" kantiyaw ni Jo dahil bistad nito ang plano ng tatlo. "Basta hindi ako papayag na hindi ako kasama sa bayan."

"Alam ba ng tatay n'yo na aalis kayo?" tanong ng isang boses mula sa likuran ni Jo.

"Mang Darius, gising na pala kayo," gulat na bati ni Jo dahil hindi nito namalayan ang lalaki.

"Alam na ho ng Daddy ang lakad namin," sagot ni Gino.

"Ganoon ba? Aba'y tamang-tama. Papunta rin ako sa bayan. Sabay na tayo. Doon na rin tayo mag-almusal. Ako ang taya," malapad ang ngiti na nangungumbinse ang lalaki. "Tapos kung gusto ninyong umiba ng lakad para mag-iimbestiga eh di sige."

"Mamamasyal lang naman po kami," inunahan ni Jo si Boging sa pagsagot. Ewan ng dalagita pero naiilang ito sa kaharap na lalaki.

"Sige ho," ani Gino. "Ready na ba kayo?"

"Sandali at may kukunin lang ako sa kuwarto," sabi ni Mang Darius.

Habang naghihintay sa salas ang mga bata ay nang-iinis si Jo na paulit-ulit na inire-replay ang recording ng boses ng kapatid kanina sa hagdan.

Nang bumaba si Mang Darius ay agad na napansin ni Jo ang backpack niyon. "Ano ho 'yang dala n'yo?"

"Kamera," mabilis na sagot ni Mang Darius. "Mahilig kasi ako sa photography. Kaya nga ako pupunta sa bayan para kumuha ng pictures. Pero ayoko ng maraming miron. Hindi kasi ako makapag-concentrate. Kaya okey lang sa akin na umiba kayo ng lakad mamaya."

"Mamahalin siguro ang kamera n'yo, Mang Darius. Mukhang malaki e," pansin pa ni Jo kahit hindi nila nakikita ang laman ng backpack.

"A, oo. Kaya nga inilalabas ko lang ito pag nagse-set-up na ako," pagsisinungaling pa ng lalaki sa mga kausap.

"Ano ho ba ang ginagamit n'yong filter para sa outdoor shots?" tanong ni Kiko tungkol sa kamera.

Nataranta si Mang Darius. Wala siyang ideya sa sinasabi ni Kiko. Baka mabisto siya. Kailangang makaisip siya ng panlalansi.

"Eto na pala si Ricky!" biglang pag-iiba niyon sa usapan. "Gusto mong sumama sa bayan?"

"Ho?!" nagulat pa ang binatilyo sa biglang pagtawag sa kanya. "A, e, oho. Kailangan n'yo siyempre ng guide, 'di ba?"

"Mabuti pa nga. Baka maligaw tayo," sabi ni Boging ngunit si Jo ay napakunut-noo at lihim na itinago ang namumuong suspetsa. Nahalata nito ang mabilis na pagtatakip ni Mang Darius.

Habang nagpapaalam ang mga kabataan kay Aling Maria ay napabuntung-hininga si Mang Darius. Muntik na siyang mabisto. Kunwari lamang kasi na mahilig siya sa photography. Ginamit lang niyang palusot iyon sa dala niyang bag. Ano bang malay niya na may alam pala si Kiko.

Ang talagang laman ng bag ay ang maskara ni Longino. Dala niya iyon upang ipasa sa kasabwat. Magkikita sila sa bayan. Habang nasa kanya ang maskara ay may pagkakataong mabisto siya. Naisipan niyang sumabay at ilibre ang mga bata upang lalong hindi maghinala ang mga iyon na siya ang magnanakaw.

Sandali pa at muling nagbalik ang dating kumpiyanse ni Mang Darius sa sarili. "Tayo na," nakangising yaya niya.

"Saan ba tayo puwedeng mag-almusal, Ricky?" tanong ni Mang Darius kay Ricky.

"Sa gilid ho ng palengke. Maraming pagpipilian at mura pa."

Nang makarating ang mga ito sa bayan ng Mogpog ay nakita nila na may grupu-grupo ng Moriones ang naglalakad na parang nagroronda. Pero hindi lahat ng Morion ay may suot na baluting bakal na tulad ng kay Mang Efren.

"Ricky, bakit marami na yatang Morion dito sa bayan?" baling ni Gino sa katabi.

"Ganyan talaga. Kung saan ang pinakabayan ng gumaganap na Longino, doon dinaraos ang pagtitipun-tipon ng mga Morion. Galing pa sila sa iba't-ibang lugar," paliwanag ni Ricky.

Pumasok sila sa isang karinderya. Umupo si Mang Darius at Boging na pinagigitnaan si Jo sa pahabang mesa. Sa kabilang bahagi na nakaharap sa pintuan ay nagigitnaan naman nina Ricky at Gino si Kiko.

"Anong gusto mo, Gino?" tanong ni Kiko sa katabi ngunit hindi kumibo si Gino. Nakatuon ang tingin nito sa may pintuan ng karinderya.

"Hoy, Gino. Tinatanong kita."

"Kiko, tingnan mo 'yong Morion na may maskara at may pulang kapang nakabalabal sa katawan. Kanina pa nakatingin sa 'tin. Parang galit eh," Sinundan ni Kiko ang tinitingnan ng kaibigan.

"Kasama sa palabas nila 'yan. Kunwari nananakot sila ng mga dayuhan," nakangiting singit ni Ricky nang mapansin ang tinitingnan ng dalawa. "Kasi nga naman mukha talaga kayong taga-Maynila."

Nilingon nina Boging at Jo ang tinutukoy nito.

"Nakakatakot naman ang pagkakagawa ng maskara no'n," puna ni Jo sa Morion.

"Teka, lapit na tayo sa estante ng paninda para makapili na," yaya ni Boging na kanina pa gustong kumain.

"Sige kayo na. Maiiwan na ako at baka may maupo sa mesa natin. Kayo na rin ang bahalang pumili sa kakainin ko," bilin ni Mang Darius.

Naunang bumalik si Boging sa mesa na kasunod ang apat. Iniabot ni Ricky ang pagkain para kay Mang Darius.

Bago maupo ay ibinalik uli ni Gino ang paningin sa pintuan. Naroon pa rin ang Morion na kanina pang nakatayo sa dakong labas ng karinderya.

Nagkibit-balikat si Gino at binalingan ang pagkain. Gutom na rin siya.

Nasa kasarapan sila ng pagkain kaya hindi nila namalayan na may taong nakalapit sa likuran ni Mang Darius.

Nang mag-angat ng ulo si Gino ay nagulat siya nang makita ang Morion na kanina pa nakatingin sa grupo nila

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nang mag-angat ng ulo si Gino ay nagulat siya nang makita ang Morion na kanina pa nakatingin sa grupo nila.

Walang nakakilos sa kanila sa mabilis na ginawa ng Morion. Sa isang iglap ay dinampot niyon ang bag ni Mang Darius at matuling nagtatakbo palabas ng karinderya.

"Hoy, Hudas! Ibalik mo 'yan!" Nanggagalaiting sigaw ni Mang Darius sa

palayong magnanakaw. Hindi siya makapaniwala na ganoong kadali lamang mananakaw sa kanya ang maskarang pinaghirapan niyang nakawin.

Galit na galit na humabol si Mang Darius.

B1 GANG MYSTERIES Case File No.7: Maskara ni LonginoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon