EPILOGO

243 9 0
                                    

"BOGING," mahinang sabi ni Ricky sa katabi. Nakatayo sila't naghihintay sa plasa ng Mogpog kasama ang napakaraming tao. Kahit mainit ay masaya ang lahat. Linggo na kasi ng Pagkabuhay.

"Nakakahiya man pero ito lang ang nakayanan kong regalo sa inyo. Pasasalamat ko sa pagkakabawi ninyo sa maskara ni Itay." Iniabot ni Ricky ang hawak.

"Wow! Ang ganda nito," bulalas ni Boging nang mabuksan ang nakabalot na bagay.

Maskara iyon ng Morion. Bagung-bago. Nagre-reflect pa ang matinding sikat ng araw sa makintab na pintura ng maskara. "Ayos 'to para may souvenir na kami---"

"Ayan na siya...!" pinutol ang sinasabi ni taba ng malakas na sigaw ng karamihan habang ang ilan ay nagtatawanan at nagtitilian.

Dahil nakatalikod si Boging sa mga tao, hindi niya namalayan na nakatakbo na ang kanyang mga katabi. Nang lumingon siya para alamin kung ano ang pinagkakaguluhan ay nagulat siya sa nakita.

Humahagibis nang takbo ang isang lalaking naka-maskara. Papunta sa kinaroroonan niya ang lalaki. Saka lamang niya nakilala kung sino ang may suot ng maskarang iyon.

"Si Mang Efren...!" sigaw niya at parang bolang pilit na binubuhat ang katawan makalayo lamang kay 'Longino' na puno ng putik ang katawan. Dahil kahit saan ay nagsuot si Longino huwag lamang mahuli ng kapwa niya kawal Romano. Kahit pa lumusong sa ilog at tumalon sa lubluban ng kalabaw.

Habulan katakut-takot ang nangyari sa lawak ng buong plasa ng Mogpog. Nakihalo na rin ang buong barkada ng B1 Gang, maging si Mang Mike, sa ginagawang kasiyahan ng mga tao.

Iyon nga lamang higit na masaya ang grupo nila dahil sila'y nagdidiwang sa matagumpay na pagkakalutas ng isa na namang matinding pakikipagsapalaran.

WAKAS

🎉 Tapos mo nang basahin ang B1 GANG MYSTERIES Case File No.7: Maskara ni Longino 🎉
B1 GANG MYSTERIES Case File No.7: Maskara ni LonginoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon