Chapter IV: Night of thoughts
Katleia's POV
UGHH! Ang lambot ng kama ko, I don't wanna get up!
Pero kailangan kong maligo dahil alam kong sobra ang pawis ko kanina while having that 'so weird' convo with Sate. Eh kasi naman, sobrang bilis niyang dumamoves, muntik na ngang gumana sa'kin.
Fine, 5 more minutes.
Sandali kong nilibot ang tingin sa buong kwarto. Napakaaliwalas pa rin ng kwarto ko, halatang hindi pinapabayaan ni Yaya Norma. My room's in peach and white light color with matching dim lights. Peaceful isn't it?
~~Can't stop staring at those ocean eyes... those ocean eyes~~
Napatingin ako sa phone ko nung tumunog ito. It's my alarm hudyat na kailangan ko nang kumilos. Ayaw ko pa sanang bumangon sa kama kong malambot pero gusto ko na ring kumain ng Mochi. I stayed on my bed for another minute before deciding on getting a half-bath.
Matapos kong magbihis ay bumaba na ako, naabutan ko naman si Yaya na nanonood ng TV. Naglalaban ang mga kilay niya na sinabayan pa ng pagkunot ng noo. She seems intrigue on whatever she's watching. Nacurious naman ako kung anong pinapanood niya. Lalapit na sana ako para makinood ngunit napako ako sa kinatatayuan nang marinig ang sinasabi ng tinig mula sa tv.
"Hindi inaasahang pangyayari mga kaibigan. Bangkay ng isang binata natagpuan sa likod ng paaralang Good Wealth University nitong pasado alas singko ng hapon."
Dali-dali akong pumunta sa harap ng tv at napag-alamang isang balita ang pinapanood ni Yaya.
"Dito nga sa aking likuran mga kaibigan ay makikita ang karumal-dumal na sinapit ng nasabing biktima. Pasintabi lang po sa mga naghahapunan. Napakalalim ng mga sugat na natagpuan sa pulsuhan at leeg dahilan upang maubusan siya ng dugo na siya ring sanhi ng pagkamatay nito. Sa ngayo'y patuloy pa ring inaalam ang pagkakakilanlan ng binata."
Napasinghap kaming dalawa ni Yaya nang makita ang itsura ng lalakeng namatay. Kahit nakablurd ang katawan ng lalake ay mapapansin pa rin ang dami ng dugong nawala sa kaniya.
"Kasalukuyang pinag-aaralan ng pulisya at ng mga imbestigador ang nangyaring insidente. Ayon pa kay SPO2 Ricargo Talisay, hindi pa nila matukoy sa ngayon kung ito nga ba'y kaso ng murder o suicide."
"Tumutok lang po kayo para sa mga karagdagang detalye. Ito po si Nickolas Jei Manisol, nag-uulat para sa Siete-Cuatro TV."
May bago na namang namatay?! Bakit? Paano? Wala naman akong napaniginipan nitong mga nakaraang gabi. Akala ko pa naman, tapos na. Pero hindi pa rin pala.
Nakakainis! Naiinis ako sa sarili ko kasi... Kasi wala na naman akog nagawa. Pakiramdam ko tuloy napakawala kong kwenta.
"Katliya hija, hindi ba't doon ka nag-aaral?" tanong ni Yaya na nakatingin pa rin sa telebisyon habang hinihintay ang sagot ko.
"A-ah eh. O-o po ya..." nasagot ko na lang. Bongga pa ang pagkautal, napapapikit na lang ako ng mariin dahil hindi na nakayanan ng utak ko ang narinig at nakita sa balita.
"Kawawa naman ang batang iyon. Aba't bakit sunod-sunod na ang nababalitaang pagkamatay sa eskwelahan niyo hija? Jusmiyo!" kunot-noong sambit ni Yaya at tila nakikiramay sa mga nangyayari ngayon.
YOU ARE READING
Liars Go to Hell
FantasyKatleia Heiys Stone, A girl who lived in a lie, Lie known for years and it concealed her identity. Born by two Bloodlines, a demon, and a hunter. She lived a normal life not until she discovered her real identity. Hidden secrets and answers to her c...
