Chapter 03

79 17 4
                                    


Chapter III : Hometown

Katleia's POV



I'm now on my way to the mall. Habang nagmamaneho, napansin kong may papel na kumakaway-kaway malapit sa sasakyan ko. I got curious of whatever it might be.

So I stepped on the brakes to stop my car. Akala ko mahihirapan akong ipahinto ang sasakyan because I just started driving this car recently so I'm still getting used to it pero agad namang pumreno ang sasakyan.

This car is a late graduation gift from my parents. Nitong nakaraang buwan ko lang nagamit dahil na rin kakabili lang at kinailangan ko pang kumuha ng driving lessons at lisensya.

Graduating na ako at magcocollege na. I'm a senior high school student kaya sabi nina mommy it's better na matututo na akong magmaneho ngayon. It's also convenient for me to have my own service papuntang school.

Bumaba ako para tingnan kung ano nga ba ang nakasabit sa pintuan ng sasakyan ko. I was right, it really is just a piece of paper with a note written on it. It says...

Hell Organization

That's it? Tinignan ko kung may nakasulat pa sa likod pero blanko ito. What's this? Psh, such a waste of time. Bagong modus na naman ba 'to? Another stupid prank ng mga walang magawa sa buhay. Ako pa talaga ang napagtripan.

I crumpled the paper in my hand. Nilibot ko ang paningin, nang may makitang basurahan ay agad ko itong itinapon doon. Sumakay na ulit ako ng sasakyan at pinaandar ito. Malapit na ako sa mall ng biglang tumunog ang phone ko. When I saw that Lionel texted, huminto muna ako sa gilid ng kalsada para basahin ito.

Excited kong binuksan ang message niya pero agad ding nawala ang excitement na iyon nang mabasa ko ito.

From: Lionel
Hey Kat! I'm really sorry, I can't make it. I forgot that we're having a meeting with the De La Vega(s) tonight, some business matters. I think next time na lang tayo lumabas, babawi ako promise. Sorry talaga.

Nauntog ko na lang ang ulo ko sa manibela nang mabasa ang text niya. Agad na bumaba ang resistance level ko from a hundred percent down to 50. Hay, ganun talaga ang epekto ni Lionel sa'kin.

Nag-eemote pa ako sa loob ng sasakyan nang may matanggap akong bagong text message mula sa kaniya. Agad akong nabuhayan ng loob, umaasang sasabihin niyang 'joke lang! Here na me, where na you?' o kaya naman 'izza prank lil sis!'.

Nakapikit kong binuksan ang message niya, iminulat ang mga mata at binasa ito agad.

From: Lionel
We're with Tita Leianna and Tito Chanter din pala. Nasa Iloilo kami ngayon, kakarating nga lang namin. Kaya din hindi ako na kapagpaalam sa'yong mauuna akong umuwi kasi nagtext si mom na umuwi na ako. Akala ko may sasabihin lang pero we have a flight pala. Nag-okay pa naman ako kanina nung tumawag ka, sors!

Instead na makaramdam ng lungkot dahil hindi siya pupunta ay mas nagulat ako. Nasa Iloilo sina mommy? Seriously? I don't even know that they're back in the country!

To: Lionel
I understand. I'll give them a call na lang later, hindi nila sinabing uuwi sila. Anyway, ingat kayo diyan! Lav ya bro <3!

Sent!

Nagreply naman agad si Lionel.

From: Lionel
Thanks lil' sis! Promise babawi ako :)

Liars Go to HellWhere stories live. Discover now