Capitulo Dise-otso

176 10 1
                                    

Maaga akong bumangon para magsanay. Kahapon pa nagpabalik balik sa aking isipin ang sinabi ng aking abuela.

"Apo, mag-ingat ka sa heneral. Huwag kang lumapit lapit sa kaniya. Pakiramdam ko ay may sama ng loob iyan sa iyong ina,"

Bakit naman kaya siya magagalit kay ina? Wala talaga akong maisip na dahilan kung bakit may galit ang heneral sa aking ina.

Narinig pa ang ingay ng mga kuliglig at ramdam na ramdam ko ang maginaw na ihip ng hangin. Kumikinang pa rin ang mga bituin sa kalangitan at nagdagdag ilaw ang buwan para makakita ako ng maayos sa dilim. Malapit nang sumikat ang araw kung kaya't naririnig ko na ang pagbangon ng mga isasanay ngayong araw.

Hindi ako nagpatinag sa mga ingay Ng aking mga kasamahan, nagpatuloy lamang ako sa pagsuntok sa bagay na nasa harapan ko. Parang gawa ang loob nito sa kahoy at pinalibutan lamang ng maraming tela para hindi masakit kapag sinuntok.

Nagulat ako nang may biglang humawak sa aking kamay kaya napatigil ako. Nang lingunin ko ay ang heneral na ang nakahawak sa kamay ko.

Lumakas bigla ang tibok ng puso ko dahil sa kaba at parang nahihirapan akong huminga, dahil na rin siguro'y kanina pa lamang akong nagsanay.

"Hindi tama ang iyong ginagawa, kulang ka sa pag-atake, kulang ang iyong lakas sa pag-atake," aniya.

Hindi ko mapigilang tumingin sa kaniyang mga mata, na para bang ako'y hinihila papasok sa mga ito. Humarap siya sa akin at akmang aatakihin ako, hindi ako nakailag dahil sa pagkagulat kaya napapikit na Lang ako sa takot at kaba. Ngunit wala akong naramdaman na suntok na dumapo sa aking mukha.

"Que-- quieres tomar el ponche?" (Anong-- gusto mo bang tanggapin ang suntok ko?) sigaw niya. Umiling ako ng paulit ulit.

Hindi ko inaasahan ang pabigla niyang suntok kaya hindi ako nakailag kaagad.

"Sabes defender? O todo lo que sabes es correr?" (Alam mo ba kung paano dumepensa? O magaling ka lang sa pagtakbo?) anito, "Akala ko'y may natutunan ka sa ensayo niyo noong nakaraang araw. Wala pa rin pala, paano na lang kung bigla tayong aatakehin ng mga rebelde? Sinong magtatanggol sayo?"

Sa gitna ng kaniyang mga sinabi, may lumapit na isang guardia civil sa amin at nagsabi ng isang magandang balita, "En general, alguien dijo que conocía a alguien que sabía sobre los Alfareros," (Heneral, may nagsabi na may nakakaalam raw sa kinaroroonan ng mga Alfarero) tingin nilang dalawa sa akin.

"Dónde?" (Saan?)

Napatingin ang heneral sa akin at alam ko na ang ibig sabihin doon.

Dapat ay makapaghanda na ako pagkatapos ng agahan para mas madali kaming makabalik galing sa kung saan man kami pupunta.

Napapatanaw ako sa aming paligid habang papasok kami sa Intramuros. Ang sabi ng guardia kanina ay malapit sa mercado raw huling nakita ng nagngangalang Tandang Soledad ang aking mga magulang. Ang sabi rin ay isang kainan ito na nasa kabilang kanto ng mga tindahan ng mga isda.

Ang Talaarawan ni CorazonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon