Capítulo Ocho

265 13 1
                                    

"Corre por inútil! Correr!" (Takbo mga inutil! Takbo!) sigaw ni Primera Arbante. Nag-uunahan kaming nagtatakbuhan palibot ng kampo. Hindi ko na mabilang kung ika-ilang ikot na namin ito, ang alam ko lang ay kanina pa kami nagpabalikbalik at hindi ko na mapakiramdaman ang aking mga paa at hingal na hingal na ako. Hindi ako sanay sa ganitong gawa.

Hindi rin naman ako sanay noong sumali ako sa polo y servicio, ngunit mas maigi na ang magbuhat at makakapagpahinga ka pa kaysa sa ganito na wala man lang katapos tapos.

Ngunit napansin kong parang hindi lamang ako ang nag-iisang nababaguhan sa ganito kundi ang aking mga kasamahan rin. Pero parang mas handa sila kaysa sa akin.

Nagpatuloy ang aming pagtakbo palibot sa kampo ng mahigit isang oras nang pinatigil kami ng primera.

"Qué crees que estás haciendo? Son chicas?! Corres como uno!" (Ano ba sa tingin niyo ang ginagawa niyo?! Para kayong mga babae! Ang hihimhin niyong tumakbo!) sigaw nito sa amin. Lumaki ang mga mata ko nang marinig ang salitang babae, ngunit binalewala ko na lamang iyon.

Hingal na hingal akong nakatuko sa sariling mga tuhod. Ramdam ko rin ang tagaktak ng aking pawis. Gusto ko na talagang umupo dahil alam kong sa anumang oras ay bibigay na talaga ang aking mga paa.

Namamanhid na ang aking mga paa kaya marahan ko itong hinihilit hilot para hindi lumala. Ito kasi ang itinuro ni inay sa akin nang minsay namanhid rin ang aking mga paa noong naglaro kami ng habulan ng isang batang lalaki noon.

Nakalimutan ko na kung sino yon pero ang alam ko'y nagtatrabaho na siya sa ibang bansa. Hindi na kami kailanman nag-usap pang muli simula nang umalis sila ng kaniyang pamilya noong mga bata pa kami.

Sa pagkaalala ko lamang ay may pagka payatot siya at matangkad ang tindig. Isa siyang purong Pilipino ngunit ang kumopkop sa kaniya ay mabubuting mag-asawang Espanyol. Nakikita ko rin sila paminsan minsan kapag bumibisita ako sa mansiyon nila. Nakilala ko amg kaniyang mga magulang nang pumunta ako sa kaarawan niya.

Hiyang hiya nga ako noon dahil ako lamang ang nag-iisang Pilipino na inimbitahan niya. Mabait rin naman sa akin ang kaniyang mga magulang kung kaya't pinayagan kaming maging magkaibigan.

"Oh, heto inumin mo to," ani Lucas habang inaabot sa akin ang isang baso ng tubig. Nagtataka naman akong tumungin sa basong hawak niya,"Nakakatulong yan para humupa ang pagod," sagot nito. Tinanggap ko ang basong bigay niya. Nagmamadali akong uminom ng tubig dahil narinig ko ang sigaw ni Primera Arbante, "Qué crees que estás haciendo? Vamonos!" (Anong sa tingin niyo ang ginagawa niyo?! Hala! Kilos!) sigaw nito. Napasinghap ako habang umiinom kung kayat naubo ko ang iniinom ko.

Parang umakyat mula sa lalamunan ko hanggang sa iling ko ang tubig na nainom ko. May hapdi sa looban ng aking ilong habang umuubo ako at makati rin ang aking lalamunan. Marahan naman akong hinahaplos ni Marcos sa likuran ki na parang batang pinapatahan sa pag-iyak. Nang nawalawala na ang hapdi sa aking ilong at kati sa lalamunan, pinatigil ko siya sa paghaplos sa likod ko.

"Estás   bien?" tanong niya nang may pag-aalala, "Si," sagot ko kaagad, "Si-sige, tinatawag na kami. Salamat pala," dagdag ko pa.

"Más rápido!" (Bilisan niyo!) sigaw ng primera nang pauli-ulit. Parang isang oracion na paulit-ulit niyang sinasabi. Ni minsan ay hindi niya kami binigyan ng pagkakataong magpahinga, maliban na lamang kaninang isa't kalahating oras na ang lumipas. 

Paminsan minsay nahahagip ng aking paningin ang primera na nagpapahinga at umiinom ng tubig. Parang kumulo ang aking dugo sa tuwing nakikita ko siyang nakikipagkuwentuhan sa mga kasamahan niya.

Ang Talaarawan ni CorazonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon