Nakabilad kami sa araw habang nakaporma. Nagsasalita si Marcos tungkol sa pakikipaglaban gamit ang lakas ng kamao. Naghalimbawa pa siya kasama ang isa naming kasamahan.
"Así es como debes atacar, debería ser rápido. Ese tipo en el que tu enemigo no puede contraatacar. Y si defiendes, deberías ser más rápido que el atacante, que en el mundo quiere ser golpeado, lo golpearía," (Ganito dapat ang pag atake, dapat mabilisan, yung hindi mo mabibgyan ng oras makaatake ang iyong kalaban. Kapag dumedepensa ka rin dapat ring mabilisan, sino ba ang may gustong matamaan? Tatamaan sa akin) pabirong sabi ni Marcos.
May tinawag siyang isang guardia civil na siya raw ang magtuturo sa aming kung paano dumepensa at umatake.
"Este es Rafael, él te enseñará cómo atacar y defender. Él es bueno en eso," (Siya si Rafael, siya ang magtuturo sa inyo kung paano umatake at dumepensa. Magaling siya sa parteng iyan) papakilala nito sa amin.
Nang umalis si Marcos, agad siyang nagsimula. Sinunod namin at ginaya ang kaniyang mga turo sa harapan.
Sinusuntok namin ang ere na para bang kalaban namin ito. Malakas na suntok at maliksi na pagdepensa.
Inuna niyang ituro ang mga atake na nakakasakit. Kung paano atakehin sa mga parteng nakabukas habang nakadepensa. Kung paano simulan ang pagatake at kung paano ito tapusin.
"Organizar allí en la parte trasera!" (Ayusin niyo diyan sa likuran!) pabigla-bigla niyang sigaw. Dahil na sa harapan ko siya, ay pakiramdam ko talaga ay lalabas na ang puso ko dahil sa pagkagulat.
Paminsan minsan nga kapag sumisigaw siya, tumatalsik talsik ang laway niya sa mukha ko. Hindi ako pwedeng makapunas dahil baka mapagalitan ako. Nakakapunas lamang ako kapag nakatalikod siya o di kaya ay nasa likuran ko na siya.
"Hyah!" sabay sabay naming sigaw.
"Muy bien," (Mabuti) wika ng nagturo sa amin, "Ahora, serás asociado con tu camarada. Y harás esos ataques y defensas que acabo de enseñarte," (Ngayon, ipapares kayo sa isang kasama. At gagawin ninyo ang mga itinuro kong mga atake at depensa)
Napasinghap ang lahat dahil siguro sa kagalakan.
"Silencio!" (Tahimik!) sigaw nito at agad na napatahimik ang lahat.
"Elegiré a tus socios, y practicarás la actividad esta noche," (Pipili ako ng inyong kapares, at magsasanay kayo ngayong gabi) anito at tinignan isa-isa ang aking mga kasama at ako.
"Continuaremos el entrenamiento esta tarde. Retirar!" (Mamayang hapon, magpapatuloy tayo sa ating pagsasanay. Magsiuwi!) dagdag nito.
Nang matapos na kaming magtanghalian, nagporma kami kaagad sa harapan ng nagtuturo sa amin kanina.
"Posiciona tus brazos correctamente! Quieres morir?" (Itaas niyo pa ang inyong braso, gusto niyo bang mamatay?!)
"Mierda! Hazlo correctamente!" (Punyeta ayusin niyo naman!)
"Qué crees que estás haciendo?" (Ano ba yang ginagawa mo?)
"Tú allí! Corrija su defensa!" (Huy ikaw diyan! Ayusin mo yang pagdepensa mo!)
Pagsisigaw na naman niya sa harapan ko habang nakaturo ang daliri sa aking likuran.
Napatingin tingin ako sa paligid at namataan si Marcos na tumatawa. Siningkit ko ang mga mata ko at inirapan siya.
Ipinagpatuloy ko ang tinuro ni Rafael. Hinarang ko ang aking braso sa aking mukha, pagkatapos ay ang dibdib at kasunod naman ang aking tiyan. Napapaatras rin ako, gaya ng turo niya.
BINABASA MO ANG
Ang Talaarawan ni Corazon
Ficción históricaMahinhin, maingat sa kinikilos, mahinahon, mapagkumbaba, at mapagtimpi. Yan ang mga katangian ng isang Maria Clara. Pambahay lamang ang mga babae at hindi ito pwedeng makipagsalamuha sa mga kahit kaninong lalaki. Pero paano kapag ang babae ay magpap...