"Alam mo ba kung bakit kita pinapapunta rito, Paco?" panimula ng heneral. Parang nanunuyo ang aking lalamunan dahil sa tanong niya. Nabalutan muna kami ng katahimikan at napayuko ako dahil sa kaba.
Nagulat na lamang ako nang bigla niyang sinampal ng malakas ang mesa, "Tonto!" sigaw niya. Mas lumakas ang kabog ng puso ko dahil sa pasigaw niya, "Kabago bago mo dito, hindi mo pa nga alam yung mga dapat gawin eh. Pinayagan lamang kitang sumama dahil may utang na loob ako sayo. Kapag nahanap na natin ang mga magulang mo, uuwi ka na kasama nila," dagdag niya pa.
Alam na alam ko kung bakit ako nandito.
"Ngunit heneral-" gusto ko sanang sabihin ang totoong nangyari ngunit tinignan niya ako ng matalim. Kagaya noong pagtingin niya sa koronel. Katulad ng pagtingin ng kaniyang ama sa kaniya noong inutusan siyang hanapin ang aking m ga magulang. Nakakakilabot, nakakatakot. Isa yan sa pagkakatulad ng mag-ama.
"O-opo heneral," sabi ko at muling ibinaba ang aking ulo.
"Ikaw ay bumalik na, sa susunod na gagawa ka ng gulo, hindi ko na ito papalampasin pa," sabi niya habang hinihilot ang sentido. Unti unti akong tumalikod sa kaniya at dumiretso sa pinto para buksan ito. Bago ko ito binuksan, lumingon ulit ako sa kaniya. Nakaharap na siya sa larawan sa kaniyang likuran. Tinignan ko ang babae sa larawan ulit. Hindi ko maiwasang mag-isip kung ano kaya ang nangyari sa babaeng nasa larawan.
Nang makabalik na ako sa aming pahingahan, hindi ko na muling naabutan ang mga taong nagtipon-tipon kani kanina lamang. Mahina ang liwanag ng gasera, tulog na ang lahat at tahimik ang kapaligiran.
Natigilan ako sandali nang may naramdaman akong may nagmamanman sa akin. Inilibot ko ang aking paningin sa buong paligid ngunit wala akong nakita kahit isang anino.
Binalewala ko na lamang ito, baka guni guni ko lang naman lahat. Nagsimula na akong humiga sa aking higaan at ipinikit ang mga pagod na mata.
Bukas na bukas rin, magsisimula na ang panubagong laban.
Kaagad akong bumangon kinaumagahan. Nakapatay na ang lamapara sa aming tuluyan. Kinuha ko iyon at sinindihan. Tahimik at dahan-dahan akong lumabas para magsanay. Dapat ang lunduyan ko ay ang paghanap sa aking mga magulang. Dapat hindi ako magpaapekto sa mga sinasabi ng iba.
Pinihit ko ang aking katawan sa kaliwa at sa kanan. Inulit ko ita ng ikaapat at iniba ko na naman ang ensayo. Inabot ko ang aking mga paa habang nakatayo, nagbilang ako hanggang walo. At nagsimula na akong tumakbo sa aking tinatayuan pero hindi pa rin ako sumulong.
Makalipag ng isang minuto, nagsimula na akong tumakbo at lumibot sa campo. Sinunod ko yung ginawa namin kahapon ngunit binawasan ko ng iilang oras.
Dapat akong matapos bago sumikat ang araw.
Sa ika labintatlong ikot ko ay nagsimula nang nagpakita ang haring araw. Nagsilabasan na rin ang mga opisyales at ang mga tauhan ng campo.
May dalawang tauhan ang lumapit sa mga pahingahan namin, tag-iisa silang pumasok. Nabigla ako nang narinig ko ang malakas na sigaw nila, "Despierta!" (Bangon!) sabay pa nilang dalawa.
Narinig kong nagsimula nang bumangon ang aking mga kasamahan at nagsilabasan na rin ang ilan sa kanila.
Nakabihis na ang lahat para sa gagawin ngayong araw na ito. Nakakain na rin ng almusal ang lahat.
Nakalinya na naman kami sa gitna ng campo kung saan nasa harapan namin si Primera Arbante.
"Hoy, tengo algo para que hagas," (Ngayong araw na ito, may gagawin kayong lahat) sabi niya. Napasinghap ang marami dahil sa kagustuhang makagawa ng bago sa ikalawang araw ng pagsasanay.
Nakasimangot ang lahat habang naglilinya para makagawa ng porma. May apat na haligi at limang hilera.
Nasa unahan ako ng linya, mismo ang unang tao sa unang haligi at hilera.
Nagpaikot-ikot ang primera sa nagawa naming porma. Hindi kalana'y nasa harapan na naming lahat siya, nakahalukipkip.
"Primera Alcellero te enseñará los comandos y lo que hacen los guardias civiles," (Tuturuan kayo ni Primera Alcellero kung ano ang mga mando at kung ano ang mga dapat gawin nga mga guardia civil) sigaw niya para marinig ng lahat. Lumaki ang aking mga mata sa narinig, isa palang primera si Marcos?!
Akala ko ay kagaya ko siyang nagsasanay pa?
Ipinarada niya ang kaniyang mga mata sa aming lahat, nang tumigil ito sa akin, ngumiti siya ng marahan at ibinalik ang mata sa sentro ng porma.
"Comenzaremos con los comandos básicos," (Magsisimula muna tayo sa pangunahing utos) mahinahon niyang sabi sa amin.
Magtatanghali na nang tumigil muna kami. Hindi ako nahirapan sundin ang mga sinabi niya dahil lagi niya naman itong isinasalin sa Tagalog. Mabuti naman at naalala niya na hindi pa ako ganoon ka marunong sa wika nila.
Mabilisan kong naubos ang dalawang baso. Nakita kong lumapit sila Mateo sa akin. Mahina akong binabanggaan. Gusto ko na sanang pagsabihan siya ngunit inunahan ako ni Marcos, "Detener ese," (Tigilan niyo yan) madiin niyang pagkasabi.
Napalingon muna sila kay Marcos at nagsi-alisan na. Bago sila umalis ay lumingon muna sa akin si Mateo at inirapan ako, at sumunod na sa mga kaibigan.
"Salamat Marcos," sabi ko sa kaniya.
"Walang anuman Paco, para saan pa ba ang kaibigan?" anito.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin na isa ka palang primera?" humahagikhik ako habang mahina siyang itinulak.
"Hindi ka naman nagtanong ah," humagikhik na rin siya
"Natikman mo na ba ang ulang?" tanong niya. Napailing naman ako dahil ngayon ko lamang iyan narinig.
"Yung inihanda rin kahapon, marami pa kasing tira na hindi nailuto. Kaya ngayon iyan ang ulam natin sa tanghalian," paliwanag niya.
"Yung may maraming kamay," dagdag niya habang iginagaya niya na parang kamay ng sa gagamba. Pinigilan ko ang aking pagtawa at tinulak ng mahina ang mga kamay niya.
"Tara na nga, baka nakahain na ang tanghalian," nagsilapitan na kaming lahat sa lamesa habang hinahanda ang aming makakain.
Nagkukwentuhan ang iba habang ang iba naman ay tahimik na kumakain. Namataan ko sina Mateo at nang nagtagpo ang aming mga mata'y humarap agad ako sa aking plato.
Madaling natapos ang tanghalian namin dahil pinatawag kaagad kami ni Primera Alcellero. Nang makaporma na kami agad niya kaming sinabihan na igrupo ang aming sarili ayon sa tinutuluyan namin.
Mabilis na nagkagrupo grupo ang lahat. Nasa iisang grupo kami ni Mateo kaya naiilang ako medyo. Hindi ko kasi gustong mangyari yung katulad kagabi. Klaro pa ang pasa sa parte ng mukha niya na nasuntok ko. Nakakunot ang kaniyang noo nang nakita niya ako. Hindi ko na lamang siya pinansin.
"Hoy, vamos a jugar un juego. Esto te ayudará a construir tu experiencia grupal. Y esto también es útil para el entrenamiento. Inuulit ko, magkakaroon tayo ng laro. Ang larong ito ay makakatulong sa inyong karanasan sa grupo,"
"Solo podemos hacer muy poco; juntos podemos hacer mucho," (Kapag ikaw ay mag-isa, konti lamang ang magagawa mo; Kapag magkasama'y marami ang mangyayari) sabi niya na may malaking ngiti sa labi.
Inirapan ko siya dahil alam din niya na magkasama kami ni Mateo sa tuluyan.
May malaking tali na inilabas mula kung saan. Ang isang dulo ay nasa malapit sa ibang grupo ang kabilang dulo ay malapit sa amin.
"Tú," (Kayo) turo niya sa kabilang grupo "Tirarás de este extremo de la cuerda mientras que el otro grupo tirará del otro extremo. veamos qué grupo es más fuerte," (Hilahin niyo ang dulo ng lubid, habang ang kabilang grupo naman ang hihila sa kabilang dulo ng lubid. Tignan natin kung aling grupo ang mas malakas) sabi niya na may tipid na ngisi sa mukha.
BINABASA MO ANG
Ang Talaarawan ni Corazon
Narrativa StoricaMahinhin, maingat sa kinikilos, mahinahon, mapagkumbaba, at mapagtimpi. Yan ang mga katangian ng isang Maria Clara. Pambahay lamang ang mga babae at hindi ito pwedeng makipagsalamuha sa mga kahit kaninong lalaki. Pero paano kapag ang babae ay magpap...