"Aquí, tu uniforme," (Iyong uniporme) sabi ng lalaking pinapaniwalaan kong may malaking rango dito sa hukbo. Tinanggap ko ang uniporme sa mula sa kaniyang kamay at agad na marahang tumango.
"Yo soy Marcos, Marcos Alcellero," (Ako nga pala si Marcos, Marcos Alcellero) sabi nito habang inaabot ang kamay. Tinignan ko muna ito bago tumingin sa kaniya ng diretso. Nagdadalawang isip ako kung tatanggapin ko ba ang pakikipagkamay niya, tutal nagpapakilala lang naman siya. Wala naman siguro itong masamang balak diba? Hindi naman siguro masama magkaroon ng kaibigan dito?
Tinitigan ko muna ang kaniyang maamang mukha na nakangiti naghihintay sa akin para tanggapin ang kaniyang kamay. Bumaba ang tingin ko sa kaniyang kamay at bumalik naman sa mukha niya. Tumaas taas ang kilay niya habang nakangiti. Napahinagpis ako at tinanggap ang kaniyang kamay, "Ako naman si Cora-aayy nako naman oh," hahampasin ko na sana ang kaniyang braso nang hawakan niya ito para dumipensa. Agad naman niyang binitawan at humingi ng tawad.
"L-lo siento, no quise hacerlo De todos modos, no necesitas presentarte, ya te conozco. Tú eres con quien vino el general, verdad?Cómo lo hiciste? Cómo entraste a su tropa? Cómo se siente? He estado en el campo de entrenamiento durante un año y todavía no hay mejoría. Todavía soy un aprendiz. Pero tú, acabas de entrar. Y el general quiere que seas parte de su tropa. Especialmente en una nueva misión. Cómo lo hiciste? ¿Puedes enseñarme?" (Pasensya na, hindi ko sinasadya. Gayun pa man, hindi mo na kailangan ipakilala ang sarili mo, kilala na kita. Ikaw yung kasama ng heneral, hindi ba? Paano mo nagawa yun? Paano ka nakapasok sa hukbo niya? Anong pakiramdam mo? Matagal tagal na rin kasi ako nandito, halos isang taon na. Ngunit wala pa ring nagbabago. Heto pa rin ako sinasanay pa. Pero ikaw, kapapasok mo lang. At gusto na ng heneral na maging parte ka sa hukbo niya. Lalong lalo na sa bagong misyon nito. Paano mo yun nagawa? Pwede mo ba akong turuan?) sunod sunod nitong pananalita. Nakatulala laman ako sa kaniyang harapan, ang mga salita niya ay parang hanging bumubulong lamang sa akin. Wala akong naintindihan kahit ni isang salita pagkatapos niyang humingi ng tawad. Nakakunot siguro ang aking noo habang nagsasalita siya at nakaawang ang bibig.
Nagtatanong pa ba siya sa aking pangalang? Kasi parang may hinihintay siyang sagot.
Inabot ko muli ang kaniyang kamay at nakipagkamay, "Y-yo s-soy Paco Alfarero," sagot ko sa kaniya, "Masaya akong makilala ka Marcos," dagdag ko pa. Kumunot na rin ang kaniyang noo bago tumawa ng malakas, "N-no puedes entenderme?" anito habang tumatawa at napailing. Tumikhim muna ako bago sagutin siya ngunit hindi na niya ako pinasagot at nagsalita na naman siya, "Mabuti naman, akala ko talaga habang buhay na ako hindi makakapagsalita ng wika ninyo," sabi niya na ikinagulat ko. Lumaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya.
"Oo, nakakaintindi at nakakapagsalita ako ng wikang Tagalog," tuloy niya. Nagulat ako dahil hindi mo mawari na isa siyang purong Espanyol dahil magaling siya magtagalog. Napasinghap ako, "Ang galing mong magtagalog. Saan mo yan natuto?"
"Isang indiyo ang aking totoong ama, ngunit namatay siya. Yun yung sinabi ng aking ina. Nagpakasal siya ulit kay Don Lucas Alcellero, ang ama ng komandante. Magkakaanak na sana sila sa kasunod na taon ng mamatay ang ina sa panganganak. Hindi rin nailigtas ang bata, kaya ngayon ay nakatira na ako kasama ang aking ikalawang pamilya," tugon nito. Nasisiyahan ako dahil tinanggap pa rin siya ng kaniyang ikalawang pamilya sa kabila ng lahat ngunit parang may naramdaman akong kalungkutan sa kaniyang sinabi.
Bumuntong hininga siya bago magsalita ulit, "Ikaw naman? Nakakaintindi ka ba ng Espanyol?" napatango ako sa kaniya bilang tugon sa tanong niya, "Pero hindi ako gaanong marunong magsalita ng wika na iyon at kapag dahan dahan lamang ang pagkakasabi sa mga salita. Gaya noong kanina, talagang wala akong naintindihan kasi mabilis ang pagkasabi mo sa mga tanong," sabay kaming napatawa ng mahina.
BINABASA MO ANG
Ang Talaarawan ni Corazon
Ficción históricaMahinhin, maingat sa kinikilos, mahinahon, mapagkumbaba, at mapagtimpi. Yan ang mga katangian ng isang Maria Clara. Pambahay lamang ang mga babae at hindi ito pwedeng makipagsalamuha sa mga kahit kaninong lalaki. Pero paano kapag ang babae ay magpap...