"Quién eres tú?" (Sino ka?) ang syang unang narinig namin mula nang magkayapan kami ni Manuelo. Agad naman kaming naghiwalay nang namataan namin ang heneral sa aming likod.
Lumapit sa amin ang heneral at nagpapagpag naman so Manuelo sa kaniyang kasuotan. Lumaki ang kaniyang ngiti at parang batang nasasabik makilala ang isang bagong kaibigan.
"Ah! Heneral, si Manuelo po ang aking kaibigan. Taga amin rin siya," tinitigan niya muna simula sa mukha hanggang paa at pabalik sa mukha ang kaharap.
"Manuelo, ang heneral, si Heneral Eustaquio.... Eustaquio Marino Miguel Ponce dela Pena," pagpapakilala ko sa dalawa. At napansin ko ang kaniyang parang nangliliit na ekspresiyon. Ngumisi siya ng bahagya bago bumalik sa seryoso ang mukha.
May nakakailang na katahimikan pagkatapos ng aking pagpapakilala sa dalawa kaya nagpaalam muna akong makipag-usap kay Manuelo mag-isa.
Nanatili ang heneral sa kaniyang kinatatayuan habang hinihila ko papalayo so Manuelo.
"Manuelo, ano ang iyong ginagawa rito?"
"May nalaman ako," pinanliitan niya ako ng mata at ininspeksiyon mula ulo hanggang paa.
Nakaramdam ako ng kaba sa kanyang titig para bang alam niya na kung ano ang tinatago ko.
"A-anong ibig mong sabihin?"
Tumigil muna siya bago huminga ng malalim.
"Narinig ko ang usap usapang pinaghahanap raw ng heneral ang iyong mga magulang, bakit raw? Siya ba ang heneral na ibig sabihin nila? Dahil ba ninakaw nila yung dalawang sako ng bigas sa hacienda? Bakit mo siya kasa-kasama?"
Nagulat ako sa paratang niya, alam naman niyang nawawala sila dahil hinahanap ako. Saan din ba nila maitatago ang dalawang sako ng bigas? Alangan na man at dinadala nila ito habang hinahanap ako?
"Hindi maaari yan, nagsisinumaling ang kung sinong nagpakalat diyan. Alam mo namang hinahanap lang naman nila ako,"
"Yun na nga ang sinasabi ko sa kanila, ngunit sila ay natatakot sa kung anong maaaring mangyari sa iyong mga magulang kapag silay ay nahuli ng mga Fetalino. Alam mo naman siguro kung gaano sila kaistrikta at nakakatakot. Lalong lalo na ang panganay,"
Naalala ko ang mukha ng Koronel ng makita niya ako. Hindi man lang siya nagulat o kung ano.
"Alam ko," mahina kong sagot.
"Hindi mo pa sinasagot Ang aking katangungan, paano kayo nagkakilala Ng heneral at magkasama pa?"
"Mahabang kwento kaibigan, basta'y nagpapatulong lamang akong mahanap sila, bago ako maunahan ng iba,"
"Wala akong tiwala sa heneral na iyang kaya ikaw ay mag-ingat kaibigan, hindi mo alam kung kanino papanig iyan. Ang alam ko'y magpinsan sila ng Koronel," bulong niya sa akin. Natigilan ako dahil ngayon ko lamang iyan nalaman.
"Dapat ay sumama ka na lamang sa akin Paco," parang biglang uminit Ang aking ulo sa kaniyang sinabi. Gusto ko lang naman mahanap ng maaga sina inay at itay. At Ang hukbo lamang ng heneral ang aking pag-asa sa ngayon.
"Saan? At paano naman natin sisimulan ang paghahanap sa kanila? Wala kang mapagkukunan ng impormasyon. Sa ganitong paraan maraming mahahakot na impormasyon patungkol sa kinaroroonan ng aking mga magulang," wika ko.
Biglang nagulat si Manuelo sa pagtaas ng aking boses, pati ako ay nagulat rin. Kaya napatango na lamang siya. At parang tumuyo ang aking lalamunan.
"Ang ibig kong sabihin-"
Napatigil ako sa pagpaliwanag nang magsalita siya.
"Sige at magpapadala na lamang ako ng sulat para sa iyo sa inyong kampo Kung sakaling may malaman ako tungkol kina mang Jose. Hanggang sa muli kaibigan, ako at aalis na dahil hindi ko gustong masira ang iyong misyon,"
Malungkot na tumalikod so Manuelo sa akin at naglakad papalayo. Biglang dumami ang tao kaya nawala na siya sa aking paningin.
Nakaramdam akong may nakatingin sa amin kanina pa. Kaya hinanap ko ang heneral at naroon nga siya, nakatingin sa akin na nakakunot-noo. Lumapit siya sa akin bago magsalita.
"De que hablabas?" (Anong pinaguusapan niyong dalawa?) seryoso niyang tanong.
Nagulat ako dahil bigla na lamang siyang nagkaroon ng interes sa pakikiusap ko sa aking kaibigan. Diba'y wala namang pake ang mga kagaya niya sa tulad namin?
"No importa, vamonos," (Huwag na, tara) at naglakad na siya patungo sa kalesang sinasakyan namin kanina.
Hindi ko lubusang maisip na hinahanap rin pala ng mga Fetalino ang aking mga magulang. At binintangan pa ang mga ito ng pagnanakaw.
Hindi ko namalayan na pinagbuksan na pala ako ng heneral.
"Salamat po heneral," sabi ko. Ngunit bago pa man ako makapasok ay binanggaan niya ako at unang sumakay.
Pumikit ako para hindi maipakita ang pagkairita at bumaling sa kaniya na nakangiti.
Nang makaupo na ako ng maayos tinawag niya si Mang Elias para bumalik na kami sa kampo.
Tahimik na tahimik ang loob ng kalesa, ang tanging naririnig lamang ay ang dagundong ng gulong at mga yapak ng kabayo.
Nakatanaw lamang ako sa mga nadadaanan namin habang nakapikit naman ang general. Wala akong ideya kung nasaan na kami ngunit ang alam ko lamang ay malayo pa kami sa kampo.
Magtatanghali na siguro dahil mataas ang tirik ng araw.
Nagpatuloy lamang kami sa mga ginagawa namin nang biglang umungol ang kaniyang tiyan.
Natigilan ako at tumingin sa kanya. Dahan dahan naman niyang iminulat ang kaniyang mga mata at binigyan agad ako ng masamang tingin.
Iniwas ko ang asking mga mata at ipinagpatuloy ang pagtanaw sa paligid. Ngunit muli itong umungol at hindi ko napigilan ang aking tawa kung kaya't sinimangutan na naman niya ako.
Habang nakatawa'y umungol na naman ang aking tiyan.
"Mang Elias tigil muna tayo sa malapit na kainan," utos nito.
Napangiti ako sa kaniyang sinabi dahil talagang nagugutom na ako. Hindi Kasi ako gaanong kumain dahil ako ay nasasabik na mapuntahan ang nakakita sa aking mga magulang.
Tumigil kami sa harap ng isang pansitan na mas malaki ng kaunti sa kay Tandang Soledad. Agad akong lumabas sa aming sinasakyan at hinintay ang heneral na nagpababagal-bagal.
Nakahanda sa aming harapan ang pancit, adobo at kanin. Nasa iisang lamesa lamang kami. Kahit ikailang beses ko nang nakasabay ang general sa hapag, hindi pa rin ako mapakali sa kaniyang presensiya.
Habang kumakain, hindi ko mapigilang isipin kung bakit ngayon lamang niya naisipang huminto na kanina pa lang naman siya nagugutom? Hindi kaya...?
"Hindi ko hahayaang magutom ang ating kutsero sapagka't malayo pa ang ating lalakbayin," seryoso niyang sabi sa amin.
Napatango si Mang Elias at nagpasalamat. Sumunod na rin ako pero hindi pa rin nawala ang aking pagtataka, subalit nadagdagan pa ito. Paano niya ba nalaman ang aking tinatanong sa aking sarili?
Nang natapos kaming kumain, tumulak na kami pabalik sa kampo para hindi maabutan ng dilim.
BINABASA MO ANG
Ang Talaarawan ni Corazon
Historical FictionMahinhin, maingat sa kinikilos, mahinahon, mapagkumbaba, at mapagtimpi. Yan ang mga katangian ng isang Maria Clara. Pambahay lamang ang mga babae at hindi ito pwedeng makipagsalamuha sa mga kahit kaninong lalaki. Pero paano kapag ang babae ay magpap...