Capítulo Tres

282 20 3
                                    

Septiembre 16, 1883

Mahal kong inay at itay,

Kamusta na kayo? Pasensiya at ngayon lamang ako nakasulat muli sa inyo. Malapit nang matapos ang barkong aming ginagawa, marahil bukas na bukas ay pipinturahan na namin iyon. Gusto ko lamang malaman ninyo na mabuti ang aking kalagayan dito. Sa loob ng labingpitung araw ng pananatili ko dito sa simbahan ay  marami akong nakilalang mga kaibigan mo itay. Hindi din naman sila nagtaka kung bakit may lalaki kang anak dahil pinaliwanag ko sa kanila na hindi mo ako pinapalabas. Naging kaibigan ko rin ang anak ni Aling Cynthia na si Manuelo. Kilala ka raw niya itay. Dahil madali kaming natapos ay maaaring madagdagan ang aming trabajo at siguro ay madadagdagan din ang mga araw. Pero gusto kong malaman niyo na kakayanin ko ang lahat ng ito para sa inyo, lalong lalo ka na itay. Huwag ka sanang magpakapagod sa pagtatrabaho baka ay magkakasakit ka na naman diyan. Ang aking panandaliang ngalan po ay Paco Alfarero. Para sa inyong kapayapaan ng isip po'y kumakain po ako sa wastong oras, natutulog sa loob ng simbahan at inaalagaan ko po ng mabuti ang aking sarili para hindi mahuliSana'y makasagot kayo sa liham kong ito. Ipadala niyo lang po ang inyong sulat dito sa simbahan ng Cavite Nuevo. Alam ko pong sa loob pa lamang ng tatlong araw niyo itong makukuha pero gusto kong malaman niyo na sa araw na ito ay inyong makuha ay ayos lang po ako.

Maghihintay,

Corazon Alfarero

Kasalukuyan akong naghahakot ng mga karagdagang kahoy para sa pangibabaw na kubyerta. Naroon na rin sina Manuelo at Mang Raul nagpopokpok sa di kalayuan.

Nang nakita ako ni Manuelo, agad niya akong tinulungan pero sinuway siya ng isang bantay. Pinalo siya ng latigo ng malaking lalaking nagbabantay sa amin kaya natapon ang kaniyang hawakhawak na kahoy.

"Ikaw ay bumalik sa iyong puwesto! Ngayon din!" sabi nito. Wala namang magawa si Manuelo kaya't bumalik na siya sa kinaroroonan niya kanina, bago siya tumalikod binigyan niya ako ng isang ngiting nanghihingi ng tawad.

Kinuha ko naman iyong mga natapong kahoy at kahit na nahihirapan ako ay kinaya ko iyon, pero bago ako humakbang ay nilatigo na rin ako ng kastilang bantay dahilan kung bakit natapon na naman ang isang piraso ng dos por dos, "No pidas ayuda indiyo!" (Huwag ka nang humingi ng tulong!) sigaw niya. Pinulot ko ito at yumukong naglalakad patungo sa poste ko.

Ang Talaarawan ni CorazonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon