Capítulo Doce

173 14 0
                                    

"Atencion!" sigaw ni Marcos.

Sumunod agad ang lahat. Nakatayo ng matuwid, dalawang kamay nasa magkabilang gilid, mga mata nakatingin ng diretso sa harapan, bibig naka tikom.

"Ayer, mostramos cómo los grupos trabajan juntos para alcanzar la meta. A partir de hoy, lo haremos individualmente. Kahapon, ipinakita natin kung paano nagtutulungan ang isang grupo para matapos ang isang tungkulin. Simula ngayon, ipapakita na natin kung paano ang isa't isa sa atin tinatapos ang isang tungkulin,"

Kanina pa kami nagmamartsa sa aming lugar ngunit pinapagalitan pa rin kami ni Manuelo dahil hindi pwedeng ni isa ay magkakamali. Meron kasing iba na nawawala sa ritmo, may nauuna, may nahuhuli.

"Marquen el paso, mar!" anito na agad namang sinunod namin.

Kaliwa, kaliwa, kaliwa, kanan, kaliwa.

Paulit ulit kong sinisigaw sa aking sarili kasama ang pagsigaw ni Manuelo.

Pintigil niya kami ng sandali para pipili siya ng papalit sa kaniya sa pagsigaw.

"Tu," turo niya sa pinakalikuran sa amin, "Grita esto; izquierda, izquierda, izquierda, derecha, izquierda!" (Isigaw mo; kaliwa, kaliwa, kaliwa, kanan, kaliwa!)

"Izquierda, izquierda, izquierda, derecha, izquierda," (Kaliwa, kaliwa, kaliwa, kanan, kaliwa) sigaw ng tinuro ni Manuelo na si Mateo.

"Oyes pájaros cantando?" (May naririnig ba kayong huni ng ibon?) panggagad niya.

Bumungisngis ang mga kasamahan ko at napahiya si Mateo.

Tumingin siya sa akin na parang nakakuha ng magandang gantimpala. Kumunot ang noo ko at pasimpleng umiling, napahimutok naman siya at ipinikit ang mga mata.

"Haz que sea más fuerte para las personas de enfrente escuchar," (Lakasan mo para marinig nang mga nasa harapan) giit niyang utos kay Mateo.

Mag gagabi na nang matapos kami sa aming pagsasanay sa pagmartsa sa lugar. Binigyan rin kami ng pagkakataon sumigaw ng mga utos sa lahat.

Kinabukasan, nagsimula kami sa ganoong paraan pa rin ngunit ngayon, pinapasulong na kami at nagsimula nang magmartsa sa palibot ng kampo.

Si Mateo ang pinapasabi ng mga utos habang kami ay nagmamartsa. Dahil na rin siguro ay siya ang may pinakamalakas na boses sa aming pulutong.

"Alto!" (Hinto!) rinig naming sigaw ni Manuelo. Inulit naman ito ni Mateo at tuluyan na kaming huminto lahat.

"Saludo!" sigaw na naman ni Marcos.

Inilagay namin ang aming dalawang daliri sa aming noo, nakatuwid ito at nakatupi naman ang iba. Nasa gilid na ang heneral sa kay Manuelo. Nasa harapan ko sila kaya nakikita ko ang kanilang ginagawa.

"Continuar," (Continue) mahinahon niyang sabi. At napatingin siya sa akin. Lumakas ang pintig ng aking puso nang magtugma ang aming mga mata. Binawi ko kaagad ang aking paningin at binaling sa ibang dereksyon.

Ang Talaarawan ni CorazonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon