Capítulo Once

175 13 0
                                    

"Halar!" (Hila!) paulit-ulit na sinasabi ng magkabilang grupo. Parang naging himig na inaawit sa koro tuwing misa. Naghihilahan ang dalawang panig, isa-isang pinapakita ang lakas ng bawat grupo. Parehong hindi nagpapatalo.

"Paco! Halar!" sigaw nung nasa likuran ko.

Buong lakas kong hinila ang lubid sa aking harapan. Dahil ako ang pinakamaliit sa buong pulutung.

Habang hinihila ko ang kabilang dulo ng tali, mas hinihila rin ng kabila ang kanilang parte ng tali. Kaya parang nadadala ako at napapasulong rin ako malapit sa gitna na may mataas na linyang naghahati sa dalawang grupo.

Nagpapalitan ng lakas ang magkabilang panig. Hindi nagpapatalo.

Biglaang uminit ang aking pakiramdam, yung parang may tumitingin sa'yo. Hindi ko alam kung lilingon ba ako o ano. Napailing na lamang ako at itinuon ang aking atensyon sa taling hinihila.

"HALAR!" sabay-sabay na sumigaw ang aking mga kasamahan. Nararamdaman ko nang malapit na kaming manalo, ngunit nararamdaman ko rin na may kung anong dumikit sa aking lalamunan kaya mahirap lumunok. Malakas pa rin amg tibok ng aking puso kaya nahihirapan akong huminga. Alam ko na kung sino ang nakatingin.

Ang heneral.

Bakit ba ako kinakabahan? Dahil ba ito sa sinabi niya kagabi? Ano ba ang sinabi niya kagabi kaya kinakabahan ako?

Huminga ako ng malalim, pinakawalan ang tali na hinahawakan ko at agad na hinila ang unahang parte ng tali na kanina ko pa hinawakan.

Hindi ko alam pero parang sumunod din ang mga nasa likuran ko kung kaya't unit-unting napasulong ang nasa kabilang grupo.

Sa isa pang hila na ginawa namin, lumagpas na sa linya ang kabila kaya natapos na ang laro.

Nagtatalonan ang aking mga kasamahan at dahan-dahan nila akong pinapaligiran. Napangiti ako dahil naririnig ko ang aking pangalan sa kanilang mga bibig, "Paco! Paco! Paco!" sabay-sabay nilang sigaw.

Hinanap ko ang heneral sa paligid ngunit wala akong makita kundi si Mateo at and dalawa pa niyang kasamahan na nasa gilid nakatingin ng masama sa akin.

Pinuntahan ko sila at nakasunod pa rin sa akin ang aming mga kasamahan.

"Mateo," tawag ko sa kanya. Tumahimik muna ang mga nasa paligid at nakisali na rin yung nasa ibang grupo.

"Qué?!" (Ano?!) sigaw niya. Ngumiti lamang ako sa kaniya at nagsabi.

"Felicidades a nosotros," (Magaling tayong lahat) sabay lahad ng aking kamay sa kaniya.

Tumingin muna siya sa aking kamay at balik sa aking mukha. Ngumisi siya, "Para ti, quieres decir. De verdad pensaste que seríamos buenos porque ganamos?" (Para sa iyo, ibig mong sabihin. Akala mo magbabati na tayo dahil ikaw ang rason ng ating pagkapanalo?) ngumisi siya at iwinaksi niya ang aking kamay.

"No, usted es solo mocoso indiyo," (Hindi, nagpapasikat ka lang indiyo) anito at umalis

Naramdaman ko ang mahinang pagtapik ni Marcos sa aking balikat, "Hayaan mo na siya, malaki lang talaga ang galit niya sa mga kagaya nating. Pinatay kasi ng isang Pilipino ang kaniyang ina, kung kaya't ganyan na kalaki ang galit niya sa atin," paliwanag ni Marcos.

"Bakit hindi ka niya inaano?" tanong ko na parang dinadayaan.

"Isa akong primera, wala siyang kalaban laban sa akin," napahagikhik ako sa kanyang rason.

Imbes na magalit ako kay Mateo dahil galit pa rin siya sa akin, nakaramdam ako ng awa dahil sa kaniyang pinagdaanan.

Bakit pa ba kasi nagpapatayan ang mga tao?

Ang Talaarawan ni CorazonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon