"Huwag dito Shinichi.. Dun na lang... Dun sa likod ng jeep..." sabi ko kay Shinichi na ngayon yakap yakap ako at pinipilit akong halikan..
"Dito na lang... madilim naman dito" nasa isang eskinita kasi kami nun. Mga twilight pa lang nun. Dahil sa pagkakabanggit ko ng salitang twilight, naisip ko, para kaming sina Bella Swan at Edward Cullen kaya di ko napigilan sambitin ang katagang..
"BITE ME.." (with full of emotions and twinkling eyes) TAPOS na isip ko...
tae, nasabi ko ba talaga yun? Ugh kakahiya kaya tinakpan ko yung mata ko nang mapansin ko na lang biglang nagfe-fade si Shinichi my love.. Waaah~~ saan siya pupunta??? Iiwan niya na ko? Yung kiss ko di pa niya na bibigay..nang biglang...
LAGABOOGSSSSSSSSSSSHHHHHH (tren yan, jk, pintuan na binuksan lang with full force..hehe)
Hindi pa nga ako nagkakahwisyo ng biglang..
"TOYANNNNNNNNNNNNNNNNGGGGGGGGG! Bumangon ka na diyan! Maga-ala siyete na!!!!!!!"
peste, ang sakit sa tenga. Alam niyo yung feeling na parang nasa loob ka nung mismong torre ng simbahan habang nangangampana si Kampanerang Kuba?? Mga ganung effect ba??
At ang masama pa niyan ee wala naman akong pasok ngayon kasi summer pa pero mapang-inis lang itong pamintang ito.. at saka....broken hearted ako..
OO
Broken Hearted ako kasi di ko nakuha kay Shinichi Kudo yung halik ko..
Hindi ko napansin kanina pa nakatingin sa akin si Melandi with taas ng kilay hanggang kisame siguro ng kwarto ko yung kilay niya, as in,... sarap hambalusin ng plywoood........
.......with yummylicious pako na nakausli..
"Anong problema mong paminta ka?" tanong ko sa kanya with Just-shut-up look on my face.. oha?
Aba't inirapan lang ako ng Melchor na ito sabay alis..
Bwisit...
Opo, tama po kayo, bakla po kapatid kong si Melchor Serrano Jr.. Tinawag ko lang siyang MELANDI kasi pinagsama ko yung MELchor at maLANDI.. Ang landi kasi ee. Bastat yung tipikal na malanding bakla na ang sarap gawing key chain sa banyo..para naamoy niya tae ko.. hahaha
Bumaba na ko pagkatapos kong mag-ayos. Nadatnan ko si Mama.
"Buti ang aga mo? Halika na, kain na tayo" alok niya sa akin, ambait talaga ni mama. Alam mo yun? Kahit demonyito este demonyita yung kapatid mo, basta makasama mo lang si mama mo ay gumagaan pakiramdam mo.
Nag-smile lang ako sa kanya at kumain na.
Fashion designer si mama,may sarili siyang clothing line.. Every weekends umaalis siya para tignan yung iba't iba niyang boutiques all over the country kaya kapag may pasok lang namin siya nakakasama. Dati talaga halos hindi na siya umuwi kasi nga demanding ang trabaho niya kasi nga all over the world nga yung business niya. Kaya lang simula ng mamatay na si Papa nagi-stay na siya sa bahay at through internet niya na lang tinitignan yung mga boutiques niya.
Sundalo naman si papa. Kaya naman siya namatay kasi daw nag-agawan daw sila sa manibela ng kabit niya kaya nabunggo sila. Sakit noh??? Akalain mo yun?
Hindi siya namatay sa mga giyera pero sa kabit niya siya namatay. Umiyak for one week si mama dahil dun, ako naman umiiyak din kasi kahit may kabit si papa, naging mabuti naman siyang ama sa aming dalawa ni Melandi.Supportive siyang tatay, kaya nga hindi ako makapaniwalang napagtaksilan niya si mama.
BINABASA MO ANG
My Pepper Love
Teen FictionSino na Touella?? Sino pipiliin mo?? Si Japanese boy? British boy? o si.. PEPPER BOY??? Alamin natin kung anong mangyayari sa mundo ni Toyang este ni Touella..