Meet the Heartthrobs..

185 5 0
                                    

Yesssss.....

Pasukan na!!!

Awooo awooo...hehe... Masaya lang ako... Kasi na-miss ko talaga mga classmate kong may tama sa ulo...

Third year na nga pala ako ngayon sa isang exclusive school sa Manila.. And guess what?? May JS Prom na kami.. awoo.. ang saya..

Hindi ko nga pala masyadong napakilala sarili ko.. Ako nga pala si Touella Mae Serrano o Touella na lang para cute peo dahil sa may maldita akong kapatid kaya ginagawa niyang TOYANG..asar... Maraming nagkakamali sa pagbigkas ng pangalan ko, ang tamang pagbigkas po nyan ay TOLA lang parang TINOLA, jk.. maarte lang talaga sina lola ko kaya naging ganyan ang spelling, sila kasi ang nagbigay. 14 years old ako at may height na 5'2 at mahilig ako sa Anime.. wooh.. Cosplayer ako ee.. hehehe.. Tapos mahilig ako sa Korean drama.. Kaya pag college na ko, mag-aaral ako ng Asian Languages at pangarap kong maging ANIME balang-araw...

Ay bakit?? bawal ba??? Sabi kasi nila..

"Otakus don't die because they'll beacome Anime" haha ayun, kaya feeling ko totoo.. Masama bang mangarap..

Anyways, pagpasok ko palang sa 3-1. Yeah, tama.. First section ako,, haha . May bumunggo sa akin...

DOOOOGSSSHHH..

Ang lakas ng impak.

♫ Baby you're my destiny

You and I were meant to be ♫

Hala bakit may kanta???

Kasi hindi ako masyadong nakatingin kaya napaupo ako.. At ang nakakainis pa niyan ay tinignan lang ako ng masama nung lalake tapos nag-flylalu na sa classroom ko..

At kaklase ko pa ang damuho?? Asar na asar na ako nang may bigla akong nakitang kamay sa harapan ko tinignan ko yung kamay tapos yung mukha..

SHIIIT...

Ang gwapo, hula ko ay may other flag ito sa dugo... este may halo, yung half ganun.. kasi green yung eyes niya tapos ang tangos ng ilong at ang tangkad... basta ang gwapo.. ang sarap magpabunggo uli kung siya rin lang ang tutulong sa akin..

♫ You're the meaning in my life

You're the inspiration..♫

Bakit may kanta na naman???

Well, anyways kahit ganun..aabutin ko pa rin hands niya..

Aabutin ko na yung kamay niya nang may..

"Louis, I miss you.. Oh my? you're in first section?? I was in section 3" sabi ng isang mestizang babae with pouting lips habang nakaabrisete sa kanya..Maganda sana ito kung hindi lang madaming make up.Well, obvious naman di ba??? Kasi nasa harap na kami ng classroom nung mangyari yun..

♫ Sino nga ba siya sa puso mo?

At nagawang saktan ang tulad ko..♫

Shiit.. asar ha??

sino kaya yung nagpapatugtug na yun?? 

Kaysa maasar sa mga ito.. naisipan ko na lang tumayo at pumasok na..

"Toyang, may naghahanap sa iyo" asar ha??? Touella nga di ba??? Inirapan ko lang si Macey. Okay lang naman sa kanya kasi isa siya sa mga ka-close ko at halata namang niloloko lang niya ko..

Bago pa ako makapagtanong ay dumating na yung teacher namin so behave na kami...Pinakilala niya yung dalawang transferees.

And guess what???

My Pepper LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon