Full of surprises..

191 5 6
                                    

DUGDUG DUGDUG...

DUGDUG DUGDUG...

Habang papalapit ako, di ko maiwasang kabahan..Ang daming naglalaro sa brainy ko..Feeling ko, tinanan na ng puso ko yung utak ko at nag-live in na sila..

INIWAN NA NILA AKO!   T.T

hehe

Tinawanan ko na lang kalokohan ko..

Nang malapit na ako sa kanya, nagbaba na siya ng tingin at lumingon sa akin, nakatingin kasi siya sa sky nun habang nakasandal siya sa bakod namin at nakapasok yung hands niya sa pants niya.. ee gabi na kaya madaming stars na pwedeng makita..

DUGDUG DUGDUG...

DUGDUG DUGDUG...

Shiiitttt...

For Pete's sake, makisama kang puso ka...

Pero ipinagtaka ko ng tinignan lang niya ako tapos umalis na rin agad..

Hindi man lang ako kinausap??

At for the first place, bakit nandito siya??

WAAAHH~~~

Ayoko ng mag-isip....

Pumasok na lang tuloy ako sa bahay kahit gulong gulo yung isip ko..

♫ Ang puso ko'y nalilito

Nalilito kung sino sa inyo

Ang isip ko'y gulong-gulo

 Gulong-gulo kung sino sa inyo

Sino ba sa inyo ang pipiliin ko?

Dalawa sana ang pusong di na malito ♫

Hala....

Ba't may ganung tugtog sa bahay??

Pagpasok ko ng bahay.. Ang lakas ng volume ng pinapatugtog ng pamintang ito..

Oo..

Andito na si Melandi, at alam niyo kung anong ginagawa niya??

Hulaan niyo...

JOKE..

Naka-gown lang naman siya habang kumakanta sa Magic Sing ni mama..

Mahilig din kasing kumanta si mama kaya bumili siya ng ganun, sa kanya ko yata nakuha yung talent ko sa pagkanta pero si Melandi..

WALANG TALENT SA PAGKANTA!!!!!!!

Hanggang pagsayaw lang ang kaya niya na namana daw umano niya sa mga ninuno naming Beki at hindi sa magulang namin..

WAHH~~

Ang sakit sa tenga..

Alam niyo yung tipikal na sintonado na bakla??

Ganun yung kanya..

Bago pa ako mabanas sa kanya, pinatay ko na..

yung T.V....

"Aba! Efs ka talaga..Kadarating mo lang fafansin ka na.." sabi niya sa akin sabay irap..

"HOY! Melchor Junior!!! Dun ka sa music room magkalat, wag dito.. At least yun, sound proof kahit ibigti mo yung ngalangala mo sa kakakanta dun, walang makakarinig, wag ka dito..Mabubulahaw mo mga kapit-bahay natin.." sabi ko sa kanya with JUST-DO-WHAT-I-WANT look..

My Pepper LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon