Unang Kabanata: Return of Investment

464 2 0
                                    

        Dinalhan si Rafael nang mga prutas at parang naging private nurse niya si GB. Gusto ni GB tuklasin ang pakatao ni Rafael kaya kukunin niya ang damdamin nito sa pagiging mabait sa kanya at balang araw mapalabas niya rin ang tunay na kulay nito. Dinalhan niya nang librong "On the Down Low: A Journey Into the Lives of Straight Black Men Who Sleep With Men" na hindi pa binasa at nakita ni Rafael ang kabuuan ng libro at sinabi kay GB na itago lang ito sa bag niya at babasahin ito pagnakalabas na siya sa hospital.

Nagdala din siya para kay Rafael ng portable dvd at nanunuod siya malapit nito ng pelikulang " Brokeback Mountain" at nakikita niya na palihim na nagnanakaw masid si Rafael. Siya ang nagbigay ng bansag na Rafa kay Rafael dahil sa kaakit-akit na mukha nito at kakisigan na para siyang lalaking Ms. World. "Siya si Rafa ang lalaking version ni Ruffa" ang nasabi ni GB sa sarili. Nagkapalagayan ang dalawa ng loob kaya tuwang-tuwa naman si Betina dahil naging open minded nang bahagya ang pinakamamahal na kasintahan.

        Binisita nang pamilya ni Marco si Rafael at malaki ang pasasalamat nito sa kabayanihan na ginawa sa kanilang anak. Pinakita pa nang Daddy ni Marco na si Judge Serafin Limcauco ang newspaper na nahuli na ang bumaril sa kanya at minamadali nila ang kaso dahil malaki ang koneksyun nito sa hudikatora. Sa isang bahagi nang newspaper sa Headlines mismo may isa pang write up tungkol sa kanya na nakalagay "Great Triathlon Athlete and A Great Hero" at nakasulat dito ang pagkapanalo niya at pagsagip sa buhay ng kalaban sa torneo. Anduon din ang Mommy ni Marco na isa din prominent na Corporate Lawyer at nagpasalamat at naging emotional (bihira makitaan ng kahinaan ang Mommy ni Marco) sa nangyari kay Rafael. Nangaral pa ang si Judge Limcauco kay Marco sa loob ng kwarto ni Rafael na walang mapapala ang anak nito sa mga event at pakikipagsocializing. Dapat tutukan niya ang pag aaral ng abogado at matulad siya sa nakatatandang kapatid nito na isa ng Fiscal at ang bunsong kapatid na si Victor na kapapasa lang ng Bar Exam at naging rank 3 sa Bar exam.

         Tahimik lang si Marco sa panahon na yun na malimit sinasagot niya ng pabalang ang kanyang ama na nirerespeto ng lahat. Kaya lang sa araw na iyon na tameme siya dahil sa nagawang kasalanan. Ayaw ni Marco na maikot ang buhay niya sa libro ng mga batas at makipag debate kung sino-sino para lang mapatunayan kung sino ang nagsasabi ng wasto o hindi. Masaya siya maging athleta at subaybayan ang maliit na negosyo niya na fitness clinic at sports gear store. Gusto niya ng simple at hindi kumplikadong buhay kagaya sa buhay na gusto ng kanyang magulang ipamana sa kanya.

        Hindi na naituloy ang pag uwi nila sa kanilang bayan nina Rafael at Betina. Pinauna nalang niya ang nakatatandang kapatid na si Jenny at pinadala ang isang milyon sa napanalunan para ipakumpuni ang lumang bahay at pandagdag sa gamot ng kanilang nanay at tatay at sa pag aaral ng bunsong kapatid na si Joey sa high school. Malamang daw aabutin naman siya ng apat na buwan bago makapagbakasyon sa kanilang bayan dahil pagkatapos niyang gumaling ng lubusan buhos trabaho na ito at babawi sa mga oras na nawala sa trabaho.

         Tatlong linggo din nakaratay sa ospital si Rafael, binayaran ng magulang ni Marco ang pang opera at mga doctor nito at iba naman ay mula sa health insurance sa kanyang kumpanya. Maliit nalang ang naambag ni Rafael sa kanyang pagka confine. After isang buwan bumalik si Rafael sa trabaho at masipag itong nakahabol sa kanyang benta dahil kilala na si Rafael ng mga doctor at mga purchaser nga mga ospital at key accounts lalo na nang nalagay ito sa newspaper sa panalo sa triathlon at sa heroic act nito kaya buhos ang supporta nga mga doctor na nakadaupang palad nito.

        Pinatawag si Rafael ng kanilang National Manager para sa emergency meeting kasama ang iba pang mga Medical Representative na ka distrito nito. Pinag training sila at pinag briefing sa bagong produkto sang kumpanya. Ang bagong product ay para sa cancer at kailangan niya makuha ang approval nang top Oncologist sa isang sikat na Tertiary Hospital para maging speaker at resource person sa product launching ng kanilang company. Ang Doctor na ito ay maraming linkages at mga connection sa Oncology Society sa kanilang bayan at mga karatig bayan pati na sa buong bansa. Sabi Rafael kayang kaya niya gawan ng paraan. Strikto at mahirap pakitunguhan ang Doctor na ito.

B.I CYCLE (Brother I Love You)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon