Ikaapat na Kabanata: Another arm combat

252 0 0
                                    

        Hindi natuloy sa pagpunta si Marco sa apartment ni Rafael dahil na overwhelmed ito sa nangyari sa kanya ng gabing yun. Dumiretso si Marco sa kanilang bahay para ekwento sa parents niya ang nangyari. Nagrequest si Marco kina GB at Betina na mag leave siya muna for work mga two weeks para maka bonding niya ang anak pero bibisita siya on and off sa coffee and tea house to update sa sales at takbo ng negosyo kasabay narin sa pagbisita niya sa dalawa niya pang negosyo ang fitness gym sa itaas at ang kanyang sports center na katabi lang ng shop. Pinakausap niya na sabihan nalang si Rafael pag pumasok na ito.

        Sa sumunod na araw pumasok si Rafael,medyo matamlay ang umaga niya dahil hindi na nagtext or tumawag si Marco sa kanya. Kaya mag isa siya mag jogging at iniba ang rota niya para di makita si Marco. Kaya di sila nagkita. Si Rafael mag-isa ang nagbukas kasama ang apat na opening crew at isang cashier. Kahit naninibago dahil wala si Marco pinilit niya na huwag malungkot at isinubsob ang sarili sa trabaho at pakkisalamuha sa mga crew nito at ginanahan ang mga crew sa pagtrabaho dahil nakitaan sila ng kabaitan sa kanilang boss.

        May isa silang guest costumer na kinausap ni Rafael kung kamusta naman ang dinning experience sa shop dahil halos 4 times a week nakikita niya ito. Nagpakilala sa kanya ang babae na si Sweet Gonzalbo at isa siyang Wedding and Event Organizer. Kaya kinausap nito kung magkano ang package for a wedding dahil gusto niya magpapakasal na kay Betina bugso nang pagkainis at makalimutan ang damdamin kay Marco.

        "Gusto ko sweet ang simpleng kasal lang,parang sa maliit na simbahan lang at siguro aside from my family and my fiancee family mga few selected friends lang ang mag aattend. Ayoko nang maraming entourage. I want it to be solemn,simple and memorable wedding. Ang importante naman ang pang matagalan na relasyon diba?" sabi ni Rafael kay Sweet.

        "Oo naman,actually as a wedding planner ang dami ko nang pinag serve na mag-asawa,may sobrang engrande at sobrang mahal ng gusto ng mga couple,pero during the wedding ceremony makikita mo talaga sa mata ng ikakasal kung masaya ito sa napangasawa or masaya lang dahil sa event ng kasal. Wedding today becomes an entertainment rather than a vow and tangible commitment. By the way Sir Rafael right? I have a package here para sa simple yet elegant wedding. 60 People including the family of both parties. If you only have One best man, One groom's man, One bridesmaid, 1 maid of honor and 1 flower girl and a ring bearer I think the package that I am offering you is economical yet maganda. 385k total package including sa Church preparation and decorations, Reception area is free dahil family own garden namin yun, Bridal Car, We have our own host, bouquet,pictorial and videos,we have fireworks display na 2minutes at wedding dress and for the entourage, food. It is practical and enchanting parin dahil ang venue nang reception para siyang butterfly sanctuary pero open siya at napalibutan ng mga man made waterfalls at mga flowers and ornamental plant. I can bring you there sir anytime you want." dagdag ni Sweet habang pinapakita ang mga brochure ng mga wedding na kanyang natapos.

        "Sige Sweet thank you, I think I have to consider that! (tinuro si Betina na nakatayo sa counter) ang girl sa counter na gumagawa ng coffee is my future wife. Kanina pa nakatingin sakin,please don't tell her kung anu pinag-usapan natin dahil this is a surprised to her. I hope you can keep this between you and me muna." pakisuyo ni Rafael kay Sweet. "Sure sir you have my trust and confidence with regards to that matter. You are a perfect couple,ang ganda ng fiancee and ang gwapo niyo din sir" gusto ilibre ni Rafael si Sweet pero nag refuse ito dahil business is business.

        Matapos mag-usap ni Rafael si Sweet lumapit ito kay Betina at sinusuyo at nilalambing ang kasintahan. Dumaan sa tabi nila ang isang crew na si Alicia na medyo may pagka kenkay at nagbiro nagsabi "Excuse me Sir with due respect,House rule no. 17 section A po, No public display of affection. Subordinates has the right to remind anyone to call the attention of the party involve." Ngumiti nalang sina Betina at Rafael sa sinabi ng crew.

        Magkasabay na nag lunch sina Betina at Rafael at first time after ng kanilang engagement na magkasabay sila maglunch dahil pag nanduon si Marco inaagaw nito ang atensyon ng kasintahan. Maligaya si Betina dahil wala si Marco na distorbo para sa kanya at napakaingay pa kung nasa shop.

        Pagkatapos kumain bumalik sila sa trabaho at inayos ni Rafael ang gamit para umuwi at magpahinga at susunduin ulit si Betina para makapag dinner date sila. Pinag packed siya ni Betina ng sandwich para may makain ito pag gising niya after mag catnap.

        Paglabas ni Rafael sa shop, nakasabay niya si Jared na ka log-out lang dahil nag pang umagahan na shift ito. Ihahatid na sana ito sa kanilang bahay ni Rafael, pero nagsabi si Jared na pupunta siya sa gym kung saan active siya na nag aarnis. Kaya sinabayan siya ni Rafael at titingnan ito dahil parang gusto niya rin matuto dito. " Ilang taon kana ba nag aarnis Jared? Bakit hindi ka doon nag gym sa itaas ng coffee and tea house, free naman kay Marco ang pag gamit ng fitness center niya sa lahat ng mga employee namin ah?" tanong ni Rafael habang nagmamaneho. "Matagal na Sir since highschool pa kasi yun ang sport na sinalihan ko, pero dito sa gym na ito almost 3 years na po ako. At mas gusto ko po ito compared sa muscle building kasi self defense na ito help pa po para maging flexible ang mga mga reflexes ko po! Subukan niyo Sir, promise mag eenjoy kayo!" sagot ni Jared.

           Sumabay si Rafael kay Jared sa gym at nakita niya na maraming babae, bata at mga ka edad niya na nag papractice ng Arnis. Kinausap siya nang instructor na kilala sa tawag na Master Bondjik at naenganyo naman si Rafael ang subukan ang ganitong uri ng palakasan at lalo na ang disiplinang mapupulot niya dito.

               Pag-alis niya palabas ng gym,nakabasa siya ng text galing kay Marco "Pare, if you are not busy please call me urgent, I need your help!"

B.I CYCLE (Brother I Love You)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon