Unang Kabanata: It started over coffee and tea

401 0 0
                                    

         Maagang ibinalik ni Rafael ang mga company properties mula sa product shirts, sample medicines, mobile phone, company literatures. company i.d at mga promo materials. Mabilis naman inayos ng admin ang kanyang exit interview at niliquidate ang mga nagasto niya na latest at pinaghintay lang siya ng dalawang oras para ma bigay sa kanya ang Certificate of Employment at ang last pay niya kasama na ang separation fee at isang taon na sahod ay ibibigay na rin.

         Pagkatapos maayos ang lahat ng endorsement ibinigay nang HR ang last check na nagkakahalaga ng 625,000 pesos sa six years na service including 12 months salary at 13th at 14th month pay kaya natuwa narin si Rafael nang makita at mahawakan ang cheque. Pinaperma  siya ng HR ng quick claim form at binasa ni Rafael at pina-intindi ng HR na hindi siya  mag hahabla at malaking bagay na rin ang cheque na ibinigay at sobra pa nga ito kung tutuusin at the same time puede niyang magamit ang company as reference sa future job niya. Kaya hindi na nagpatumpik tumpik pa si Rafael at pinirmahan ito at nagpaalam sa mga kasamahan nito na nasa isang room na nag-meeting at medyo dinistorbo sila ni Rafael ng makadali.

        Napaiyak pa ang isa nitong matalik na kasamahan si Tanya na kasabayan ng mag apply hanggang sa matanggap ito sa kumpanya. Ang isa kasabayan na lalaki na si Diggy ay binigyan siya ng business card at bumulong na baka sakaling gustong niyang bumalik sa Pharma Industry ang pinsan niya ang District Manager nang isang sikat din na Multi-National Company at naghahanap ito ng tao. Nagsabi si Rafael na "Hindi siguro muna,magpapahinga ako at ayaw ko na rin sa industriyang ito,nakakapagod lumuhod at makiawa sa isang prescription nang doctor at grabe pa ang pulitika! Basta ingat kayo Pare" tinapik si Diggy at niyakap si Tanya at umalis.

       Dumiretso si Rafael sa malapit na branch ng kanyang bangko at ipinag-deposit ang cheque. Matapos ng transaction tumalikod siya sa bank teller at humarap patungong pintuan palabas ng banko. Binuksan ng guwardiya at nakakasilaw ang reflection ng sinag ng araw dahil sa silver na Ford Everest na nakaparada. Natakpan lang ito nang may pumasok na isang gwapo,matipuno at mestisohin na lalaki na sin-tangkad din ni Rafael na unti-unti tinatanggal ang shade.

         First time na tulala si Rafael at napahanga sa kapwa niya lalaki. Nagulat siya nang kinabig siya ng lalaki at malakas na nagsabi "Pare Rafa! Long time no see! ". Biglang napatingin ang mga nasa loob ng banko sa lakas ng boses ng lalaki. Kanya lang nabanaag ang mukha nito ng niyakap siya ni Marco. Dahil sa mahigpit na yakap ni Marco si Rafael ay parang nakabalik ito sa sirkulasyon ng pag-iisip. Nakilala nya si Marco at napalakas din ang pagbati ni Rafael na nangangamusta.

        Sinabihan ng guard na sa labas mag-usap. Humingi ng paumanhin si Marco at nagsabi kay Rafael na hintayin siya sa labas at kakausapin niya ito dahil magdedeposit din lamang siya ng mabilis. May dalawang babae na cliente din nang bangko na tinakpan ang bibig ng panyo at ni-lilibak si Marco at Rafael.

        " Ang taray naman ng lolo mo te? Vicky Rushton ang peg (referring to Rafael) ! Nasilaw sa kay Daniel Matsunaga( referring to Marco) narinig ito ni Marco habang papuntang teller no.2 at nasabihan ang dalawa " El Shaddai pa naman ang panyong pang takip mo Miss dapat dasal ibulong mo diyan at hindi chismis!" Hindi na kumibo ang dalawa at dumiretso sa pagtransact si Marco sa teller. Bago ito lumabas kumindat ito sa dalawang babae at lokong nagsabi "Oh my welga sa Plaza Miranda baka gusto mo lumarga Wanna Change!" tinutukoy ang babae na may hawak ng panyo at napahiya ito.

        Medyo haharangin pa sana ng guardia si Marco nagsabi ito nang "Gusto mo kasuhan ng serious illegal detention? Non-bailable yan! Makuha ka nalang sa tingin!" walang nasabi ang guwardiya at pinalabas ito.

Si Marco ay lumaki na brat. Nag-aral sa sikat na mga eskwelahan pero lumaki ito na parang tambay at galawgaw dahil kalimitan sa makakasalamuha nito ang mga driver sa mga jeepney sa labas ng school nila at mga batang kanto at istambay kaya malapit ito sa mahihirap kahit mukhang astig lang ang pagmumukha nito.

B.I CYCLE (Brother I Love You)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon