Unang Kabanata (Triathlon)

1.3K 10 0
                                    


         Isang malakas na pilantik at putok galing sa blank pistol na hudyat nang simula ng Triathlon event. Nang marinig ng mga kalahok ang senyales tumakbo sila nang mabilis patungong dalamapasigan at dumiretso sa dagat na nag uunahan para makalangoy.

            Maganda at maaliwalas ang panahon at hindi masyadong maalon habang tinatahak ng mga kalahok ang dagat at lalanguyin ang 1.9 kilometer na distansya patungong pampang. Merong dalawang kalahok na pinulikat habang lumalangoy at kinuha ito nang coast guard at medical team na naka-abang ng maigi sa mabigat na palakasan.

             Mainam ang kondisyon ni Rafael dahil isang taon niya itong pinaghandaan ang torneo at lubos ang kanyang katiyakan na kahit manlang maging pangatlo siya sa papalaring winner. Inaalay niya ang larong ito sa kanyang Kuya Dave na dati ring masugid na sumasali nang ganitong palakasan, maliban nalang nang nakaraang dalawang taon kung saan namatay ito sa isang hindi inaasahang aksidente habang binabagtas ang paakyat na bundok gamit ang mountain bike at naapakan ito ng isang bus nanawalan ng preno pababa ng bundok at tumilapon ito pababa ng matirik na bangin.

            Kada dalawang taon lang ginaganap ang Triathlon Tournament kaya marami na mga sports enthusiast ang umaabang dito. Maliban sa Two Million na premyo, ang respeto na matatamo sa kapwa athleta ay pawang nakakabu-o ng iyong pagkatao para kilalanin at dakilain sa mundo ng palakasan. 

                Mula Elementary, High School at College si Rafael sikat na siya sa bayan niya sa Bulacan dahil maraming beses siyang naka tamo ng gintong medalya sa Palarong Pambansa. Miyembro din siya ng Philippine Team at ilang beses din nakakuha ng Gold at Silver medal sa Asian games kaya hindi din basta basta ang track record nang binatang ito. Natigil lamang siya sa Philippine Team nang nakapagtrabaho siya sa isang Multi-National Company bilang Medical Sales Representative subalit patuloy parin siyang aktibo sa sports sa pamamagitan ng pagturo ng swimming lesson bawat sabado sa  public Elementary at High School malapit sa kanilang bayan. At tuwing linggo kasama niya naman ang kanyang girlfriend na si Betina at mga kaibigan ito at nag mountain biking.

                Ang kalakasan ni Rafael ay ang kanyang endurance at kagila-gilalas na liksi dahil maliban sa pagiging Marathon Athlete noon, ilang beses din siya nanalo sa sprint running at bihira lang ito sa mga athleta.

              Binabantayan at inaabangan ng mga media at spectators sa Triathlon Tournament ang dalawang beses na nag champion na si Marco Limcauco na isa din young professional na graduate ng De La Salle University at mahilig sa extreme sports, car racing at higit sa lahat ang Triathlon. Mas may edad lang nang dalawang taon si Marco kesa kay Rafael. Si Rafael nasa edad na 28 samantalang si Marco ay nasa 29 na at nag 30 years old lang siya sa araw din ng torneo.

            Inaabangan din nila kung ma beat ni Marco ang kanyang personal record sa larong ito at makagawa ng bagong record sa Triathlon event sa taong ito. 

             Naunang umahon sa dagat si Marco at tumakbo ito diretso sa kung saan nakalagay ang mga mountain bike para sa susunod na stage ng event at mabilis itong nag bike. Sumunod sa kanya si Winston na parating karibal ni Marco at pumapangalawa parati sa kanya sa dalawang beses na pag compete sa larong ito.

         90-kilometers (56-mile) bike at susunod  21.1-kilometer (13.1-mile) na pagtakbo. Nasa pang anim lamang si Rafael habang nag mountain bike ito. Natatanaw niya sa kaniyang pagdadaanan ang mukha nang kuya niya kaya hindi ito nakaramdam ng ano mang pagod bagkus mas lalo silang tumutulin sa pagbisikleta hanganga naging pang tatlo siya sa mga nag bibisekleta sa isang daan at limampu't limang kalahok.

       Natapos nang mauna ni Marco ang stage two na may 4 minutes distance sa pumapangalawa sa kanyan na si Winston. Mabilis na tumakbo si Marco pero nakikitaan na ito nang pagod. Nahabol ni Rafael si Winston kaya pumapangalawa na ito kay Marco. 

        Malaki ang kinagulat ng mga nanunu-od at organizer nang event sa baguhang athleta na si Rafael sa pinapakita nitong kagalingan sa laro at hindi banaag sa mukha nito ang pagod at hirap mula sa paglangoy, pag bisikleta at sa huli ang pagtakbo. Nang umabot na sila sa ikalimang kilometro papalapit sa finish line binilisan ni Rafael ang takbo hangang mapang-abot sila ni Marco sa ikatlong kilometro papunto sa huling yugto nang takbo. Naungusan ni Rafael si Marco hangan lumaki ang agwat nito sa pagtakbo at umabot ng 300 metro ang layo ni Rafael sa kanya.

          Nagpalakpakan ang mga tao nang malapit na si Rafael sa ika isang daang metro patungo sa finish line. Nanduon nakaabang ang kanyang matalik na kapatid na si Jenny at ang girlfriend nitong si Betina kasama ang kaibigang si GB na hindi pa nakikila ni Rafael. Ibinigay ni Rafael ang huling lakas nito sa pagtakbo. Nagtatapon ang mga tagapanuod ng mga bulaklak sa tinatakbuhan ni Rafael at nang dumating siya sa finish line masigabong fireworks at binigyan siya ng bouquet of flowers at binigyan ng malaking Gold medal habang hawak-hawak ng dalawang kamay at itinataas ang malapad na ribbon na parang gawa sa tela na may nakalagay na Triathlon Champion.

               Nakapagtala si Rafael ng 6 hours ang 35 minutes at bagong record ito sa ta-unang event samanthalang nasa pangalawa si Marco na na break niya rin ang personal record na 6 hours and 45 minutes dati at nakakuha siya ng 6 hours at 43 minutes sa karera.

              Nilagay ni Rafael sa leeg ng kapatid niyang si Jenny ang telang hinahawakan niya sabay turo sa itaas para pasasalamat sa Diyos at napaluhod ito at medyo pumatak ang luha dahil na alala niya ang kanyang Kuya Dave na namatay. Hinawakan ni Betina ang kanyang dalawang kamay at pinatayo ito at niyakap si Rafael at humalik si Betina sa pisngi ng boyfriend habang sabi sabi na "I am so proud of you baby, I love you!" binigay ni Rafael ang bouquet sa girlfriend at kinarga nito paakyat ng stage habang nakahintay sina Marco at Winston sa itaas para sa awarding.

                 Tumayo sa tabi ng boyfriend si Betina habang hawak hawak ang kamay nito sa kanan at itinaas nito ang kamay ng girlfriend at hinalikan. Nagpalakpakan ang tawo at natuwa lang sina Marco at Winston sa ginawa ni Rafael at Betina.

                 Ibinigay ng Organizer ang napanalunang cheque ni Rafael na nagkakahalaga ng 2 Million pesos at trophy kasabay bigay ng isang bote ng wine. Ganun din kay Marco at Winston. Binuksan ni Marco ang wine at pinag shake ito at biglang umalwak ang wine at pinaligo ito kay Rafael at Winston at sumunod naman na ginawa ni Winston at Rafael ang pagbukas ng wine at pinaligo nila habang nagkakatuwaan sa itaas ng entablado. Pagkatapos may naiwan pang laman sa wine at nag cheers sila at ininum ito. Hinawakan ni Rafael ang kamay ni Marco at itinaas ito at binitawan at nag bow sa harap ni Marco at pinalakpakan para tanda ng respeto sa magaling na athleta. 

               Pumalakpak ang lahat ng mga tao at napahanga sa sportsmanship na ipinakita nang mga kalahok at sinabayan ito nang malakas na fireworks display at nagkatuwaan ang lahat sa ingay ng mga tambol, fireworks, musika at palakpakan ng mga nanduon.

             Pinag interview pa si Rafael nang National News sa tv at tinanong sa pinakitang kagalingan sa Triathlon event at kung paano niya natalo si Marco. Mahinahon at mapagkumbabang sinagot ni Rafael ang tanong na "Determinasyon, Pag-ibig at Inspirasyon" gusto pa sanang palawakin ng newscaster ang sagot ni Rafael subalit nanaug na ito sa entablado at lumapit sa kapatid na naghihintay sa baba at ibinigay sa kanya ang hawak na telepono para kausapin ng kanyang mga magulang para ma congratulate ito sa pagkapanalo. 

           Mabilis lang ang pagsalita ni Rafael sa kanyang Ina na gusto sa din ipakausap ang kanyang Ama pero sabi ni Rafael hindi niya na kakausapin ang kanyang Ama dahil luluwas naman ito sa darating na Sabado at Linggo dahil long weekend dahil Holiday sa Monday.

            Nagkatitigan lang si Jenny at Betina sa malamig na pagtugon ni Rafael sa kanyang Ina lalong lalo na sa kanyang Ama. 


B.I CYCLE (Brother I Love You)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon