Unang Kabanata: Thank you for Hiring and Firing me!

389 1 2
                                    

              Ikinuwento ni Rafael ang pinauutos sa kanya ng kanyang company at ang ginawa sa kanya ng Doctor. Nag-iyakan silang dalawa dahil napaisip nila na ang hirap pala kahit saan mo ikutin ang mundo meron talagang mga taong gusto makaisa at gamitin ang kanilang kapangyarihan para makalamang sa kahinaan ng iba. Naintindihan ni Betina ang boyfriend bagkus mas lalo niyang minahal dahil napaglabanan niya ang kamunduhan kapalit ng magandang position sa trabaho. Nasabi din ni Betina kaya siya umiiyak dahil nasundan niya ang nobyo papasok sa kwarto ng Doctor. Sorry ng sorry si Rafael nanakaluhod ito sa kanyang harapan habang hinahawakan ng nobya ang pisngi at pinapatahan ito at niyayakap ng maghigpit.

           Nang sumunod na araw tinawagan ng National Manager si Rafael kung kamusta ang pag cover niya sa Doctor at dinner nito at kung ano ang development kasi sasusunod na linggo na ang product launching at si Doctor Samuel lang ang makakapaghatak at maka pag influence sa mga kasamahan nito sa kanilang Society of Oncologist.

          Hindi ikinuwento ni Rafael ang National Manager kasi ayaw niya lagyan pa ng kung anong malisya at baka isipin ng kanyang National Manager na gawain niya yun kaya lumalakas ang kanyang benta. Binigay ni Rafael ang number ng Doctor at sinabi nalang sa Boss niya na hindi niya kayang mapa yes ang Doctor dahil mas gusto nito kausapin ang mga Big Boss ng kumpanya kasi hindi basta basta mag endorse ng product lalong lalo na na ito ay raw(bago) palang sa market kahit may mga study na ito sa abroad at local study dapat parin pag-isipan ito ng maigi kasi gagamitin ito sa pasyente at may kaakibat na responsibilidad ang bawat gamot na binibigay dito. Yan ang naisipi na alibi ni Rafael sa kanyang Boss kaya napaniwala niya ito.

        Pinuntahan ng National Manager and Doctor at naghintay ito ng isang oras dahil may tinatapos pa itong chemotherapy. Pinapasok siya ng secretary ng Doctor at nagpakilala ang National Manager at pinakilala ang kanilang kompanya at ipinabatid din sa Doctor na bumisita na si Rafael sa kanila. Medyo may kaba ang Doctor kasi baka may nasabi si Rafael tungkol sa kanya. 

      Sinabi ng National Manager na si Mr. Ronald de Vera na pumunta siya bilang tugon sa sinabi ni Rafael na gusto daw siya makaharap ng Doctor. Nakipagkwentuhan silang dalawa ng Doctor. Sabi pa nang Doctor gusto niya rin si Rafael tulungan pero masyado daw itong agresibo at gusto niya agad-agad at hindi raw marunong magpakumbaba at hindi magalang. Nasabi niya na presko ito at nasabi niya sa kay Mr. de Vera na kaya niyang tulungan ang kumpanya kung masisigurado niya na sisibakin si Rafael sa trabaho.

      Medyo nalito at naguluhan si Mr. de Vera dahil magaling na empleyado si Rafael at taon-taon employee of the year ito. Pero pagpinakawalan niya si Doctor Samuel malaki ang mawawala sa kanila at kailangan pa naman ang endorsement nito dahil National Product Conference ito at masasayang ang pinaghirapan ng kompanya. Kaya sinabi niya kay Dr. Samuel na gagawan niya ito ng paraan para matanggal si Rafael sa kanyang trabaho at yun ang compromised agreement nila.

       Bumalik si Mr. de Vera sa office at nagpatawag ng close door meeting sa kanilang administration habang si Rafael walang kamalay-malay na nag lunch out kasama ang dalawang kaibigan na surgeon. Matalik niya itong mga kaibigan dahil sa tagal niya sa industry ng pharmaceutical and dalawang ito mula pa ng Resident Doctor pa tinutukan niya na ito at ginagawan ng maraming pabor. Naekwento nya na rin ang sekreto na nangyari sa kanya sa kamay ni Dr. Samuel pero nirequest niya ang mga ito na huwag na ikalat at napabiro niya pang sabihin na baunin nalang ito sa kanilang hukay dahil wala naman nangyari at di na man daw nakain ni Donkey Kong ang saging.

               Binusisi lahat ng records ni Rafael at tinawagan ang previous company niya dati na isang local company. Nakalagay kasi sa curriculum vitae ni Rafael na isang taon itong nagtrabaho sa kanya pero 8 months lang ang exact na sinabi ng dati nitong employer. Tapos may isang perma ang Doctor sa coverage form nito na binura ni Rafael. 

                 Tinawagan nila si Rafael at pinagreport ito ng opisina. Mabilis pa sa alas-kwatro ang pagdating ni Rafael. Narinig nila sa labas ang isang Medical Representative na kinu-congratulate ng mga admin staff dahil siya ang papalit sa kay Rafael. Pero nag expect si Rafael na baka ma promote siya kasi mayumi parin ang ngiti ng mga admin sa kanya.

                 Pinapasok siya sa loob ng office ng HR kasama ang National Manager at pinapaliwanag ang mga natuklasan tungkol sa kanya. Inamin ni Rafael na 8 months lang talaga siya sa previous company at ginawa niya nalang 1 year kasi parang round off ito at beside sinabi niya na dapat noon pa tinawag na ang kanyang attention bakit ngayon lang. Sinabi lang ng HR na hindi daw ma contact dati ang kanyang employer. Tapos tinanong siya kung bakit binura niya ang perma ng isang Doctor sa kanyang coverage form. Sinabi niya honest mistakes iyun dahil nag perma ang Doctor sa maling pangalan kaya binura niya ito. Pero pinilit nilang sabihin na forgery ang ginawa ni Rafael at dalawang violation of dishonesty means termination from the job.

                Since ayaw ng gulo ng kompanya at dahil mabait naman at magaling si Rafael mula nang nagsimula ito pinapili nalang siya na mag resign or ilipat ang kanyang lugar sa Zamboanga. Kaya alam ni Rafael na demolition job ang ginagawa sa kanya. Hindi niya lubos maisip na sa anim na taon na ginugul niya sa kompanya at sa mga sales nabininigay niya sa company kaya silang patalsikin ng basta basta. 

             Pinaasa naman si Rafael na bibigyan ng kanyang bonus at lahat ng kanyang compensation and separation benefits pag pinili niya ang resignation. Hindi na nag-isip si Rafael na masama ang loob at sabi niya na mag reresign siya at mag eendorse siya ng lahat company property maliban sa sasakyan na ipinangalan at ibinigay na sa kanya. 

             Bago lumabas si Rafael sa opisina nasambit niya pa sa kaniyang Boss at HR Manager na "Thank you for Hiring and Firing me!"

B.I CYCLE (Brother I Love You)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon