Ikaapat na Kabanata: "Betcha By Golly, Wow"

256 0 0
                                    

        Matagal na nag-usap sina GB,Marco at Rafael sa nangyaring pagpunta ni Princess at di mawari ni Marco kung ano ang pakay nito dahil almost 6 years na sila di nagkita nito at nasa Bahamas na ito namuhay kasama nang napangasawa niyang Belgian national. Dinitalye ni GB ang nangyari at sinabihan si Marco " It's time to face that wicked witch Marco para ma rectify ang issues ninyong dalawa, hindi sa lahat ng oras makapagtimpi ako, baka babalik ulit yan dito and ill make sure na paliliguan ko siya ng kumukulong mantika na may mani to make her a peanut butter sandwich!" Sinabi ni Marco na kakausapin niya at tatawagan ang brother ni Princess ta kasamahan niya sa Gun club nila para makausap ang ex-gf.

        Tumulong sina Marco at Rafael sa closing ng store at nagrequest na if puedeng si GB ang mag opening shift bukas at nakisuyo na tawagan daw ni GB si Betina to come early too kasi sasamahan ni Rafael si Marco sa condo para may makausap dahil in state of confusion ito sa nangyari at he badly need a companion tonight.

        "Dapat Rafael ikaw ang tumawag kay Betina,aawayin ako nun and I bet magtatampo dahil ikaw ang boyfriend niya at ako pa ang ginawa mong messenger! Hindi ako kartero or mensahero na kagaya ni Mercury! Isa akong Diyosa na si Athena!" paliwanag ni GB.

        "Kaya mo yan babe, do me a favor okay, sabihin mo kay Betina it's my request. Don't worry i'll buy you three boxes of Athena birth control pills para lumaki ang dede mo na parang kutsenta ang laki" pagsusuyo ni Marco kay GB habang niyayakap ito.

        Napa yes nalang si GB at tiningnan ng may halong malisya si Rafael at nag wika sa kanya na ng pabulong " never hurt my friend Rufa! I mean Rafa" at umalis ito na nag beso kay Marco at iniwan silang dalawa ni Rafael.

        Umalis din sila after 10 minutes pagkatapos tiningnan ang sales report of the day at inayos lang ang pera sa vault.

        Ang kotse nalang ni Marco ang ginamit at iniwan nalang ang kay Rafael. Dumaan sila sa isang convenient store para bumili ng beer para mag inuman silang dalawa.Paglabas sa convenient store habang naka yuko si Rafael na bangga siya ng balikat ng isang lalaki na may kasama din lalaki. Muntik matumba si Rafael at sa nakita ni Marco nilagay ang mga binili sa sahig at tinulak ang dalawang lalaki na nagbabadyang magsuntukan. Nag sorry ang dalawa at biglang na recognized ang boses ng lalaki ni Rafael at napatingin dito. Nagsabi ang lalaki "Rafael!" nagulat si Marco at magkakilala pala ito. Tapos niyakap siya nang makadali nang lalaki na si Elijah at pinakilala niya ang kasama niyang si Patrick na boyfriend niya. "Patrick this my ex Rafael" biglang nagsalita si Rafael para bawiin ang sinabi ni Elijah. " Oh pare! Ex boardmate kami dati diyan sa Morayta ng college days" at nakuha sa tingin si Elijah at naintindihan ang dating ex-boyfriend niya at pinagsabay kay Betina. Nag shake ng hand si Elijah at Patrick kay Marco at nagsabi pa kay Marco " I love your rudeness and It makes you hot".

        Kinuha ni Marco ang binili at di pinansin ang sinabi ng dalawa at dumiretso sa kotse. Sumunod si Rafael at parang nahiya at natakot at baka may naramdaman si Marco sa pagkatao niya. Tumayo siya sa harap ng umaandar na kotse at di alam kung papasok or hindi. Lumabas si Marco at binuksan ang pintuan para sumakay si Rafael at bumalik sa kotse at malakas na nagsabi "Sakay na pare! 1am na!" at pumasok kaagad si Rafael at umupo at balisa. Bago umabante ng kotse hinawakan ni Marco kamay ni Rafael at pinisil at nagwikang "Okay lang yun pare,huwag ka nang mag explain! Magpakalasing tayo" unti unti tinanggal ang kamay at pinindot ang mp3 player at nag play ang kanta ni Prince na Betcha By Golly Wow.

        Sinusundan ito ng pagkanta ni Marco habang si Rafael tumatahimik at patingin-tingin sa madadaanan.

        Magkahalo ang kanyang emosyon. Gusto niyang lumundag sa kotse sa takot sa nalalaman ni Marco. Ang hindi niya alam walang pakialam si Marco kung anu man pagkatao ni Rafael basta huwag lang ito ekwento at sabihin ng harapan sa kanya dahil mas mainam na wala siyang alam at kung may pagdududa man ang importante huwag bigyang ng pansin at manatili kung ano ang nasa harap niyang pagkakilala sa kaibigan.

        Dumating sila mga 1:20am sa condo ni Marco dahil mabilis ito magmaneho. Sa likod na pintuan ng condo ni Marco ay swimming pool kaya nagdala lang ng dalawang bathrobes si Marco at hinanda ang kanilang iinumin at nilagay ito sa bucket na may maraming ice cube. Dumiretso maligo si Rafael sa pool dahil medyo maalinsangan ang panahon. Pagkakita ni Marco na naunang nag swimming si Rafael mabilis na tinapos ang pag-ayos ng table na iinuman nila at mabilis na naghubad ito nang buong damit. Napatingin ulit si Rafael dito at nagsabi "Buang ka talaga! Exhibitionist ka!magsuot ka nga baka may makakita sayo!" di pinansin ni Marco ang sabi ni Rafael at lumundag ito sa pool malapit sa kanya at niyakap si Rafael dahil malamig daw ang tubig.

        Pilit na iniwas ni Rafael na iiwas ang pagkadikit kay Marco dahil may nararamdaman niyang parte ng katawan ni Marco na tumatama sa kanyang left butt. Kaya lumangoy ito palayo at umakyat at sinuot ang bath throb at uminum ng beer para makaiwas kung aksidente man,sinasadya or pinagtitripan naman ulit ito ni Marco at ayaw niyang magpahalata na nagugustuhan niya ito at baka kinukuha lang ni Marco ang kanyang damdamin para tuluyan itong umamin.

B.I CYCLE (Brother I Love You)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon