Huling Kabanata: Spread your wings and prepare to fly

346 4 4
                                    

           "Tito kainin mo itong apple dala namin ni Daddy para sayo, bilisan mo ang pag galing and I will beat you on running, swimming and biking" cute na pagkasabi ni Jaco habang nakahiga si Rafael na tuluyan nang magaling at inihanhanda ang sarili para makalabas na sa ospital. Nagpakarga si Jaco sa kanya habang nakangiti si Marco at kinukunan ito ng picture at nag post sa instagram at nilagyan ng caption "My son Jaco and my sibling Rafael with no rivalry"

         " Kaya pala tinatanggap ng katawan mo ang dugo ko kasi magkapatid tayo, kung ano pala ang dumadaloy na dugo sakin ganun din ang sayo Rafael" sabi ni Marco habang sinishake ang ulo ng kapatid na si Rafael habang kumakain ng apple at karga karga sa lap niya ang pamangking si Jaco.  

        Binigay na ng nurse ang clearance para makalabas si Rafael kaya si Marco na ang nagtulak sa wheel chair kay Rafael. Puede naman makalakad si Rafael kaso gusto ni Marco pagsilbihan ang kanyang kapatid at baka magkaroon ng dizziness ito dahil hindi na masyado naka pag ambulate at sa ospital at panay lang higa ito.

            Pinili ni Rafael na umuwi muna sa kanilang bahay sa Bulacan para makapagpahinga.Sumabay naman si Marco at Jaco dito para mapakita kay Jaco and ilog na parating kinukwento ni Rafael sa kanya.

          Tuluyan ng gumaling si Rafael at wala naman itong any restriction sa activity at ikinakatuwa nga ng doctor na mahilig ito sa sports event kaya mas lalong lumakas ang muscle ng kanyang puso at breathing pattern nito. Aside pa sa tulong ng Diyos malaki din ang tulong na athletic si Rafael dahil nakayanan niya ang maselang operasyon sa kanya.

                     Mga ilang araw hindi na magpapigil si Rafael na bumalik sa trabaho at na miss na niya ang kanyang negosyo at makausap niya si Betina. Kaya pinayagan nito ng kanyang kinilalang ama na si Mang Ramon at nanay nito na si Letty. 

           Masayang winelcome ng mga tauhan nila si Rafael sa pagbabalik sa shop at ipinaghanda siya ni Betina ng paborito nitong chocolate cake na may nakalagay "Congratulation and you made it" Nagkausap si Betina at Rafael at nagpasalamat si Betina dahil sa pagkaligtas ng buhay nito at nagpasalamat naman si Rafael dahil sa kay Betina nagising ang kanyang kaisipan at buong pagkatao na harapin ang buhay na dapat niyang tatahakin.

              May tatlong buwan pa bago mag main triathlon event kaya puspusan ang practice, work out at pag aarnis ng magkapatid na Marco at Rafael dahil gusto nila na masungkit ulit ang victory sa ganitong laban. Gusto ni Marco patunayan sa kapatid na tiyamba lang ang kanyang pagkapanalo sa last year event.

             Dumating ang araw na kinahihintay nilang lahat. Mga 300 ang nagparticipate na athleta sa Triathlon event sa iba't ibang daku ng bansa at meron din mga banyaga na sumali dito. Sa unang hirit palang ng paglangoy magkasabay na nangunguna ang magkapatid. Malaki ang expectation ng mga tao na isa itong matinding paglalabanan ng dalawang champion. Sinasabi ng press na kailangan walang kapatid kapatid sa palakasan na ito at dapat patunayan talaga nila kung sino ang mas mabilis, maliksi, magaling at madiskarte.

              Halos magkasabay din sa pag bike sina Marco at Rafael at pabugso bugsong nauna kung minsan si Rafael at kung minsan si Marco din. Ngumingiti lang silang dalawa. Pero napagpasyahan nila sa sa huling event na pagtatakbo make sure nila na tunay na laban na ito at wala na talagang consideration at labanan na kung labanan.

               Nauna sa pagtakbo si Rafael kay Marco at may distansya na 100 meters ang layo nilang dalawa. Pero pinipilit ni Marco maabot ang kapatid hanggang naging 50 meters nalang ang kanilang distansiya at si Rafael ang nangunguna at siya ang pumapangalawa. Maraming nag sisigawan na huwag magpaubaya at laban kung laban walang kapatid kapatid. Ngumingiti lang si Rafael at Marco tuwing maririnig ang mga ganitong cheer at yell mula sa mga spectators.

                Nang malapit na sila sa finish line umabot ulit sa 100 meters ang distansiya ni Rafael kay Marco at sa finish line natatanaw ni Rafael si Betina na nakabestida na puti na parang ikakasal at may hawak na dalawang rosas isang puti at isang pula at nag release ng limang paruparu sa hangin at lumipad ito palayo. Napatayo si Rafael ng nasa 50 meters away nalang siya sa finish line at ayaw na ituloy ang pagtakbo at lalakarin nalang para pagbigyan ang kapatid na si Marco na nasa likod nito. Nang malapit na si Marco sa kanya. Inakbayan ang kapatid at hinila ito na tumakbo silang magkasabay.

               Nagpalakpakan ang mga tao sa natanaw na pagtakbo ng magkakapatid na nakaakbay at nang  dalawang step nalang para sa finish line tinulak ni Rafael si Marco para mauna ito makatapos at sumunod si Rafael at naging champion si Marco sa paligsahan at pumangalawa si Rafael. 

       Binigay ni Betina ang puting rosas kay Rafael at nag kiss ito sa pisngi at nagsabing "Congratulation" at tapos naglakad palayo si Rafael na inaakbayan ng kapatid na si Marco at palingon lingon ito kay Betina na tumatayo parin sa finish line na may tumutulong luha ng tuwa ito. Lumingon si Rafael ulit at nakita nilang dalawa ni Marco si Betina na niyayakap ni Nathan na pang labing walong na kalahok na nakatapos sa triathlon at binigyan ng pulang rosas si Nathan ni Betina na ibig sabihin nito tinatanggap ang pagmamahal ni Nathan.

               Inakbayan ni Marco si Rafael at patuloy na naglakad papalapit sa kanilang pamilya at narinig ni Rafael sa unang pagkakataon ang sigaw ng kanyang kinilalang ama na si Mang Ramon na nagsasabing "Anak ko yan si Rafael! Anak ko yan!" at tumakbo ito papalapit kay Mang Ramon at niyakap ito ng mahigpit kasama ang kanyang nanay na si Letty na karga karga ang dalawang buwan na baby na kapatid. Habang karga karga ni Marco si Jaco at nagsabi kay Rafael na sa kanyang harapan "Pare mahal mo nga ako"

                                                                             -The End-

B.I CYCLE (Brother I Love You)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon