Ikalimang Kabanata: Please forgive me, I can't stop loving

266 1 0
                                    

        "Back off pare! I mean I am sorry, what did you say? I am a little confuse here!,please help me muna, I am bleeding! Meron diyang first aid sa loob ng mirror sa banyo pakisuyo pare" pagtatakang pagkasabi ni Marco habang bumabangon pagkahiga at kinakabahan din sa patuloy na pagdurugo ng wrist. Pinili niya na huwag magpadalos dalos sa pananalita sa kay Rafael dahil ayaw niya makasakit ng damdamin at mahal niya ito na parang kapatid.

        Unti-unting pumatak ang luha sa mga mata ni Rafael at pumunta ng washroom habang pinipilit na magpakatatag. Kinuha ang first aid kit at may dala siyang basin and distilled water galing sa water dispenser at bumalik kay Marco na medyo di mawari ang laman ng damdamin. Kinuha ang kamay ni Marco na may sugat at hinugasan ito ng distilled water at tapos pinatuyo ng malinis na towel at nilagyan ito ng tinctured of iodined at pagkatapos malinis nilagyan ito ng gauze at bondage. Habang ginagawa ni Rafael ito, nakayuko siya at hindi umiimik, di kumikibo at hindi tinitingnan si Marco. Tumutulo ang kanyang luha at naramdaman ni Marco ang isang patak nito sa kanyang kamay.

        Hinawakan ng mabuti ni Marco ang kamay ni Rafael at pinahiran ng kanyang kanang kamay ang luha na tumutulo kay Rafael. Pinipilit ni Marco na iharap ni Rafael ang kanyang mukha sa kanya at madiin ang paghawak sa chin ni Rafael habang nakayuko, pero pumapalag ito at ayaw ipakita ang kanyang matang lumuluha. Hinawakang nalang ni Marco nang kanyang dalawang kamay ang kanang palad ni Rafael at hinalikan ito ng tatlong beses at nagsabi kay Rafael "Pare salamat talaga!". Tumayo si Rafael at itinaboy ang kamay ni Marco at aalis na pauwi. Mabilis siyang lumakad at akma palang siya makalabas ng pintuan ng kwarto nagulat siya nang itinapon ni Marco ang metal basin kasama ang distilled water na malapit sa kinatatayuan niya at tinamaan siya sa likod.

        "Humarap ka dito Pare!Bakit ka parating umiiwas at tumatakbo! Wala tayo sa triathlon event para tumakbo ka umiwas! Bawat may ginagawa ka sakin palagi ka nalang tumatakas at umaalis! Harapin at kausapin mo ako!" malakas na sigaw ni Marco kay Rafael. Naramdaman ni Rafael ang galit ni Marco.

        Hinarap ito at kinuha ang basin at distilled water at itinapon ito pabalik kay Marco at tinamaan ito sa braso dahil sinangga ito. Tumayo ng mabilis si Marco at nilapitan si Rafael at kinuwelyuhan ito. Kahit ramdam ang sakit sa kaliwang kamay sa ginawang sugat nito naramdaman ni Rafael ang bigat ng kamay at pwersa ni Marco habang tinutulak ito sa wall. Nilapit ni Marco ang mukha nito kay Rafael habang kinukwelyuhan at tumulo ulit ang dugo sa kaliwang kamay nito at nanginginig sa galit na nagsabi "Ano ang problema mo pare! Mahal mo ako diba? Mahal mo ako pero bakit ka ganyan! Anlabo mo! Sabihin mo ang laman ng iyong damdamin para maintindihan kita! Huwag kang gago!" Diniin ni Rafael ang mukha nito kay Marco at mahina pero may pwersang nagsabi " Hindi pag intindi ang kailangan ko sayo! Mahal kita! At handa ako magpagka gago para mahalin mo rin ako!"

        Binitiwan ni Marco ang pagkwelyo kay Rafael at hinawakan ang ulo ni Rafael at sinubsub ang mukha nito sa kanyang mukha at nagsabi "Ito naman talaga ang gusto mo diba" at hinalikan si Rafael na parang walang pakundangan. Tinulak siya ni Rafael at natumba ito malapit sa kama at naisandal nito ang kaliwang kamay sa sahig kaya patuloy ang pagtagas ng dugo. Nilapitan ito nito ni Rafael at binuksan ulit ang sugat at tinalian ito ng gasa ulit para pigilan ang pagdurugo.

        "Walang hiya ka pare! (tumatawang umiiyak at may halong galit si Marco) sa daming lalaki diyan ako pa ang gusto mo! Malapit kanang ikasal bakit ngayon kapa nagkaganito! Hindi mo ba alam hindi lang si Betina ang sinasaktan mo dito kundi ako na kaibigan mo at sarili mo! Mas masakit pa ang gagawin mo nayan keysa dito sa sugat sa pulso ko dahil puso pare at buhay ang masisira mo! Mahal kita pare pero hindi sa pagmamahal na gusto mo!" Tumayo si Marco at umupo sa kama habang nasa sahig si Rafael at napatigil sa kakaupo.

"Sana hindi nalang kita nakilala,sana hindi ka nalang dumating sa buhay ko! Sana hindi mo ako nilalandi landi ilang beses at hindi mo ipinaramdam sakin na importante ako sayo! Bawat yakap,at mga biro mo na walang kabuluhan tumagos dito (tinuro ang puso). Handa akong makipag break kay Betina at maghintay sayo! Okay lang kahit may anak kana,magkaruon kaman ng maraming babae at kahit walang sex kaya ko lahat tiniisin Marco dahil mahal na mahal na kita! Ikaw ang importante sa akin. Ngayon lang ako lumigaya sa piling mo at dahil sayo ngayon ko lang napalagay ang isip ko na nag eexist ako sa mundo. Marco I Love you!" Lumapit ito sa kaibigan at mabilis na niyakap si Marco ng madiin.

        Hinayaan siya ni Marco sa pagyakap. Pero nangusap ito sa kay Rafael "Pare I am sorry,kaibigan lang ang kaya kung ibigay sayo! I can reciprocate your love but I can't do it in a way that you want it to be. You can kiss me all the time,you can spent with me all the time and you can have me but not as your partner. Hindi ako bakla pare and I know masakit na sabihan kita ng ganyan. Love is a perfect virtue at hindi ito makasarili.Ito ay matuwid,hindi ito komplikado at puno ng kabutihan at iniwawasto ang mali. Pare alam kung walang mali sa pag-ibig pero let us not equate Love as true and correct in a same sex relationship. Tama ang magmahal pero sa kabila nito hindi tama na magsama tayo at gumawa ng bagay na mula sapul palang mali na sa mata ng Diyos. Ayoko magpaka ipokrito pare pero ganito ako ka gago alam ko ang aking pagkakamali. Sige gusto mo ng relasyon? Gusto mo magkasala tayo parati? Puede ako magkasala ngayon pero una at huli ito para mapadama ko sayo ang gusto mo pare!"

Parang sinusuntok ni Rafael si Marco habang niyayakap ito at panay sabi na "I want you, I need you and I love you Marco! Please give me a chance to show my love and devotion to you!"

Pero hindi binili ni Marco ang pagmamakaawa ni Rafael. Tinanggal niya ang pagkayakap ni Rafael at hinawakan ito sa balikat na parang bata na umiiyak at hinang-hina at muling nagpaliwanag. "Pare makinig ka naman oh! Pinapahirapan mo lang ang sitwasyon at damdamin natin! If we are in relationship I can make love with you but I can't do it with genuine love and passion. Lust lang pare ang mamumuo sa relasyon na ito. Gusto mo ba na magkasala tayo? I can say I love you but I can't say I am in love with you. My presence could be there, but my heart and soul is departed from you. Magiging masama akong tao para sayo kung pipilitin mo ako na maging boyfriend. I have so much respect sa kagaya niyo pero pare this time learn to love me as a family, hindi tayo sasaya at mag grow pagmakarelasyon tayo... Hindi mo na kailangan hingin ang pagmamahal ko pare,kaibigan mo ako at nasa tabi mo ako, Ayoko kitang lokohin at saktan Rafael! " hinalikan sa pisngi ni Marco si Rafael.

        "Kung monthsary ang pinoproblema mo pare we can celebrate together with my son! Monthsary of friendship." dagdag na sabi ni Marco habang pinapatahan sa pag-iyak si Rafael. Patuloy ang pagyakap ng mahigpit si Marco at hindi parin maintindihan ang sinabi ng kaiban at panay salita ng "I love you Marco, I can't stop loving you" hinayaan nalang siya muna ni Marco dahil sa takdang araw magbabago din ang pag-iisip nito.

B.I CYCLE (Brother I Love You)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon