Prologue

81 18 32
                                    

[Prologue]

“Mama, Papa, La, Ate, Chong, Jeil, Sir, Ma'am, classmates, sa lahat ng mga tao na naging bahagi ng buhay ko, nais ko lamang sanang sabihin na salamat sa lahat... mamimiss ko kayo pero, PAALAM... Sayonara No Sekai.”

Yan yung gusto kong sabihin bago ako mawala sa mundong ito... PAALAM.

Yun na lang naman kasi yung magagawa o masasabi ko di'ba?

Bakit, meron pa bang iba?

Kung meron nga, mag-suggest naman kayo oh... di ko na kasi talaga alam kung anong gagawin. Litong-lito na ako sa mga nangyayari sa buhay ko, nakakapagod.

Ay, hindi! Alam ko pala...

Kaso 'di ko alam kung magagawa ko ba.

Kayang-kaya ko namang gawin eh. Ang kaso, yung mga iiwan ko, paano naman sila? Mamimiss din kaya nila ako? May pakialam ba sila?

Hindi ko na talaga alam... basta isa lang ang tanging pumapasok sa isip ko ngayon...

LISANIN NA ANG MUNDO.

'Di ko na kasi kaya eh. Sobrang sakit na. Lahat na ata ng way na-try ko na pero wala, wala pa rin. Ako pa rin yung talo, ako pa rin yung palaging may mali.

“Alam mo miss, 'wag mo nang ituloy yang binabalak mo.”

Aba't, sino 'tong walanghiyang narito sa tambayan ko?! Agh!! Payuhan daw ba ako eh hindi naman niya alam yung sitwasyon. Bakit, ikaw ba ang nasa kalagayan ko ha?!

Hay naku! Sino naman kaya itong si Mr. Epal?

Huy Lane... may pangalan agad?

Aba'y sorry naman. Hindi ba pwedeng gawa-gawa lang?

“Hoy Mr. Epal, anong karapatan mong istorbohin ako ha?! Makapagpayo, akala mo nasa sitwasyo ko... bakit, may maitutulong ka ba sa'kin ha?!” 

Uy... hiningal ako ro'n ah. Wala kayang hinga-hinga 'yon. I need water! Mukhang hihingalin na naman ako nito. Kagigil naman kasi, pakialamero!

Pero, teka nga, baka akala naman netong si Mr. Epal e bad ako, lingunin ko na nga... 'di pa rin nagsasalita eh. O baka naman umalis na? Or maybe ilusyon ko lang yun. Naku naku, Lane, nababaliw ka na nga ata talaga.

Paglingon ko...

Ayy, wala. Nasaan na 'yun?

Nagulat na lang ako kasi may nagsalita na naman sa aking likuran. Hindi naman siguro multo ang kausap ko hindi ba? Hindi naman kasi ata nakakapagsalita ang mga multo? Hehe.

“Oh, hinahanap mo ba 'ko? Sinabi ko na nga ba't miss mo na'ko agad eh.” Napakahangin! Sapukin kaya kita para makita mo ang katapat mo! Bwiset!

Sinubukan ko itong lingunin para makita ang istorbo. At, omg talaga! Nananaginip ba ko? Fake ba to? Makurot nga sarili ko.

Sinubukan ko ng kurutin ang magkabila kong pisngi na nagdulong ng pamumula't sakit ay walay pa rin!

Aray naman! Totoo nga, pero teka, parang may mali eh.

“Oy... yung langaw baka pumasok.”

At awtomatiko na ngang sumara ang aking bibig dahil sa sinabi niya.

What the! Ngumanga ba 'ko sa harap nito?

Juskopo! 'Wag naman sana kasi nakakahiya no!

Paanong hindi nakakahiya e ang ultimate crush ko lang naman ang kaharap ko. Oo... ULTIMATE CRUSH ko 'to.

Nakakahiya talaga, napakawalang hiya!

“Haha... ang cute mo palang mag-blush.” Sabay pisil sa pisngi ko.

Wait, kurot ba?

So that means hinawakan nya ako? Wahhhhhhh!!!!!!

Nasaan na ba 'yon? Hoy crush kong saksakan ng pogi, huwag kang umalis!

Kaso, wala na! Umalis na siya! Hindi bale, makikita ko pa naman ulit ang lalaking iyon 'di ba?

Pero OMG talaga, si crush, pinisil yung pisngi ko, kinausap ako at sinabihan pa akong cute.

Mukhang 'di ko na yata kayang ituloy itong plano ko dahil may dahilan na ako para tumigil. Ipagpapatuloy ko na talaga ang pagpapakasaya! Wala na akong pakialam sa sakit basta makita ko lang siyang muli!

Sayonara No Sekai (#1 of Goodbye Series) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon