5th Day

28 11 5
                                    

[5:Fifth Day]

Jeil's Pov.

Sabi nila mahiyain, mabait, cute, at maganda ako. I also have beautiful vioce which makes other girls hate me. Pero 'di naman ako naniniwala don. Kasi alam ko naman na hindi 'yun totoo, wala namang perpektong tao, marami rin akong pagkukulang at flaws.

I am currently here inside our capus, named NaSoKa. Ganyan yung pangalan noh? Ang baho. Pero hindi naman literal na nasuka yung meaning niyan. Ang galing nga eh, kinuha nila yung pangalan ng school base sa favorite cartoon/anime movies nang anak ng may-ari. Bata pa lang iyon, grade 4. Bata pa lang, mayaman na. Na stands for Naruto; So for Sonic X; and Ka for Pikachu.

Hindi naman kalakihan ang school namin, tig-i isang section simula kinder hanggang elementary, tig-a apat na section per grade lever ng junior at senior high school. Wala na itong college, bahala na raw kaming maghanap ng university'ng papasukan pagdating ng panahong iyon.

Currently, grade 8 ako. Kaunti na lamang ay maisasali na sa with honors kaso ay nagkulang eh. Mabuti na lamang at tanggap naman iyon ng mama ko. Hindi siya nagagalit tuwing may mababa akong marka. Ang sabi niya kasi, normal naman iyon sa buhay ng isang estudyante.

Mayroon ding gustong maging kaibigan na nasa ibang section kaso parang hindi naman ata ako kilala?

Her name is Lane. Kaso nga lang parang ang hirap niyang abutin at kausapin. Bukod kasi sa maganda, matalino, eh sexy pa 'yon. Medyo mailap nga lang sa mga tao. Ang dami na ngang nanliligaw sa kaniya eh. Ang kaso, bina-basted niya in a nice way naman. Meron naman siyang kaibigan— si Joyce. Ibalang talaga yung feeling ko sa babaitang yun. Parang may binabalak na masama. 'Di bale, ano bang pakialam ko? Ano ko ba siya? Ni hindi ko nga sila kaanu-ano. Isali ko nalang yung fact na gusto ko talagang maging kaibigan si Lane, may something sa kaniya na hindi ko maipaliwanag na naghihikayat sa aking maging kaibigan siya. Sana lang, maaabutan ko pa ang panahong iyon...

Napakaboring, palakad lakad lamang ako ngayon sa may hallway nang may mapansin akong komusyon. Anong nangyayari? Mabuti pang makichismis, baka may masagap tayong exciting na palabas hehe.

"Ouch!" at sino naman itong walanghiyang bumangga sa akin?! Makapag-react wagas ah!

Pero, teka, sino nga ba ito?

Yuck.

Buti nga at natapon sa kaniya yung juice na hawak ko. Hahaha, ganda ng reaksyon eh. Pangmalakasan, winner!

“Hoy dare you! You cheap girl and daugther of i-don't-care! Arggh... you will pay for this!” 'Saka na siya nagtuloy sa paglalakad. Grabe, natulala ako roon. First time ko kayang may pinagsabihan ng bad words. Good girl ako eh. Tapos siya, ganon lang! What the amp na lang talaga!

Walang pakialam sa babaeng nakasalubong at nakabangga, hindi ko na binara. Hinayaan ko na lamang at naglakad padiretso sa kumpol na aking nakita kanina.

Sino ba kasi yung pinagkakaguluhan nila? At bakit galing doon yung Joyce na swangit? Wala naman siguro yung ginawang kabalastugan?

Kapag talaga meron, kahit na hindi ko kakilala yung inagrabyado niya, kakalbuhin ko siya! Hindi ko maipaliwanag pero kumukulo ang dugo ko t'wing nakikita ko siya!

Sayonara No Sekai (#1 of Goodbye Series) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon