10th Day

20 8 2
                                    

[10: Tenth Day]

Nagpatuloy ang panliligaw sa akin ni Tantan.

Pinayagan ko na kasi siya eh. Sino ba naman ako para tumanggi di'ba?

So ayun, tulad ng mga normal na manliligaw, binibigyan niya ako ng mga bulaklak, red roses actually... favorite flower ko yun noh. Chocolates na Ferrero grabe! Araw-araw yan ha, walang mintis.

Pero syempre, tulad ng inaasahan, mas lalong dumami yung mga nambu-bully sa akin. Heartthrob ba naman makapansin sa beauty ko di'ba?

“Lane...” ohmaygash! Ayan na siya. Maganda na ba ako? Teka, 'wag kang kakabahan self. Be confident okay? Dyosa ka, DYOSA!

“Yes?”

Nagulat ako nang sa aking paglingon, sumakto ang pagkakataon. Nag-nagkatagpo ang mga la-labi namin! Tay-ina naman, iyon ang una kong halik! Ramdam na ramdam ko ang lambot ng kaniyang mga labi, huwag na sana itong matapos, hindi ko keri!

Pero syempre, charot lang ang nangyaring iyon. Dahil sa aking paglingon, tumama ang aking pisngi sa mapupula at manipis niya labi. Tinawanan pa ako ng loko nang makita ang pagkatigil ko!

Sinamaan ko nga siya ng tingin, loko-loko! Umasa akong itutuloy niya iyon sa lips eh!

“Hmm... ikaw ah! Gusto mo pa lang magpahalik, edi sana sa lips na lang.” Feeling ko, nangangamatis na ako rito ngayon. Lupa, please lang, lamunin mo na ako!

“Hi-hindi a-ano!” Sandali nga, hindi ako pwedeng mautal!

“'Sus, eh bakit nauutal ka?” wala na, napansin na niya. Mag-isip ka ng sagot Lane, bilis! Hinding hindi tayo magpapatalo!

“Ang panget mo kasi, bleh!” Seriously Lane, sa lahat ng pwedeng idahilan. Sinong maniniwala sa'yo ha? Sino?! Eh alam naman ng lahat kung gaano ka-gwapo ang manliligaw mo!

“Ang sabihin mo, nafo-fall kana sa akin.”

Matagal na kaya. Wait, don't tell me, sinabi ko 'yon. Suskopo naman! Nagpapakipot pa naman ako ng very very light tapos itong madaldal na bibig ko, biglang nagsalita, 'di naitikom eh. Paano na niyan?

“Sinasabi ko na nga ba eh. So ano, tayo na?”

“Hmm, ano sa palagay mo?”

Sige. Eh bakit pa? Ayos na yun. Tss... oo na. Err— Love. Oh ano? Masaya kana? Sus... sige nandito na teacher ko. Ba-bye I l-love you.

As you can see, katatapos lang naming mag-usap ng aking "love" . Grabe! Hindi parin ako sanay na akin na siya.

Ay wow, sa'yo? Ang kapal ha.

Oo akin na siya. Teka, bakit ko nga ba kinakausap yung sarili ko. Hay naku, nababaliw na nga ata ako. Kung hindi pa matagal!

After class...

Dahil may usapan kami ni Tantan na magde-date kami ngayon. Yup, first date namin ito. Hinihintay ko na lang siya kasi ang sabi'y susunduin niya ako gamit ang kaniyang motor.

Btw, hindi pa nga pala alam sa amin ang tungkol sa amin ni Tantan. Ayaw ko nang sabihin sa kanila. Kasi for sure, pagbabawalan lang nila ako. Kesyo, bata pa raw ako. Baka pa sabihan akong malandi. Bawal bang magpakasaya kahit minsan?

Mabuti na lamang at dumating na ang lalaking ito, kahit papaano'y lumalamig ang aking ulo.

“Hi, love...” Ang laki-laki ng ngiti ng mokong, saya mo ah?

“Hi.”

“Oh, anong nangayari? Anong dahilan ng pagkakunot ng noo ng babaeng mahal ko?”

“Wala, may naalala lang. Pero ayos na'ko, dahil nakita na kita.” Ang rupok mo, Lane. Grabe ikaw na talaga ang reyna ng karupukan!

“Sigurado ka? Kung gusto mo, ihahatid na kita. Sa susunod na lang natin ituloy yung date, aking prinsesa.”

“Naku, 'wag! Ayos lang ako. Tara na?”

“Sigurado ka ha? Sige tara.”

Pagkatapos naming maglibot at kumain, napagpasyahan na naming umupo muna sa damuhan para tignan ang napakagandang tanawin sa ibaba. Kita kasi mula rito ang aming bayan. Kung nasaan kami, hindi ko rin alam. Basta para lang siyang bangin na ewan, medyo mataas eh.

Mula sa aming kinalalagyan, kitang-kita ko ang ganda ng mga puno, kulay lila... ang sarap sa mata. Dahil na rin malapit ang lugar namin sa may dagat, mas maganda itong tignan sa malayo... rito sa itaas. Ano kaya ang pakiramdam nang tumalon pababa?

“Tignan mo 'yung mga sasakyan oh, ang liit. Parang langgam.”

“Tama. Nag-iiba kasi ang tingin natin sa mga bagay kapag malayo o malapit. Tulad nga ng sinabi mo. Yung mga sasakyan, nagmukhang langgam.”

“Grabe love, ang lalim noon ha. Saan mo galing yon?” 'Di ba pwedeng humugot? Minsan, panira rin ang lalaking ito eh.

“Ang sinasabi ko lang. Na kung sakaling magkakalayo tayo, baka maghanap ka na lang bigla ng ibang mas malapit sa iyo. Bigla akong nalungkot sa isiping iyon.

“Love, listen okay? Magkalayo man tayo o kahit ano, hinding hindi kita ipagpapalit. Mahal kita at wala ng ibang makahihigit pa roon. Basta lagi mong tatandaan na hindi kita iiwan, ano man ang mangyari, okay?”

“Ganun din ako, love. Pero promise ba 'yan?”

“Promise.”

And that promise from him was sealed with a feathery kiss. Ganito pala iyon sa pakiramdam? Ang saya.

Sayonara No Sekai (#1 of Goodbye Series) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon