12th Day

27 7 6
                                    

[12: Twelfth Day]

Everything happens for a reason, so be thankful for what you have...

Masaya ako sa mga pangyayaring naganap sa akin nitong mga nakaraang araw. Kaming dalawa ni Tantan, masaya. Normal na nararamdaman kapag inlove ka, nakaka-kilig at ramdam na ramdam mo yung excitement sa t'wing nagkikita kayo lalo na kung patago.

Kung maaari sanang ganito nalang. Ang kaso, wala namang permanente. Ang lahat ay nagbabago gaano man natin ipilit na panatilihin ang kaayusan ng mga ito.

Maaaring masaya ka ngayon  pero mabilis umikot ang mundo, kaya kailangang sulitin ang mga sandaling kasama mo ang mga taong mahal mo. Dahil baka bukas, makalawa, wala na sila. At makadarama kana muli ng lungkot.

Naalala ko na naman tuloy yung mga sandaling...

Napaka walang hiyang bata! Kung hindi pa nagsumbong sa amin si Joyce, hindi pa namin malalamang lumalandi ka na! Kanino mo natutunan 'yan ha?!” Bungad sa akin ng aking tatay mula sa lakad namin ni Tantan, kagagaling lang namin sa date. Hinatid niya ako ilang bahay ang layo mula sa amin. Oo, hanggang ngayon hindi ko pa nasasabi sa mga magulang ko kaya ganito na lang sila kung maka-react.

Kahit kailan talaga 'yung babaeng iyon. Ano ba ang gusto niya? Pinahiya na nga niya ako sa harap ng maraming tao sa eskwelahan. Ngayon naman ay magsusumbong siya?

Hindi ko na nga siya pinapakealaman pero siya pa itong mahilig pumasok sa sitwasyong wala naman siyang kinalaman.

Jeil, bakit nangyayari sa akin ito?

'Wag lang sanang pumasok sa isipan ni Joyce na kunin sa akin ang mahal ko. Hindi ko kaya, naniniwala ako kay Tantan, hindi niya ako magagawang lokohin!

Joaqin, tama na 'yan.” wika ng aking mama. “Huwag mo nang sigawan ang bata, kahit para sa akin na lang.” Bakit parang bumait yung tono ni mama? Dati-rati sigawan sila kung sigawan. Pero, 'bat ang lumanay ngayon at tila nahihirapan? Ano ang nangyayari?

Mama!” Hindi ko alam ang gagawin. Napasigaw na lamang ako sa gulat nang makita kung paano humandusay sa sahig si mama! Ang sakit na harap-harapan kong nakikita kung paano siya maghirap.

Nang makabalik sa huwisyo, dali-dali ko siyang nilapitan at kinalong sa aking mga bisig. Hindi ito maaari! Buhay pa ang mama ko!

Naniniwala akong babalik pa siya, guni-guni ko lamang ang lahat ng ito!

Ang daling isipin, ngunit sinong niloloko ko? Ramdam ko mismo sa aking kandungan ang lamig ng kaniyang katawan, pareho na lamang kaming napatulala ng aking ama.

“Mama, Jeil... patawarin niyo sana ako kung wala akong nagawa para iligtas kayo sa mga panahong kailangan na kailangan niyo ako, I'm so sorry.”

Hinayaan kong lumandas ang likido mula sa aking mga mata. Ang bigat-bigat sa pakiramdam.

Sobrang sakit makita na nasa lapida na ang kanilang mga pangalan. Si Jeil na na-diagnose na may leukemia, kaya pala lagi siyang maputla. At si mama na may sakit pala sa puso, inatake at tuluyang bumigay nang malaman ang balita.

Kasalanan ko ang lahat ng ito.

Dati, nakikita ko pa silang tumatawa. Nakikita ko, kahit minsan lang, sa kanilang mga mata kung gaano sila kasaya. Sayang nga lang dahil sa kaunting panahon ko lamang naipakita sa kanila ang aking pagmamahal.

Nagsisisi ako, nagsisisi kung bakit hindi ko man lang inalam ang nangyayari sa bahay sa t'wing wala ako. Ni hindi ko man lang nalamang nagkasakit ang ina ko. Nalulungkot din ako para kay Jeil. Kung maaga ko lang sanang binigyan ng pagkakataon ang aming pagkakaibigan, maaaring napasaya ko pa siya.

Ilang sandali ang lumipas, naramdaman kong nagba-vibrate ang telepono sa bulsa ng aking pantalon. Nag-iisa sa sementeryo, humahaplos sa aking balat ang simoy ng pang-hapong hangin. Nang nakita kung sino ang tumatawag, dali-dali ko itong sinagot habang pinupunasan ang mga luhang tumulo at inaayos ang boses na parang may ibang makakapansin nito.

Nakakapagtaka, may ipinapakita ng bilang ang cellphone, subalit walang sumasagot sa kabilang linya. May signal ba rito?

"Love, hello? Napatawag ka? Nasa sementeryo pa kasi ako, papunta ka na ba?”

Hangin ba ang kausap ko?

“Hello, huy sagutin mo nga ako! Anong meron?”

“L-love, kasi ano eh. Si tito...”

“Oh, anong nangyari ka tatay? Kasama mo siya?” Makaraan ang ilang linggo pagkatapos ng pagsusumbong ni Joyce, ipinakilala ko na si Tantan sa aking mga magulang. Noong una, hindi nila ito tanggap. Ayaw pa kasi nilang magkaroon ako ng kasintahan, ngunit kalaunan ay pumayag na rin sila.

Malaki rin ang pasasalamat ni tatay sa kaniya kasi si Tantan ang tumulong sa amin sa pag-aasikaso sa burol ng aking ina. Hindi kami nito iniwan, lalo na sa mga panahong kailangan na kailangan ko ng masasandalan.

Ngayon, magkasundo na ang dalawa. Minsan nga noong bumisita siya sa bahay, naglaro ba naman sila ng cards sa sala!

“I'm sorry, love. Alam kong hindi mo magugustuhan ang sasabihin ko, pero kasi... wala na siya.”

Sayonara No Sekai (#1 of Goodbye Series) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon