13th Day

27 7 4
                                    

[13: Thirteenth Day]

Pinuntahan ko yung ospital na sinabi ni Tantan para ma-confirm kung totoong wala na nga ang tatay. Lakad-takbo ang aking gawa makapunta lang sa morgue. At doon, doon ko nakumpirma ang katotohanan. Ang aking ama, ang lalaking itinuturing kong pinakamalakas ay tila mahimbing lang kung natutulog.

Ang aliwalas ng kaniyang mukha sa kabila ng mga pasa sa galos.

“Tay, bakit? 'Di ba malakas ka? 'Di ba dati sabi mo, hindi mo ako iiwan? 'Di ba kaya mo, kaya natin? Eh ano ito? Bakit nakahiga ka riyan? Tumayo ka na nga! Uuwi na po tayo.” Hinawakan ko ang kaniyang malamig na kamay para sana itayo siya pero pinigilan ako ni Tantan.

Hindi totoo ang nagyayaring ito! Kawawala pa lang ni mama, mawawalan na naman ba ako ng magulang?

“Love, tama na yan.”

“Ano ba, tulungan mo na lang kaya ako.”

“Tama na! Wala na si tito! Patay na siya! Tanggapin na lang natin 'yon! Alam mo ba kung gaano kasakit sa akin nito ha?! Yung makita kitang nagkakaganyan, yung makitang nahihirapan ang babaeng mahal ko. Doble, ay hindi, triple ang sakit na nararamdaman ko. Kahit para sa akin na lang, please...”

Grabe, nagsisimula na akong mag-breakdown, ulit.

“Sorry okay?! Masakit lang kasing isipin na wala na si tatay. Pero tama ka, kailangan ko itong tanggapin para sa mga taong nagmamahal sa akin. Para sa iyo. Kaya lang tuwing sasagi sa isip ko na yung mga nagmamahal sa akin ay unti unting nawawala, napakasakit no'n! Una, yung bestfriend ko, tapos si mama. Ngayon naman si tatay. Sino na ang susunod na mawawala ha?! Ikaw?! Kaya sobrang hirap para sa akin. Hindi ko na kakayanin yon. Tama na yung tatlo na sila, ayoko na pati ikaw ay mawala!”

“Shh, hindi kita iiwan okay? Tandaan mo 'yan, mahal kita. Ang mahalaga, masaya na ngayon si tito na kasama ang mahal niya...”

“San tayo pupunta?” tanong sa akin ni Tantan.

“Basta, magmaneho ka na lang.”

Nakarating kami sa isang convience store na bukas 24/7 para bumili ng maiinom. Hindi tubig, kun'di alak. Hindi ko alam kung papayagan ba kaming bumili nito kasi mga minor pa lang kami. Pero sabi nga nila, "There's no harm in trying." Kaya go lang.

Pagkatapos ng mahaba-habang oras na paghihintay, nakakuha na rin kami ng maiinom. At habang nasa byahe kami, sinabi ko sa kaniya kung saan ko gustong pumunta. Hindi na siya nabigla nang malamang sa condo niya siya kami tutuloy.

Oo, may saliri na siyang condo kahit bata pa lang. Hindi na kataka-taka kasi sobrang yaman nila. Minsan nga napapaisip ako, sa dinami-rami ng mga babaeng naghahabol sa kaniya ay bakit ako pa ang nagustuhan niya?

“Love, magsa-shower lang muna ako. Ikaw na ang bahala riyan ah?”

“Oo, sige.”

Hindi ko alam kung ano ba itong pumasok sa isip ko, hindi pa ako nakakatikim ng alak kaya wala akong alam sa kung ano ang maaaring maging epekto sa akin nito. Ang mahalaga, kahit ilang oras lang, mawala ako sa katinuan para hindi ko na maisip ang sakit.

Nakakadalawang baso pa lang yata ay umiikot na ang paningin ko. Ang hina ko naman! Kulang pa ito, I need more!

Nagpakalasing ako, hinayaan kong malunod ako ng alak. Hindi ko alam kung dala lang ito ng kalasingan pero bakit ang init? Naiinitan din ba si Tantan?

Sandali, ano na bang nangyayari? Ay, oo nga pala. Dahan-dahan niya akong inihiga sa kaniyang kama at pinaulanan ng maiinit na halik. Ano ba naman 'yan, nakapatay ba ang aircon?

Sayonara No Sekai (#1 of Goodbye Series) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon