2nd Day

40 13 19
                                    

[2: Second Day]

“Good morning ma'am.” sabay-sabay naming sabi ng aking mga kaklase paglapasok-na-pagkapasok palang ng aming principal slash teacher sa aming kwarto.

“Sit down.” Yung bang kahit hindi siya sumigaw, ramdam mo parin yung authority. Nakakatakot siya pramis, pero nakakatuwa, sa katunayan idulo ko siya. Nakakapagbilib kasi talaga. Biruin mo, at the age of 73, nagtuturo pa rin. Well, baka dahil yung tatay niya yung founder ng school na'to kaya nagagawa niya pa ring ipagpatuloy yung pagtuturo niya.

“Who are the reporters?”

At dahil mabait ako, pinauna ko na muna yung iba. Magpapahuli na ang maganda syempre. Nakakakaba rin naman kasi! Nakakatakot mapahiya sa buong klase basta na't nandito ngayon yung crush ko!

“T-the Australia is a cou-coun...try in—”

“Ano ba namang klaseng report 'yan! Diba last week ko pa 'yang ibinigay sa inyo kaya dapat kabisado nyo na! Yung susunod na report mo, asan na?!”

Galit na galit ang principal, nauutal kasi yung kaklase ko. Naaawa ako para sa kaniya pero wala naman akong ibang magawa kasi baka ako naman yung mapagbuntungan. Basta, mas kakabisaduhin ko na lang yung sa akin para 'pag turn ko na, maiiwasan kong mapagalitan.

“Ma'am so-sorry po, 'di... ko po nagawa kasi—”

“Wag ka nang magdahilan. Ang sabihin mo, naglakwatsa ka na naman! Ang babata niyo pa, paano niyo nagagawang laspagin ang mga perang pinaghihirapan ng mga magulang niyo sa walang kwenta?” Nakalimutan ko nga palang sabihin na dalawa yung report namin, yung una ay about sa mga countries sa mundo at Venezuela ang naitapat sa akin. Wala namang problema, nakapag-research naman ako ng maayos tungkol doon kaya masaya ako.

“Next!” Teka, bakit walang tumatayo? Nagsesenyasan pa eh. Sign na ba ito para ako naman ang mabigyan ng spotlight?

“Ano, wala talaga?! Gusto n'yong ma-65 lahat?!”

Dahil 'di ko na matiis, tumayo na ako. Hindi ako pwedeng bumagsak sa kahit na anong subject, activities, projects, at exams. Dahil kapag nangyari 'yon, mapapagalitan na naman ako ni mama. Ikukumpara niya na naman ako sa ibang kamag-anak naming sobrang tatalino ng mga anak.

Actually, itong mga ginagawa ko, lahat ng mga pagsasakripisyo at paghihirap ay hindi naman talaga para sa akin. 'Di ko ginagawa ang mga ito para sa sarili kong kapakanan kun'di para maging proud ang mga magulang ko sa akin.

Feeling ko kasi kahit na anong gawin ko, 'di parin worth it para sa kanila.

Simula nga day care hanggang grade 6, 1st honor ako. Tapos nung grade 7, with honors pa at pati naman ngayong grade 8. Kaso wala eh. 'Di ko maramdaman yung hinahanap ko.

Hala, pabibo talaga.

Oo nga eh. Nakita nang nag-uusap pa kung sino yung mauuna, tapos tumayo agad.

What a bitch.

Gossip machines talaga mga babaitang 'to! Wala na ba silang ibang magawa at ako yung pinag-di-diskitahan nila? Tinawag pa talaga akong pabibo at bitch. Eh sila nga wala man lang ginawang report eh... mga tao nga naman, oo. Nakakainis ah!

Dapat kasi bago ka magsalita e magsalamin ka muna. Malay mo, yung mga sinasabi mo sa iba eh characteristics mo pala. Edi parang sarili mo rin yung bina-bash mo, tss.

Ayos lang naman sa'kin na may bashers... atleast napapansin di'ba. Kaysa naman sa isang nobody. Kapag kasi may basher ka, ibig sabihin lang non na insecure sila sayo. So, maraming nai-insecure sa kagandahan ko?

“Ms. Dela Cruz, you may start now.”

Sayonara No Sekai (#1 of Goodbye Series) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon