4th Day

34 11 16
                                    

[4: Fourth Day]

This part is just an introduction of a new character.

Joyce's Pov.

Wearing my best sexy looking school uniform, I marched down the stairs. Nakataas ang noo kong nilalagpasan ang mga babaeng ingit na ingit sa aking kagandahan. And you know Lane? She's just one of those girls! I don't like her, she's so pathetic.

Pumayag lang talaga akong maging bestfriend niya kasi siya yung gumagawa ng mga homeworks ko. You know na, kapag maganda, 'di na kailangan pang mag-aral. Syempre mai-stress yung beauty ko. Kawawa naman yung earth, mawawalan ng isang napakagandang nilalang na bumagsak sa lupa para paligayahin ang mga kalalakihan.

Grabe ring magpasipsip yung babaitang yon eh! My ghad, kung makapagpa-impress sa teacher-principal, wow na lang! Wow na lang talaga. Alam n'yo ba na siya lang yung pinuri ng teacher slash principal namin. Sa dinami-rami ba naman naming nag-present ng power point, siya lang yung pinalakpakan. Eh kumusta naman yung beauty ko? Di hamak naman na mas magaling, mas sexy at mas maganda ako roon ano! Kainis na babaeng yon.

“Hi bess” okay, yung poise mo Joyce ayusin mo. Just deadma her. 'Wag ko nalang pansinin tong pabebe at pabibong to. I rolled my eyes and continue walking passed those cool looking boys of our campus.

“Huy!” at aba, anong karapatan nyang hawakan ako sa braso at iharap sa kaniya? Kung sabunutin na lang kaya kita?

“Don't you dare touch me!” at siya ay aking naitulak or better, tinulak. Hahaha. Bagay lang sa kaniya iyon. Masyado na kasi siyang pabida eh. Feeling ba niya, porke siya ang pinuri, siya na ang pinakamagaling?

“Bess, ano bang nangyayari sayo? May problema ba?” wow ha! Bess, bess-bessin ko iyang makapal mong pagmumukha eh! Ang galing-galing mo namang magtanong. At syempre sasagutin ko siya. Humanda ka lang sa sagot ko.

“Problema? Tinatanong mo pa talaga yan noh? Para sabihin ko sayo... ikaw! Ikaw ang problema ko! Masyado ka kasing pabida eh! Ikaw na lang palaging napapansin! Ikaw na lang palaging nakikita! Ikaw na lang lagi yung pinupuri! Eh ako, kailan pa ha?!”

“Hindi naman yun gano'n eh. Sige, hindi ko na lang gagawin yung best ko.” Ha! Paawa talaga. Ganito ka ba talaga kadesperada para magkaroon ng kaibigan?

“'Di mo na kailangang gawin 'yan noh! Wag kang mag-alala, simula ngayon, pinuputol ko na lahat ng koneksyon mo sa akin.”

“Ha? Wh-what do you mean, bess?”

“Don't call me that! So irritating, my gosh! Because from now on, we are no longer bestfriends. Ikaw lang pala, kasi ako? 'Di naman kita tinuring na ganon eh!”

“Pero bakit?”

“Bakit ako pumayag na maging kaibigan kita? Simply because kailangan ko ng gagawa ng mga projects at homeworks ko, kailangan ko ng alalay at aso. YUN LANG! Good bye!” 'Tsaka na ako naglakad papalayo at naiwan siyang nakanganga sa hallway. Na-haggard yung beauty ko dun ha! Grabeng haba ng speech ko! Mabuti pang lapitan na lang yung cute guy na nakita kong naglalaway sa akin kanina.

Epic yung expression ng bruhildang 'yon! Dapat pala kinuhanan ko ng picture at ikalat sa social media para naman maging viral siya, kulang sa atensyon.

Naririnig ko pa rin siyang tinatawag ako... hahaha. Bahala ka sa buhay mo! Tignan ko lang kung may tutulong pa sayong pulubi ka.

Ngayon, humanda ka! Dahil matitikman mo ang pait ng aking paghihiganti!

Sayonara No Sekai (#1 of Goodbye Series) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon