Bonus Chapter

22 6 4
                                    

Makalipas ang ilang linggo, habang naglalakad sa kalsada ay bigla akong nakaramdam ng panghihina. Nahihilo ako't gustong masuka dahil sa amoy ng sibuyas! Hindi naman ito nangyayari sa akin dati. Gustong gusto ko ang sibuyas lalo na ang nasa sisig kagaya ng nakikita ko sa nagtitinda, pero bakit ang sama ng pakiramdam ko ngayon?

Hindi naman siguro hindi ba?

Natatakot, hindi alam ang gagawin ay dumiresto ako sa pinakamalapit na drugstore sa amin. Imbes na naghanap ng gamot para sa pagkahilo, dalawang pregnancy test ang binili ko. Nakayuko habang kinukuha ang sukli, rinig na rinig ko ang usapan ng mga kasabay kong bimibili. Ano ang kanilang sinasabi? Malamang ay nilalait ako.

Malandi, ito ang sinasabi nila. Ngunit hindi ako pwedeng umiyak dahil ginusto ko ito. Nang makita ang resulta, walang pagdadalawang-isip akong pumunta sa condo unit ni Tantan. Ang sabi niya sa akin, doon muna raw siya't manonood sila ng basketball ng mga kaibigan... nagkapustahan.

Ayos lang naman iyon sa akin, ayaw ko naman siyang kino-control. Hindi ko lang talaga mapigilang mapangiti ngayon habang naglalakad ako sa hallway ng tinutuluyan niya. Siguradong magiging masaya siya sa ibabalita ko.

Ngunit, sa kagustuhan kong sorpresahin siya ay ako yata ang masusurpresa.

Dahil may duplicate ako ng susi, madali kong nabuksan ang pinto. Bakit walang tao? Umuwi na ba ang mga kaibigan nito? Alas dose pa lamang ng hapon ah.

Nasaan na ba ang Villaramos na iyon? Dahan-dahan akong naglakad, sinusubukang huwag gumawa ng ingay habang papalapit dito. Sa siwang ng pinto, naririnig ko ang kakaibang tinig ng isang babae.

Nanonood ba ang lalaking ito?

“Shh...” Walang hiya, may gumagawa ng milagro! May bisita bang iba ang Tantan ko?

Kinakabahan dahil hindi makita kahit saan ang hinahanap, binuksan ko ang pinto. Doon ko napagtanto na pamilyar pala talaga ang mga boses na naririnig ko!

Joyce and Tantan, making love. Kitang kita ng dalawa kong mga mata ang hubo't hubad nilang katawan, kung paano nila iyon ginagawa. Kung paano makikita ang kasiyahan at kasarapan sa kanilang nga mukha.

Una akong napansin ni Joyce at siya ay napangisi dahil alam kong alam niyang nasasaktan ako sa mga oras na ito.

Hindi ko alam na agad niya palang kukunin si Tantan sa akin. Sabi ko pa naman noon, kailanagn kong maging handa kung sakaling iiwan din ako ng huling taong kasama ko. Pero eto ako ngayon... talunan at luhaan.

Hindi ko na kaya. Umalis ako roon, ayaw na silang istorbuhinbpa sa ginagawang kababuyan. Dumiretso ako sa convinience store na pinagbilhan namin ng alak noon. Nang makita ang gustong bilhin, nanghihina akong naupo.

Sa apat na sulok ng tindahang ito, binilabas ko ang sakit na nadarama ko. Sobrang bilis ng mga pangyayari, ni hindi ko alam kung saan magsisimula. Iniwan na nila akong lahat. Ganito na ba ako kakawawa?

Ano ba ang ginawa ko para maranasan ang lahat ng ito!

Iniyak ko lang ang lahat, mabuti na lamang at walang nakakapansin sa akin dito.

Habang nagmumukmok, pinilit kong kumain. Dahil kailangan ko ito, kailangan kong kumain para sa anak ko, hindi ko siya pwedeng pabayaan kahit na mukhang kaming dalawa na lamang talaga simula ngayon.

Sayonara No Sekai (#1 of Goodbye Series) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon