1st Day

60 14 14
                                    

[1: First Day]

Monday na Monday, mukhang mali-late na naman ako sa eskwelahan. Bakit ba naman kasi hindi agad tumunog yung alarm ko? Kagigil eh, 'pag tlaga ako iniwan ng service, bubugbugin ko yung cellphone ko!

Nung natapos nakong i-check ang sarili ko sa salamin for the last time, sakto namang may bumusina sa labas.

So I guess, yun na yung service ko neh?

Nagmadali akong tumakbo pababa sa hagdan papunta sa unang palapag ng bahay namin. Simple lang naman ito, normal na two-story house na gawa sa pinagsamang kahoy at simento. Kaso nga lang, dahil sa medyo kalumaan, rumurupok na ang ilang parte lalo na ang hagdanan.

Sa pagmamadali ko, muntik pa akong natalisod! Naku naman! Pag ako nagka-sprain sisipain ko talaga 'tong bwisit na hagdan!

“Mama, alis na po ako.”

“Ikaw bata ka! Bakit ngayon ka lang bumaba ha?! Alam mo bang kanina pa kita tinatawag?!” hala! Galit na naman si mama. 'Kala ko pa naman daga lang yung parang kumakalampag kanina yun pala si mama na, hehe. Mahaba-habang sermon na naman ito, panigurado.

“Ay ganoon po ba ma. Sorry po, 'di po kasi agad ako nagising eh.” Wahhhh! Cross fingers mag-work ka please... baka 'di ako bigyan ng baon ngayon, may kailangan pa naman akong ipaprint!

“Nag-wa-watapad ka na naman noh?! Hindi ba't sinabi ko sa'yo na itigil mo na yan! Bakit, may matututunan kaba dyan ha?! Meron ba?! Napakawalang kwenta mo talaga kahit kailan!”

“Ma, Wattpad po yun.”

“Kesyo Wattpad o watapad. Pareho lang yun. Basta itigil mo na 'yan! Wala ka namang makukuha sa pagbabasa't pagsusulat mo eh. Bakit, yayaman ba tayo riyan?”

'Di naman ako nag-cellphone kagabi ah. Napuyat lang ako dahil ginawa ko yung power point ko sa isang subject.  Yung kasing teacher namin doon ay principal kaya dapat perfect lahat. Buti na nga lang at na-memorize ko eh. Reporting na naman niyan ang kasunod na pagsubok na sasabakan ko!

Lumayas ka na ngang bata ka! Wala ka talagang kwenta! 'Bat ba naman kasi kita binuhay eh?! Argg! Kainis!” Pagkatapos umalis na siya.

Sa kaniyang pagtalikod naramdaman ko nalang ang mainit na likidong dumadaloy mula sa aking mga mata.

Masakit.

Yan siguro yung word na ma-di-describe niyo sa sitwasyon ko.

Pero hindi.

Kulang pa ang salitang masakit. Dahil sobra, sobrang sakit na ng pakiramdam ko. Minsan nga naiisip kong ampon lang ako dahil sa pagtrato nila sa akin.

Yung bang feeling na pagtalikod niya, bubuhos nalang yung mga luha na kanina mo pa pinipigilan kasi ayaw mong ipakita na mahina ka sa harap nila. Na mahina ka sa harap ng mga mahal mo sa buhay.

Dahil, mahirap magpanggap na wala kang narinig, na hindi ka nasaktan. Sobrang hirap magpanggap na matatag sa harapan nila. At pagkatapos kapag hindi na nila nakikita, tahimik ka na lamang iiyak dahil sa panibagong emosyunal na sakit na nadama.

Kailan kaya titigil sina mama sa pagsasabi ng mga ganoong salita sa akin?

Sana mamaya na, bukas o kahit sa makalawa man lang.

Basta sana tumigil na sila. Di ko na kaya eh.

Sana...
........................................................................

This chapter is dedicated to ate Celestine. Thank po talaga. Kundi dahil sa inyo di ako matututong mag-dedicate. Sana po magustuhan niyo. :)

Sayonara No Sekai (#1 of Goodbye Series) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon