Chapter 5

205 6 0
                                    

Chapter 5

Jasmine’s POV

                Gumagawa ako ng lesson plan pero hindi ako makapag-focus. Malapit na ang midterm ng mga estudyante ko, pero ako? Hindi ko parin nagagawa yung exam para sa kanila. Paano ba naman kasi, simula noong nakilala ko yung lalakeng iyon? Gumulo na ang mundo ko. Naging kakaiba na ulit ang takbo ng normal na buhay ko. Wala parin siyang pinagbago, hanggang ngayon buwisit parin siya nang buhay ko.

                10 taon na ang nakakalipas, hanggang ngayon sumasakit parin ang kidney ko sa tuwing nakikita ko siya. Hindi ko inaasahan na makikita ko siya sa lugar na iyon. Sa lugar na kung saan lagi niyang kasama ang bestfriend niyang si Mandy. Matagal ko na siyang pinagmamasdan, at hanggang doon lang ang kaya kong gawin ang pagmasdan siya. Sino ba naman kasi ako sa buhay ni Cloud James Aragon Trinidad? Isa lang naman ako sa maraming nahuhumaling sa kanyang kagwapuhan. Oo, isa ako sa maraming babae na nakakakita ng kagwapuhan taglay niya na sa sarili niya mismo ay hindi. Mailang beses na niya akong dinaanan. Maraming beses ko narin siyang dinaanan at sa tuwing mag-tatagpo ang landas naming dalawa, ako itong umiiwas kasi nahihiya ako.

                Marami na rin akong beses nag-bigay ng loveletter sa kanya tuwing valentines day pero wala akong naririnig na feedback galing sa kanya. Ang weird niya, hindi ko mabasa ang gusto niya. Pero isa lang ang alam ko sa kanya. Patay na patay parin siya sa bestfriend niya, na patay na patay naman sa kaibigan nilang si Kyle. Na naging girlfriend naman ni Jessie, oh diba? Alam ko ang takbo ng buhay nila? Gayong ako? Wala silang alam na nag-eexist pala ang isang tulad ko sa mundo nila.

                Hanggang isang araw nalaman ko na naaksidente itong si Mandy, nabangga ito ng isang kotse at malubha ang nangyari sa kanya. At ang worst ay coma siya, iyon ang bali-balita noon. Graduation noon, at hindi ako makapaniwala na hanggang ngayon ay nakahiga parin siya sa kama niya at tulog na mahigit sampung taon na.

                Nakatingin ako ngayon sa kaluluwang ito. Malungkot ang mukha niya, napailing ako. At saka huminga ng malalim, kailangan kong mag-isip. Papaano ko sasabihin kay Cloud ang lahat ng ito? Joke lang naman yung sinabe ko na tutulungan niya akong hanapin yung first love ko? Papaano niya mahahanap gayong wala naman akong first love. At kung meron man siya yun. Sa kanya unang tumibok ang puso ko. Na hanggang ngayon ay patuloy parin na tumitibok para lang sa kanya.

                “Hindi ko alam ang gagawin ko, baka naman gusto mo akong tulungan?” tanong ko sa kanya. Sinabe niya na ako lang raw ang makakatulong sa sarili ko pati sa problema ng ibang taong nasa paligid ko. Punyeta! Paano ko gagawin yun? Masyado siyang makahulugan, sinabe ko sa kanya na doon muna siya kay Cloud mang-gulo pero hindi parin siya umalis sa tabi ko. Wala na akong nagawa. As in literal na wala akong nagawa, hindi ko parin natapos ang lesson plan ko. Ngeyta talaga! Makatulog na nga lang!

                “Hello Mam,” bati sa akin ni Cloud, nasa loob na naman siya ng klase ko. Inirapan ko siya saka ko siya pinalabas ng klase ko. Sinabe ko sa kanya na antayin niya ako bago matapos ang klase ko dahil may pag-uusapan kaming dalawa. Halos tatlong oras ko siyang pinag-antay, napapangiti ako noong palapit ako sa kanya sa may canteen. Samantala siya nakasimangot at ang sama nang titig niya sa akin.

                “Hindi mo ba alam na mahal ang oras ko, buwisit ka sinasayang mo ang oras ko!” kitang kita ko ang inis na inis siya habang ako? Natutuwa sa loob ko kasi nabubuwisit ko siya.

                “Nandito na ako, ano pang pinuputok ng butsi mo ah?” saka ako umupo sa tabi niya.

                “Bakit ka ba nandito?” tanong ko sa kanya.

Abakada: I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon