Chapter 16

191 5 0
                                    

Chapter 16

Jasmine’s POV

            Mas naging malala ang mga sumunod na araw sa buhay ko nitong mga nakaraang araw. Panay ang suka ko ng dugo, at lagi nalang akong inilalagay sa ICU para sa mga sunod-sunod na operations at check up. Minsan ko nalang Makita ang pamilya ko, at sa tuwing nakikita ko sila, mas lalo akong nahihirapan kasi, umiiyak sila. Naaawa sila sa akin, yun pa naman ang ayaw kong mangyari. Ayaw kong manghina sila dahil sa nangyayari sa akin, ito na yung bagay na kinakatakutan ko, pati mismo yung pamilya ko ay parang gusto kong lumayo sa akin. Ayaw ko ng kinakaawaan ako. Ayaw ko ng may mga taong umiiyak sa akin. Alam ko naman na mamamatay na ako, sa totoo nga lang, wala naman sense yung mga giangawa ng mga doctor sa akin kasi. Mas lumalaki lang yung bayarin namin sa ospital na ito.

            “Kumain ka na anak,” yaya pa sa akin ni Mama, pero wala akong ganang kumain. Parang kapag kumain ako, mamaya-maya ay isusuka ko lang din naman ito. Nang biglang may kumatok. Tumayo si Mama upang buksan yung pintuan, bumungad sa akin ang dalawang babae. Dalawang babaeng hindi ko naman kilala.

            “Sino kayo mga iha?” tanong pa ni Mama sa dalawang babaeng nasa harapan nito.

            “Ah? Kaibigan po kami ni Jasmine,” sabi pa noong isang babaeng nakashade. Tumingin si Mama sa akin at iniling ko ang ulo ko. Kahit anong isip ang gawin ko, hindi ko talaga maalala na kilala ko itong dalawang ito. At isa pa, hindi ko talaga sila kilala.

            “Sige, pasok.” Yaya pa ni Mama sa dalawa.

            “Uhm, tita pwede ho ba naming kausapin ng kami lang si Jasmine, importante lang po.” Sabi pa noong isang kasama ng nakashade.

            “Bakit? Hindi ko ba pwedeng marinig yung sasabihin niyo sa anak ko?” pagdududa pa ni Mama sa dalawa.

            “Don’t worry tita, hindi namin sasaktan si Jasmine, kakauspain lang talaga namin siya,” the girl assures my mom.

            Hinila ng isang babae si mama sa labas upang yayaing kumain sa labas. Hindi naman ako nakaramdam ng takot kasi, feeling ko harmless naman sila at isa pa. kung totoong mga kaibigan ko sila, pero kahit na wala talaga akong maalala. Alam kong hindi nila ako sasaktan. Ako at ang babaeng nakashade lang ang natira sa loob ng kwarto noong sinarado na ni Nanay kung pintuan kasama yung babaeng kasama nitong nakashades na ito. Tinanggal niya ang suot niyang shades at hindi ako makapaniwala na bulag pala siya. Kaya pala siya nakashade ay dahil sa bulag ito.

            “Siguro marami nang tumatakbo ngayon sa utak mo no? tinatanong mo siguro kung sino ako? Kami, at bakit namin sinabeng kaibigan ka namin kahit na alam mong hindi naman talaga totoo yun, at isa pa nagtataka kasi kung bakit ang ganda-ganda ko para maging bulag?” medyo ang lakas din ng loob ng babaeng ito. Ang lakas ng tiwala sa sarili niya, nakakatuwa siya pero at the same time nakakairita.

            “Who are you?” mataray na tanong ko.

            “Opps! Mataray! Hindi ko gusto yan, siguro sabihin nalang natin na pinadala ako ni God dito para isampal sa iyo ang mga bagay na nakakalimutan mo.” Saka nito inihagis sa akin ang isang libro.

            “Ang tawagin at kausapin siya,” sabi pa niya.

            “Nagdadasal ako,” sagot ko.

            “Wehh? Di nga? Kung talagang nagdadasal ka, at ibinigay mo na sa kanya ang lahat? Bakit may struggles ka parin diyan sa puso mo? At bakit ang bitter mo sa boyfriend mo?”

Abakada: I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon