Chapter 7

167 6 0
                                    

Chapter 7

Cloud’s POV

                Hindi ko siya maintindihan, at ganun din ang sarili ko. Hindi ko maintindihan kasi hays! Nahihirapan na ako. Ilang araw ko na siyang gustong Makita, at kahit na kating-kati na ako na Makita siya hindi ko parin magawa. Kasi natatakot ako, ewan ko ba hanggang ngayon yung takot ko naramdaman ko kay Mandy ay nararamdaman ko parin sa mga taong lumalapit sa akin.

                “Babae ba?” nagulat ako, pero hindi ko ipinakita kay Sky ang pagkagulat ko. Magkakasakit na ata ako sa puso nito dahil sa ginagawa niyang pagsulpot sa gilid ko. Tinignan ko siya ng masama.

                “Tigilan mo ako Sky, wala ako sa mood.” Inis kong sagot sa kanya.

                “Tsk! Lagi ka namang wala sa mood eh, alam mo sa ginagawa mong iyan. Mabilis kang tatanda.” Hindi ako natatakot tumanda mag-isa, mas natatakot pa ako sa multo kesa sa pagtanda ko. Gusto kong isagot sa kanya pero hindi ko magawa kasi alam kong tatawanan niya lang ako. Kinuha ko ang phone ko, I was about to text her baka kasi madaan ko sa text.

                “I text mo na, baka makuha pa ng iba,” pang-asar pa ni Sky sa akin. Binigyan ko ulit siya ng masamang titig.

                “Chill, binibiro lang kita.” Sabay iwas niya sa akin. Tinapik pa niya ang braso ko bago siya tuluyang umalis sa pwesto ko. Bagay talaga silang magkasintahan, pareho silang baliw. Muli akong napatingin sa cellphone ko, itetext ko ba o tatawagan nalang? Buwisit! Bakit ko ba ginagawa ito? Wala naman akong kasalanan sa kanya ah? Kasalanan ko bang mahulog siya sa akin? Kasalanan ko bang gwapo ako?

Ang kasalanan mo, nagpakita ka kasi ng motibo. Sabi ng isip ko.

Ang kasalanan mo, unti-unti ka naring nahuhulog sa kanya. Dagdag pa ng isip ko.

“Buwisit ka! Tigilan mo ako, kundi iuuntog ko itong ulo ko nang mawalan ka na ring ng silbi sa mundong ito,” inis kong sabi sa sarili ko. Napatingin ako sa gilid ko, narinig pala ng bruhang ito ang mga sinabe ko. Bigla siyang tumawa ng malakas, dahan-dahan kong tinanggal ang pagkakasambunot ko sa ulo ko.

“Baliw ka na nga,” bulong pa niya.

“Atleast gwapo parin naman,”

“Mas Gwapo parin si Sky,”

“Sa mata mo,”

“Ewan ko sa iyo.” Bigla siyang nainis at nagwalk out. Napangiti ako, saka ako bumuntong hininga ng malalim. Ano bang nangyayari sa sarili ko? Ano bang ginagawa ko sa sarili ko? Hays bahala na!

                Kinabukasan, nagdesisyon akong puntahan si Jasmine. Kahit na labag sa dibdib ko ay ginawa ko parin. Nasa harapan na ako ng bahay nila pero bakit kinakabahan ako.

                “Wag mong papasukin yang lalakeng iyang kundi mapapatay ko yan,” bungad niya pa sa akin, habang hawak-hawak ang isang armalite. I can’t believe, para siyang sinapian ni Rambo. Kinabahan ako, dahil seryoso ang mukha mo. Pinipigilan pa siya ng Nanay niya habang ang tatay niya ay tawa lamang ng tawa sa likuran nito at ganun din ang mga maliliit nitong kapatid na para bang nagche-cheer pa sa ate nila. Pamilya sila ng may saltik!

                “Ano bang ginagawa mo dito ah? Pagkatapos mo akong bastedin?” kumunot ang noo ko sa sinabe niya.

                “Anong bastedin?” hindi ko maintindihan, wala akong maalala na binasted ko siya. Yun ba ang dahilan kung bakit siya galit na galit sa akin ngayon? At kaya niyang gawin pasabugin ang katawan ko sa baril na hawak niya?

Abakada: I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon